Magiliw na umakto si Ye Mu Fan na para bang hindi siya nababahala rito. "Hoy~ Head stylist He, 'wag kang mataranta, sinasabi ko lang naman ang iniisip ko at wala akong plano gawin kang responsable sa insidenteng ito. Disenyo lang naman. Kaya kita bigyan ng sapo pa galing sa akin kada araw."
"Kung sobrang gusto mo naman, ibibigay ko na lang sa 'yo. Hindi naman na ito malaking bagay - naging magkatrabaho naman tayo, kaya hindi ako nababahala na bigyan ka ng isa pang manuscript kung gusto mo!"
"I-ikaw… ikaw ikaw...:" sa sobrang galit ni He Jun Cheng, halos masuka na siya ng dugo.
Sabi ni Ye Mu Fan na hindi siya nababahala, pero kahit na wala siyang ebidensya, nagawa niyang bigyan ng reputasyon si He Jun Cheng sa pagnakaw ng mga gawa niya. Tsaka sa kalagayan niya ngayon, natural lang na paniniwalaan siya ng lahat.
"Diyos ko, hindi ko inasahan na ganoong klaseng tao si He Jun Cheng - kukunin ang manuscript ng iba at aakingnin!"
"Tama! Paano niya nagawang maging bastos dahil lang sa walang ebidensya si Felix, huh?"
"Sinabi niya pa na ninakaw ni Felix ang gawa niya! Nakakahiya!"
Ang mga taong nagtanggol kay Ye Mu Fan kanina lang ay tuluyan nang nag-iba ng panig; kinukutya nila si He Jun Cheng tulad ng pagkutya nila kay Ye Mu Fan kanina lang.
Tila bang pulubi at milyonaryo sina He Jun Cheng at Ye Mu Fan.
Isang pulubi na inaakusahan ang milyonaryo na ninakaw ang kanyang pera - may maniniwala ba dito?
Tinignan ni Ye Mu Fan si He Jun Cheng, na inaatake hanggang sa wala na siyang masagot, at isang malamig na liwanag ang kumislap sa kanyang mata.
Tsk, ano naman kung puro kalokohan ang sinasabi ko?
Sa lagay ko ngayon, kailangan ko pa ba ng ebidensya para guluhin siya?
Tsaka, sa sinabi ni Ye Mu Fan ngayon, maituturing na sira na ang propesyonal na karera ni He Jun Cheng.
Dahil walang nakakaalam kung gaano kadaming mga disenyo ang mayroon sa nasabing manuscripti. Walang makakaalam kung galing sa nakaw na manuscript o gawa talaga ni He Jun Cheng ang magiging disenyo niya sa hinaharap.
Para kay Shen Meng Qi naman, na suot ang nakaw na disenyo, walang pagkakaiba ang hinaharap niya...
Itong chairperson, na si Mu Wen Qing, ay halatang nasa panig ni Ye Mu Fan at maingat din siyang tao. Agad niyang inalis ang pangalan ni He Jun Cheng mula sa Fashion Association at tinawag ang security para paalisin siya...
Nahiya din ang ibang mga stylist mula sa Assembly of Stars at tahimik na umalis isa-isa.
Para bang tanga si Shen Meng Qi. Tuliro siyang nakatayo sa may entablado at wala ni isang tao ang tumulong sa kanya para makaalis sa nakakahiyang sitwasyon.
Kumapit siya sa maliit na pag-asa at tumingin kay Ye Mu Fan - kahit na hambog at hangal ang lalaking ito, tapat itong pumoprotekta sa kanya at sa tuwing may nangyayari sa kanya, si Ye Mu Fan ang unang lumilitaw...
Pero ngayon, hindi man lang sumulyap si Ye Mu Fan sa kanya.
Tuluyan nang napalibutan ng mga tao ang lalaki para batiin ito; hindi man lang makita ni Shen Meng Qi ang kanyang batok...
"Haha, nalulugod ako, nalulugod ako…"
Abala si Ye Mu Fan sa pakikipaghalubilo na parang isang isda na kakabalik lang sa tubig, nang may makita siyang isang pamilyar na pigura na papalapit sa kanya. Sa sobrang gulat niya ay halos mabuga niya ang kanyang wine.
"Nandito na ang boss ko, kailangan ko nang umalis! Makikiraan po!" mabilis na pinasa ni Ye Mu Fan ang hawak na baso sa isang miyembro ng staff sa malapit at lumapit doon--
Nang makita na biglang pagpalit ng personalidad ni Ye Mu Fan sa isang segundo lang, mahinang sabi ni direktor Zheng, "Bakit sa tuwing makikita ng vice-chairperson natin si direktor Ye, para siyang isang daga na nakakita ng pusa?"
Hindi alam ng miyembro ng staff kung tatawa siya o iiyak. "Tama nga… kadalasan, pwedeng maging arogante si Felix - hindi niya haharapin ang sinuman kung nasa masama siyang mood, pero sa isang salita lang galit sa direktor Ye at susunod na siya agad!"
"Saan ba galing ang direktor Ye na ito na mula sa Dazzling? Madami siyang mga magagaling na eksperto na hawak niya!"