Aray...
Kinagat ni Gong Xu ang mga manggas niya habang luhaan siya!
Ang walang pakialam si Ye-ge, matigas at mahirap kausapin, ay madamdamin pa rin sa kanya. Bakit naiinis ako dahil dito?
Nakita ni Ye Wan Wan ang reaksyon ni Gong Xu at natuwa siya dahil nakamtan niya ang kanyang ninanais, humarap siya kay Si Ye han at sinabi, "Sunduin kita mamayang gabi sa opisina."
Si Yehan: "En."
"Eh, saglit lang. May nakalimutan ka ba?" Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan.
Napahinto si Si Ye Han at lumapit siya kay Ye Wan Wan, hinalikan niya ang labi ng babae bilang pagpapaalam sa kanya.
Si Gong Xu na nasa isang gilid: "..."
Excuse me, nakikita niyo ba ako nakikita?
May buhay pa rin na tao ang nakatayo dito...
Simula ngayong gabi hanggang ngayon umaga, ang panunuyo ni Ye Wan Wan ay napakahusay; hindi niya nakalimutan ang ilang mga parte ng panunuyo at naisaayos niya ang kahit anong problema.
Papunta sa filming site.
Malalim ang mga mata ni Gong Xu nang sinabi niya, "Ye-ge, ang gwapo mo. Hindi ka mahihirapan na makahanap ng magandang babae - bakit gusto mong makasama ang isang lalaki?"
Ye Wan Wan: "Mas gusto ko ang mga lalaki."
Sinira ng sinabi ni Ye Wan Wan ang pinag uusapan nila at si Gong Xu ay biglang nanahimik.
Walang maling sinabi ni Ye Wan Wan dahil ito nga naman ang katotohanan.
Hindi na nagsalita si Ye Wan Wan dahil alam niya ang karakter ni Gong Xu, mas mainam na bigyan siya ng oras para maintkndihan ang impormasyon na ito. Pero kung Luo Chen ang nakarinig ng sinabi ni Ye Wan Wan, mauumay siya at hindi niya ito maiintindihan.
Kinagabihan, sa pribadong bahay ni Sun Bai Cao.
Karaniwan na gawain ang kabuohan na checkup ni Old Sun sa kondisyon ni Si Ye Han.
Pagkatapos ng checkup, lumapit si Ye Wan Wan para tanungin ang doktor, "Kamusta si Ah-Jiu, Old Sun?"
Sumagot si Sun Bai Cao, "Walang pinagkaiba sa huli niyang checkup. Hindi pa rin nagagamot ang totoo niyang sakit pero maituturing na milagro na pumipirmi ang kalagayan niya ngayon.
Tiningnan ni Sun Bai Cao si Ye Wan Wan at natuwa siya sa babaeng ito. "Miss Ye, pinaglaanan mo talaga ng matinding pagta-trabaho ang pagpapagaling ni master?"
Mawawalan ng saysay ang kondisyon ni Si Ye Han kapag naging tamad ang nag-aalaga sa kanya. Ginawa ni Ye Wan Wan ang lahat ng makakaya niya upang maging magaling si Si Ye Han. At tsaka, mabigat ito para sa kanya kung hindi niya ito magagawa ng maayos.
"Old Sun, masyadong mataas ang tingin mo sa akin sa mga sinasabi mo. Nagpapasalamat pa rin ako sa mahusay na medical expertise mo…" nakahinga ng maayos si ye Wan Wan pero napapansin niya na may tinatago pa rin sa kanya si Sun Bai Cao.
Habang nasa biyahe sila.
"Gusto mo ba ng mga bata?" Biglang tinanong ni Si Ye Han si Ye Wan Wan.
"Huh? Mga bata?" Nabigla si Ye Wan Wan.
"En, gusto mo ba ng mga bata?" Inulit ni Si Ye Han ang tanong niya.
Kinamot ni Ye Wan Wan ang baba niya at sinabi, "Bakit mo naman natanong ito?"
Si Ye Han: "Baka wala akong magiging tigapamana."
Nagulat si Ye Wan Wan nang marinig niya ito: "..."
Kaya pala ang weird ni Sun Bai Cao...
Nasugatan ang pundasyon ni Si Ye Han dahil seryoso ang sakit niya...
Gayunpaman, ang kinagulat niya ay kung gaano ka-prangka si Si Ye Han sa kanya.
Bumalik na sa tamang pag-iisip si Ye Wan Wan pagkatapos ng ilang minuto at kamado niyang kinausap si Si Ye Han. "Uh, sa totoo lang, okay lang naman ako sa mga bata. Makulit lang sila paminsan -minsan. Noon, makulit ang mga pamangkin ko. Okay sana kung sila ay mabait, madaling kausap, masunurin at cute sila eh, pero hindi, ang ilan sa kanila ay mga maliliit na demonyo - mag-aalala ka kapag ang anak natin ay katulad nila! At tsaka sa panahon natin ngayon, marami nang masahol na mga tao kaya mas maganda na tayong dalawa na lang ang magkasama, kaya bakit naman tayo magkaka-anak?!"
…
[Mini Theatre:]
Manhid na ang itsura ng mukha ni Little Devil nang nagsalita siya, "Mama, mabait ako, madaling kausap, matalino, masunurin at kyut na din!"
Nameless Nie: "Hindi ka ba nahihiya? Kanino mo natutunan sa sabihin ang mga ganyan?"