Chapter 729 - Magaling sa pag-arte

Sa totoo lang, hindi nya talaga masisisi si Si Yehan sa pagiging paranoid sakanya

Sa dati niyang buhay, maraming beses na sinubukan ni Si Ye Han na ihanda ang daan para sakanya, pero lagi nyang na gugulo ang bawat pagkakataon.

Gayunpaman, sa mga oras na to, hindi na niya uulitin ang parehong pag kakamali….

Kinabukasan, sa conference ng Si Corporation 

Naupo si Si Ye Han sa main seat sa may gitna. Sa kanyang kaliwa na ay si Ye Wan Wan, nakasuot ng isang champagne-colored na pang propesyonal na kasuotan.

Hinawakan ni Si Ye Han ang kamay ni Ye Wan Wan at ginabayan. Ito ang unang beses na opisyal niyang dinala si Ye Wan Wan sa kumpanya bilang isang personal assistant.

Siya ay nasa posisyon kung saan maari siyang makialam sa mga gawain ng kahit anong department, pinamilyar ang kanyang sarili sa kumpanya sa maikling panahon at nagtaguyod ng kanyang network.

"Magandang umaga, sa lahat. Nawa'y gabayan ninyo ako sa mga darating na araw!" masiglang tumayo si Ye Wan Wan at nagbigay ng isang simpleng pagbati.

Habang nakaupo si Si Ye Han, hindi na mahalaga kung anong iniisip ng mga tao; mainit at may ngiting pagtanggap sa mga mukha ng lahat at siyempre, si Qin Ruo Xi ang unang tumayo at pumalakpak.

"bilang hindi na naangkop ang kalusugan ni chairman Si para sa mahabang travel, pupunta ako sa Myanmar sa ngalan niya," ang sabi ni Ye Wan Wan.

Sa una, si Qin Ruo Xi ang kumpirmado na pupunta sa trip, ngunit si Ye Wan Wan ang nakaagaw ng kanyang role.

Umarte si Qin Rou Xi na parang wala syang sama ng loob at kalmadong sinabi, "para sa pagkuha ng jade sa trip na ito, naghanda ako ng kaunti at gumawa din ng ilang market research. Assistant Ye, kapag may mga bagay na hindi malinaw, pwede mo akong kausapin para matulungan kita sa kahit anong oras."

Ang kanyang sinabi ay malinaw na nagpapaalala sa lahat na kinuha ni Ye Wan Wan karangalan para sa kanyang trabaho.

Malinaw na umaarte si Qin Ruo Xi, kqya nakipag laro din si Ye Wan Wan nagpanggap si Ye Wan Wan na parang wala siyang napapansing kahit ano at inosenteng sinabi. "Haha, salamat, direktor Qin. Hindu na ako aarteng mabait kung gayon!"

Tinataas niya ang gumagalang kag Qin Ruo Xi halos hindi nila mapigilan ang kanilang galit nang makita kung gaano ka arogante ni Ye Wan Wan, ngunit isang tingin lamang kay Si Ye Han ang nagpanginig sa kanilang lahat na parang mga quail - hindi nila tinangka na mag labas ng utot at tanging itinango na lang ang kanilang ulo ng sabay-sabay.

Malamig ang tingin ni Ye Wan Wan sa kanila mula sa gilid at biglang nakaramdam ng hitap sa posisyon ng mga nakatataas na ito - hindi lang sa gusto nilang maging propesyonal sa trabaho, ngunit kailangan din nilang maging mahusay sa pag-arte.

Si Ye Han: "Tapos na ang meeting. Assistant Ye, pumunta ka sa aking opisina."

"Sige!" nagbigay ng mapait na mukha si Ye Wan Wan at sumunod sa malanig at matigas na anyo.

Ay, siguradong paggagalitan na naman niya ulit ako.

Bakit ba kailangan niyang mag-alala ng masyado?

Pinagsabihan na niya ako buong gabi kahapon, pero hindi pa din siya tumitigil...

Habang nasa meeting, walang nagtangkang magsalita, pero kapag sila ay umalis na, lahat ng gusto nilang sabihin ay lumalabas.

"pwersahang napatabi si direktor Qin ng babeng yun ng ganun ganun lang ?"

"tignan mo na lang kung paano siya kumilos - kahit sinong lalaki ay mahuhulog sa kanya, kasama na ang ating BOSS!"

"Pati ang BOSS ay gusto siya, hindi niya kailangan maging bias, diba? Si direktor Qin dapat talaga ang pupunta sa Myanmar, pero ng dumating ang babaeng iyon at nang agaw ng trabaho ng iba!"

"lumaki si direktor Qin kasama ang BOSS, kaya malinaw na gusto ni Ye Wan Wan siyang kalabanin!"

"Tsk tsk…"

Gabi, sa Qin Residence:

Sa may bakuran, mayroong isang mababang antigong coffee table at isang unan sa tabi niya.

Nakaluhod s Qin Ruo Xin sa may unan gumagawa ng tsaa.

Nang makitang kung paano hindi natitinag si Qin Ruo Xi, isang tao ang hindi mapigilan ang kanyang galit.

"Miss Ruo Xi, pahaba na ng pahaba ang kamay ng babaeng iyon; nanghimasok na rin siya sa mga gawain ng kumpanya ngayon at sinasadyang kunin ang trabaho mula sayo - sobra na ito!"

Nagdilim ang mukha ni Yuan Sheng. "Miss Ruo Xi, nalaman ko na walang alam kahit isa ang babaeng iyon tungkol sa mahalagang bato, nag lakas loob pang magmayabang at walang hiyang nagboluntaryo sa trabaho. Kailangan naming gumawa ng tricks para masira niya ang mga bagay. Kapag dumating ang araw…"

Related Books

Popular novel hashtag