Chapter 714 - Kailangan natin siyang kunin

Ang swerte ng bagong hirang na gold medal stylist, ang godly Felix, ay mukhang hindi maganda.

Mukhang maliwanag at kamangha-mangha si Ye Mu Fan nang umalis siya sa kanyang apartment; may pomada siya sa kanyang buhok na maayos ang pagkakasuklay. Ginamit niya ang kanyang pulang Pagani sports car patungo sa lugar ng Grand Fashion ceremony, nagliliwanag sa kasiyahan.

Nasa pribadong clubhouse gaganapin ang seremonya sa labas ng Beijing.

Kahit na hindi maganda ang panahong noong nakaraang araw at laging umuulan, hindi nababawasan ang saya niya.

Bahagyang nakabukas ang binata niya at may kaunting ambon ang tumatamas akanyang mukha, pero mahinahon lang siya at kuntento. Dahil sa walang masyadong tao sa daanan, binilisan ni Ye Mu Fan ang takbo ng kotse.

Pero sa kalagitnaan no'n, isang maliit na asul na kotse ang nilalabag ang trapiko at pumunta sa kanya.

"F*ck!" kinalampag ni Ye Mu Fan ang preno at lumihis upan maiwasan ang kotse.

Dahil sa mabilis ang kanyang pagpapatakbo, gumasgas pa din ang pulang Pagani sa Buick at napunta sa palumpong bago tuluyang huminto.

Buti na lang, naiwasan niya ang kotse at walang malalang nangyari.

Dahil sa kakaulan lang, balot ng putik ang palumpong. Nang makalabas si ye Mu Fan sa kanyang kotse, tuluyan nang nasira ang kanyang suot.

Magulo ang kanyang buhok, may putik ang kanyang katawan at may malaking yupi sa kanyang Pagani.

"T*ngina…"

Patay ako nito!

Napakamot si Ye Mu Fan sa kanyang ulo at nag-aalala na parang isang langgam na kumukulo sa may kaldero. Ang una niyang reaksyon ay: Patay ako, patay ako. Sabi sa akin ni Wan Wan na dahan-dahan magpatakbo bago ako umalis ng apartment, pero ngayon, nabangga ko ang kotse.

Kapag nalama ito ni Wan Wan, babalatan niya ako ng buhay!

"Bwisit, alam mo ba kung paano magmaneho?!"

Lumabas ang drayber ng asula na kotse at nag-umpisang sigawan si Ye Mu Fan.

Nagulat si Ye Mu Fan. Siya ang hindi sumsunod sa trapiko, pwede ba? Ngayon naintindihan ko na ang kasabihang, "kung sino pa ang may kasalanan, siya pa ang galit."

Amoy ang alak mula sa lalaki at malinaw na nagmamaneho siya habang lasing.

Magaling, tatawag na lang ako ng pulis. Ano pang silbi kung makikipag-usap ang sa lasing na ito?

Dahil sa kailangan magmadali ni Ye Mu Fan sa Grand Fashion Ceremony, tumawag siya ng pulis at ang assistant niya para ayusin ang bagay na ito.

Samantala, nasa Grand Fashion Ceremony na sina He Jun Cheng at Shen Meng Qi.

Magiliw inabot ng dalawa ang gintong palara ng imbitasyon at pumasok.

Puno ang ballroom ng mga pinabanguhan na damit at magandang mga ayos ng buhok; lahat ng nandoon ay kilala sa fashion industry o sikat na artista.

Matapos na pumasok ng dalawa, may mga ilang tao ang luampit sa kanila at binati sila.

"Head stylist He, congratulations sa pagiging nominado!"

Sumenyas ng pasasalamat si He Jun Cheng. "Masyado po kayong mabait, masyado po kayong mabait!"

Matapos ang ilang mga pagbati, balisang pinasadahan ng tingin ni Shen Meng Qi ang mga tao. "Andito na ba ang Felix na sinasabi mo?"

He Jun Cheng: "Parang wala pa…"

"He Jun Cheng, bigyan mo ako ng siguradong sagot ngayon - sigurado ka ba na makukuha mo ang lalaking iyon o hindi?" nag-aalala si Shen Meng Qi at nagtanong muli.

Hindi tiyak si He Jun Cheng at mapag-atubiling sumagot, "Meng Qi, kailangan mo ba talaga makuha si Felix?"

Patagilid na sumulyap si Shen Meng Qi sa kanya. "Syempre! Ito ang una kong international show. Hindi ako papayag na may mali!"

Kamakailan lang, naging makaraniwan na ang kanyang istilo at ang kanyang estado bilang fashion guru ay nanganganib, kaya paano siya hindi mababalisa?

Kaya, kahit ano pang presyo, kailangan niyang makuha si Felix.

Kung mas maaasahan lang si He Jun Cheng, kailangan niya ba talagang magsikap, huh?

Para kay Ye Mu Fan naman, wala siyang silbi! Baka nagloloko lang 'yon kung saan-saan!