Marahang bumulong ang cross-dresser na tila bang nagdaramdam siya, "Nawala ng parang bula ang great missy. Walang mga lead, at ang tanging bakas lang natin ay ang litrato na apat na taon ng nakalipas. Hindi tayo sigurado kung anong itsura niya ngayon, kung babae man siya o lalaki - baka nagpabago na din siya ng kasarian niya… sa mga taong nakapaligid sa atin, paano natin siya hahanapin?"
Sa sandaling ito, biglang tumunog ang itim na teleponong nakasabit sa bewang ni Nameless Nie na para bang mala-demonyong tunog sa kanyang tenga.
Nagsitayuan ang balahibo ng lahat at bahagyang inatras ang kanilang upuan, sinusubukang paliitin ang kanilang pamumuhay.
Kinurot ni Nameless Nie ang kanyang kilay. Kahit na hindi niya gusto, hindi na siya nagtangka pang patagalin ito at agad na sinagot ang tawag, "Hello…"
"Nakita mo na ba ang mama ko?" isang pamilyar na boses ng bata ang tumunog mula sa receiver. Bata pa ang kanyang boses, pero malamig ito at nakakatakot.
Huminga ng malalim si Nameless Nie. "Sabi ko… hindi mo ba pwedeng baguhan ang mga linya mo sa tuwing tumatawag ka?"
"Nakita mo na ba ang papa ko?"
"..." Sige, magkunwari kang wala akong sinabi.
"Tito, mayroon ka na lang kalahating buwan, at kapag wala ka pa ding balita sa kanila, ako na mismo ang pupunta sa country Z."
Agad na namanhid ang mga anit ni Nameless Nie. "P*ta! 'Wag kang gumawa ng kung ano-ano - paano kung may mangyari sa 'yo?!"
Papatayin ako ng magulang ko kapag may nangyari sa mahal nilang apo!
Gayunpaman, pinapahirapan ako ng maliit na demonyong ito hanggang sa ayaw ko nang mamuhay pa kahit na malayo siya - paano na lang ako mamumuhay kung pupunta siya sa country Z?!
"Edi sisihin na lang natin ang sarili ko dahil may wala akong kwentang tito."
Nameless Nie: "..." kailangan mo ba akong saktan ng ganito?
Nangalit ang ngipin ni Nameless Nie at madilim na sinabi, "Alam mo bang hindi ka nakakatuwa? Kahit na makita natin ang magulang mo, hindi ka nila gugustuhin!"
"Tito, alalahanin mo muna ang sarili mo dahil bago iyan mangyari, hindi ka muna gugustuhin ng papa at mama mo."
Nameless Nie: "F*ck…"
Alam ng apat na tao sa lamesa ang nangyayari sa pagtingin pa lang sa itsura ni Nameless Nie...
Ay, nayayari na naman ang kapitan!
Alam niyang maaabuso lang siya lagi at sumuko na lang sa paghihirap - bakit kailangan pang umabot sa ganito, eh…?
Ibinababa ni Nameless Nie ang telepono ang sumulyap sa apat na tao, "Kapag hindi natin siya nakita sa loob ng anim na buwan, personal na pupunta sa country Z ang maliit na demonyo."
"T*ngina---" Mabilis na nagbago ang mga itsura ng apat na tao na kanina lang ay nagyayabang.
…
Kamakailan lang, maayos ang daloy ng mga bagay-bagay para kay Ye Wan Wan.
Tagumpay siyang naka-ipon ng sapat na course credits para makatalon ng isang taon sa kolehiyo. Mabilis na sumikat ang Dazzling sa pamamahala ni Ye Wan Wan at matapos ang "pang-aapi" na insidente ni Gong Xu, nabaliktad na din ang sira niyang reputasyon - matagumpay siyang nahubog sa isang tapat kung magsalita na may malaya at maligayang personalidad. Para kay Luo Chen naman, patuloy na tumataas ang mga rating ng "Terrifying Dragon 2" matapos itong mapalabas Sumikat ito at kahit na umarte lamang si Luo Chen bilang supporting actor, binasag ng pagsikat niya ang bida, na si Ling Shaozhe. Nakakuha siya ng mga advertisment, pag-eendorso, cover sa magasin, paglitaw sa mga ibang palabas at iba pang mga proyekto at oportunidad ang dumadating.
Hindi na nakakagulat ang pagdating nito at parte na ito ng plano ni Ye Wan Wan, pero ang pagtulong kay Ye Mu Fan ang ikinalulugod niya. Sa una, nag-aalala siya na hindi makakaraos si Ye Mu Fan sa kanyang problema, pero pasalamat na lang, nagsumikap siya para sa kanyang sarili at pinangunahan ang buong styling team para maiba ang impresyon ng publiko sa mga artista ng Dazzling na gumagawa sa linya ng produksyon.
Matapos ang pagpalabas ng "The Prosperous Dynasty", madaming mga magagandang pagsiyasat at pumatok ang istilo at disenyo ng mga damit sa palabas sa mundo ng fashion.
Sa palabas lang nito, napalanunan ni Ye Mu Fan ang Hundred Flowers best costume designer award at halos sampu pang mga award, naging hindi inaasahang panalo sa mundo ng fashion. Nakilala siya ng chairperson ng fashion association, na si Mu Wen Qing, at nakuha pa ang posisyon bilang vice-chairperson; maayos ang pamamalakad niya sa industriya.