Umiling si Mu Wen Qing, "Kumpara kay Mu Fan, may malaki pa ding pagkakaiba…"
Alam ni direktor Zheng kung gaano humahanga ang chairperson na ito sa bagong vice-chairperson at mabilis na sinabi, "Syempre! Pero may pagkakapareho ang istilo nila, pero parang pangbaguhan lang ang gawa ni He Jun Cheng!"
Lumingon si Mu Wen Qing sa bakanteng upuan sa tabi niya, "Nasaan si Mu Fan? Bakit wala pa siya?"
"Nakaaksidente siya papunta rito at inaayos niya ito ngayon din. Mamaya nandito na siya!"
"Ano? Naaksidente?" pagkunot ng mga kilay ni Mu Wen Qing.
Mabilis na nagpaliwanag si direktor Zheng, "'Wag kang mag-alala, chairperson. Ayos lang siya pero medyo nasira ang sasakyan niya. Pupunta na ako sa may pasukan para salubungin siya!"
…
Hindi naman nagkagulo ang panandaliang pag-alis ni direktor Zheng.
Sa sandaling lumitaw si Shen Meng Qi sa entablado, rinig ang mga papuri sa buong silid at nag-umpisa ng pumalakpak ang mga tao.
"Ito na ang pinakamagandang gawa ni head stylist He. Ang galing talaga!"
"Itong pagkamalikhain at ideya niya - walang ordinaryong tao ang makakakuha nito!"
"Pati si chairperson Mu ay napahanga din!"
Nagagalak na pinakinggan ni He Jun Cheng ang mga papuri. "Binobola niyo na ako; maliit na tagumpay lang naman ito at hindi na kailangan pang banggitin!"
Sa sandaling ito...
Sa gitna ng mga papuri, may biglang nagsalita--
"Tsk, kailan pa bumababa ang pamantayan ng Fashion Association? Pati ang nanakaw na gawa ng walang hiyang taong ito ay napakita sa entablado at nakatanggap ng mga papuri sa lahat?"
Puno ng pagka-uyam ang boses ng lalaki.
Napatahimik ang lahat nang marinig ang boses ng lalaki.
Nanigas ang masayahing itsura ni He Jun Cheng. Nandilim ang kanyang itsura sabay lingon sa taong nagsalita--
Nakita niya si Ye Mu Fan na nakatayo doon at magulo pa ang kanyang buhok at gusut-gusot pa ang damit. Nakangisi si Ye Mu Fan at kalmadong nakatayo doon.
YE MU FAN!
Talagang nagtangka siyang manggulo sa amin!
Galing, magaling...
Hindi na kailangan pang magsalita ni He Jun Cheng - nag-umpisa nang may magtanggol sa kanya: "Saan galing ang kaawang-awang pulubi na ito? Ang kapal naman ng mukha niyang pabagsakin ang reputasyon ng Fashion Association at inakusahan pa ang stylist namin na magnanakaw!"
Wala pang masyadong nakakakita sa itsura ni Felix at base sa itsura ni Ye Mu Fan, walang nagbigay respeto sa kanya.
"Sino ang lalaking ito? Bakit parang pamilyar siya?"
"Hindi mo alam? Siya ang great young master ng Ye Group, nahirangang prinsipe ng Emperor Sky Entertainment - si Ye Mu Fan!"
"P*ta! Ang ignoranteng palaboy na 'yon? Anong ginagawa niya dito?"
"Dinig ko may ginagawa siyang kakaibang trabaho kay He Jun Cheng at natanggal - baka may sama siya ng loob kaya andito siya para manggulo!"
"Ang baligho nito!"
Nang matapos na ang lahat sa pag-insulto kay Ye Mu Fan, tumayo si He Jun Cheng at kaswal na nagsalita, "Young master Ye, pinalayas ka mula sa bahay niyo at nanirahan ka sa kalye noon, kaya naawa ang aming big missy at napagdesisyunang kunin ka para magtrabaho para sa akin."
"Pero dahil sa wala kang talento at ayaw mong ayusin ang iyong trabaho, wala akong magawa kundi tanggalin ka. Tutal, kailangan kumita ng kumpanya at hindi namin binabayaran ang mga tamad."
"Sinong mag-aakala na hindi ka man lang nagsisisi, pero pumunta ka pa dito para insultuhin ako, ay…"
Nagpanggap na nasaktan si He Jun Cheng habang nanatiling tahimik naman si Ye Mu Fan. Nakatayo lang siya doon at pinanood ang pag-aarte niya. "Oh? Wala akong talento? Sino pala ang may talento, huh? Ikaw ba 'yon, great stylist He? Ang taong alam lang kung paano manggaya ng gawa ng iba?"
Inaantay ni He Jun Cheng na sabihin niya iyon at ngumisi, "Young master Ye, inaakusahan mo ako sa pagnakaw ng gawa ng iba? Bakit hindi mo sabihin kung kaninong gawa ang ninakaw ko?"