Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 733 - Ang lungsod na sugalan ng mga mamahaling bato

Chapter 733 - Ang lungsod na sugalan ng mga mamahaling bato

Umabante sila Eleven ang Xue Li para batiin ang taong parang pamilyar sa kanya.

Pagkatapos nilang mag-batian, ang lalaking nakasuot ng itim na pantaas ay ngumiti at ma-respeto niyang kinausap Ye Wan Wan, "Magandang tanghali, Miss Ye… ang pangalan ko ay si Ma Bing. Kaibigan ako ni Mr. Xu Yi at nagmula ako sa Myanmar, pinaalam sa akin ang pagbisita ni Ye Wan Wan noong kailan lang kaya naatasan kong sunduin ka ni Mr. Xu Yi."

Tumango si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. Pinalaam na ito ni Xu Yi sa kanya bago pa siya pumunta sa Myanmar.

Kilala si Ma Bing sa buong city H. May sabi-sabi nasa parehas na masama at mabuting panig siya nagta-trabaho at batikan siya sugalera upang makuha niya ang mamahaling mga bato.

Kilala ang city H ng Myanmar bilang isang lungsod na binabalot ng sugalan para sa mamahaling mga bato. Umunlad ang lungsod dahil sa malaking kinikita ng sugalan ng mga mamahaling bato, ngunit nagkagulo rin ang sistema ng lungsod dahil sa kalakaran na ito - wala sa ayos ang sektor ng seguridad ng lungsod at ito ay lugar na napapaligiran ng mga sakim at masasama.

Ayon sa kasabihan, "Hindi mapapantayan ng isang sakim na ahas ang dakilang dragon." Mawawalan ng bisa kapag umasa lamang sila kayla Eleven, Feng Xuan Yi at sa iba pa. Gayunpaman, tinawag nga naman ni Xu Yi si Ma Bing dahil hindi sila pamilyar sa lugar na iyon.

Parte si Ma Bing sa samahan ng mga pinuno ng local mafia, kaya hindi sila mahihirapan kapag kasama nila si Ma Bing.

"Hello, Mr. Ma Bing, pasensya na sa abala." Ngumiti si Ye Wan Wan.

"Ay, huwag mong sabihin 'yan, Miss Ye. Ikaw ang mistress ng sambahayang Si, kaya ikinalulugod kong pagsilbihan ka, Miss Ye. At tsaka, matalik kong kaibigan si Xu Yi. Kung hindi dahil kay Xu Yi, mamamatay ako sa sobrang gutom sa kalsada ng Myanmar!"

Sinundan nila Ye Wan Wan at ang iba pa niyang mga kasama si Ma Bing at lumabas sila ng airport.

Habang palabas sila ng airport, tinanong ni Ye Wan Wan si Ma Bing tungkol sa sitwasyon sa city H na kung saan ay may mga spekulasyon sa mga mamahaling bato. Naging prangka si Ma Bing sa kanya.

Kilala ang city H ng Myanmar bilang lungsod na may likas na mamahaling mga bato, ngunit ito rin ang lungsod na mataas na tsansang magkaroon ng spekulasyon sa mga mamahaling bato.

Malaki ang pagkakaiba nito sa ordinaryong bato na ginagamit sa sugal; sa city H, gumagamit sila ng mga jadeit at ito ay may mataas na halaga sa panahon na ito. Mataas ang halaga nito sa internasyonal na pamilihan at maraming tao ang nagtatangkang habulin ang swerte upang mapanalunan ito.

At tsaka, ang mamahaling mga bato ng city H ay ang pinakamahalagang mga bato sa buong mundo - tumataas ang halaga nito ayon sa kanilang laki, kulay at kaningningan.

Ang halaga ng ordinaryong bato ay nasa libo-libong yuan hanggang sa sampung libong yuan at libo-libong yuan sa kada isang catty, ang mga espesyal na bato sa city H ng Myanmar ay umaabot sa halagang daan-daang libong yuan sa bawat isang catty, kaya ang bato na nagkakahalagang daan-daang libong yuan sa bawat catty ay umaabot sa halagang isang milyong yuan sa kabuoan. Hindi babalik ang inipon mong pera kapag nalaman mo na walang kwenta o laman ang isang bato.

Maraming sugarol ng mamahaling bago sa city H, na naging mayaman ng panandalian at naubos ang pera nila kinabukasan.

Marami sa mga sugarol ay winaldas ang yaman ng kanilang pamilya sa pagsusugal ng mga mamahaling bato; malalaman lang nila ang halaga nito kapag biniyak nila ang mga bato at dito rin nakasalalay ang buhay at mga ari-arian ng mga sugarol.

"Heh, Miss Ye, ito ay ang industriya ng pakikipagkalakalan ng jade - pwede kang yumaman ng mabilis o mawala ang buong buhay mong pinaghirapang ipon kinabukasan."

Dahan-dahan na humakbang si Ma Bing patungo kay Ye Wan Wan, "Sa totoo lang, noong mga nakaraang buwan, may isang kumpanya na kilala sa kanilang paghuhukay upang mahanap ang mga mamahaling bato, ang nakahanap ng dambuhalang bato na may bigat na 300 catties. Isang magandang klase ang batong ito ayon sa kanyang kulay, kinang at kalidad. Nilagyan ito ng presyong 400,00p yuan sa kada isang catty, at sinabi nila na ang laman nito ay mataas na klase ng jade sa looban. Pagkatapos nito, may isang manlalakbay ang bumili ng bato sa halagang 100 million. Alam mo ba ang nangyari, Miss Ye?"

"Anong nangyari?" Natawa si Ye Wan Wan at nagtanong siya dahil gusto niyang malaman kung ano ang kakalabasan.

Sa totoo lang, narinig niya na ang balitang ito sa buhay niya noon, noong pumunta siya sa Myanmar.

Related Books

Popular novel hashtag