Bumalik na si Ye Wan Wan sa kanyang dormitoryo at hindi na inisip ang nangyari kanina sa may tabing-lawa. May ilang buwan na lang siyang natitira bago magsimula ang college entrance exam kaya hindi rin naman siya magtatagal sa eskwelahan; wala nang dapat na aksayahing panahon para sa mga ganitong klaseng pambatang laro.
Kinabukasan ng umaga.
Bumalik na sa dating gawi at ayos si Ye Wan Wan nang pumasok sa klase.
Nang makapasok na sa loob, biglang tumahimik ang buong silid. Nakatitig sa kanya ang buong klase na tila pinandidilatan siya at parang may inaasahang mangyari sa kanya.
Nairita si Ye Wan Wan; halata sa mga taong 'to--talaga bang tatratuhin siyang parang tangang walang alam?
Kung gayon, sa abot ng makakaya niya, wala nga talaga siyang alam.
Walang kamalay-malay na dumiretso lang sa kanyang upuan si Ye Wan Wan.
Walang tingin-tingin, napagtanto niya na may parang kung anong nakalagay sa upuan niya. May nakalagay palang makapal na pandikit sa kinauupuan niya. Kung hindi man niya titigan niyang mabuti, siguradong napaupo na siya agad doon.
Sa ganitong klase ng pandikit, ang sinumang tao na uupo dito ay siguradong aalisin ang sarili niyang pantalon para makatayo.
Kahit na hindi naman ganun katindi ang pangtitrip na 'yun, siguradong mapapahiya naman siya sa buong klase.
Nakita ni Ye Wan Wan si Si Zia na natutulog sa kanyang esa at pabulong na nagsabi ng homme fatale...
Nang hinila niya ang upuan niya, mayroon agad sa na nagmadaling pumunta sa tabi niya, at agad na hinila ang upuan.
Napunta sa harapan ang upuan, naaninagan ng nakakasilaw na liwanang ng araw kaya nakita ng lahat ang pandikit na nakalagay sa upuan.
Natutulog naman si Si Xia ng biglang magising siya sa kalabog na narinig. Ang iritableng tingin ay napunta kina Ye Wan Wan at Ling Dong na nakatayo sa harapan, at saka tumitig sa upuan. Kumunot ang kanyang noo.
Hindi napansin ni Ye Wan Wan ang reaksyon ni Si Xia. nakataas ang kilay at nakatingin kay Ling Dong na lumitaw na lang bigla sa kung saan.
Anong ibigsabihin nito?
Habang may mga matang nakatitig sa kanila, ang noo'y arogante at sigang ekspresyon ni Ling Dong ay sandaling nawala. Hinila niya ang kanyang upuan at saka ibinigay iyon kay Ye Wan Wan ng walang anumang sabi.
Hindi lang iyon. Sa ilalim ng mga matang nakatingin sa kanila, hinila niya ang desk drawer ni Ye Wan Wan at inalis ang patay na daga sa loob nito.
Nang makita ang patay na daga, napatili bigla sa gulat ang ilang mga babae sa silid.
Walang imik na itinapon ni Ling Dong ang patay na daga at saka pinailaw ang kanyang cellphone para tingnan kung mayroon pang nasa loob ng drawer at saka nagsabi kay Ye Wan Wan sa mahinahon na boses, "Umupo ka na."
Hindi siya tumingin sa mga mata ni Ye Wan Wan matapos magsalita. Bumalik na siya sa kanyang upuan, hinubad ang suot na jacket, tinakpan ang pandikit sas upuan at saka inupuan ito.
Ye Wan Wan: "..."
Bukod kay Ye Wan Wan, natahimik ang buong silid-aralan nang mahiwagaan sila sa mga kinilos ni Ling Dong.
Anong kalokohan 'to sa ganitong kaaga!
Ito… anong ibigsabihin nito?
Bakit tinulungan ni Ling Dong si Ye Wan Wan?
Lalo na si Cheng Xue, na may elegante at magandang mukha ay nagulat at nainis rin, tinitigan niya si Ling Dong na parang hindi makapaniwala, hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"Damn! Dong, anong nangyayari? Akala ko tuturuan natin ng leksyon ngayon araw 'yang pangit na halimaw na 'yan?" sabi ng katabi ni Ling Dong, ang lalaking may maiksing buhok.
Nagmukhang yamot naman ang ekspresyon ni Ling Dong, "Tumahimik ka! Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo 'yung ginawa ko?"
"Oh…" agad na nanahimik na lang ang katabi niya matapos marinig ang mga sinabi niya.