Chapter 700 - Dali, halikan mo ako

Namuo ang mainit na apoy sa kulay obsidian na mga mata ni Si Ye Han nang marinig niya ang sagot ni Ye Wan Wan. Kayang tunawin ng apoy na ito ang isang tao.

Malinaw na nakita ni Ye Wan Wan na gustong kumawala ng talon sa mga mata ni Si Ye Han...

Oops…

Hala… sumobra na yata ako...

Sa pagkakataon na sumugod muli ang bunganga ni Si Ye Han, mabilis na inipit ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo sa dibdib ni Si Ye Han at kaawa-awa niyang sinabi, "Uh, ang dami kong ginawa ngayon araw at nakalimutan kong kumain. Nagugutom na ako… gusto konng noodles… pero ang sakit kasi ng kamay ko…"

Tahimik siyang tiningnan ni Si Ye Han na sobrang malapit sa kanyang mukha kaya halos maamoy niya ang hininga ng lalaking ito.

Bakit hindi niya alam ang iniisip ni Ye Wan Wan...

Matapang si Ye Wan Wan para amuhin ang emosyon ni Si Ye Han at sa bawat pagkakataon, mabilis siyang tumatakbo pa-layo sa sitwasyon na kinalalagyan nila...

Kinagat niya ng mahigpit ang labi ni Ye Wan Wan bago siya pumunta sa refrigerator.

"Yung apron ay nakasabit sa gilid ng ref - kukunin ko iyon para sayo!"

Inutakan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han nang nagmadali siya papunta sa ref upang kunin ang pink na apron. Ito ay libreng regalo ng supermarkwt at may nakatatak na imahe ni Hello Kitty ang nakalagay dito.

Kinamuhian ni Si Ye Han ang apron nang makita niya ito at mukhang ayaw niya itong suotin, ngunit nang makita niya si Ye Wan Wan na sabik na hawak ang apron, binuka niya na lamang ang kanyang mga braso.

"Eh, saglit lang. Alam mo ba kung paano magluto ng noodles?" Bigla siyang tinanong ni Ye Wan Wan.

Patagilid na tinitigan ng masama ni Si Ye Han si Ye Wan Wan.

Nagsisi si Ye Wan Wan sa sinabi niya at pilit siyang ngumiti, "Uh, pasensya na, mali ako, mali ako. Siyempre, alam mo kung paano magluto ng noodles, 'di ba?"

Kakapasok pa lamang ni Si Ye Han ng sa kusina ng biglang nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan.

Ang tumatawag sa kanya ay si Xu Yi.

Sinagot ni Ye Wan Wan ang tumatawag sa kanya. "Hello? Housekeeper Xu?"

Kumonekta ang tawag ng kabilang panig, ang agrabyadong boses ni Xu Yi ay biglang sumagot, "MISS WAN WAN! Okay ka lang ba? Andito na ako sa apartment building mo! Papunta na rin sila Eleven at Feng Xuan Yi! Hintayin mo kami diyan, Miss Ye - kumalma ka at 'wag kang gumalaw-galaw!"

Nalilito si Ye Wan Wan. "Huh? Anong pinagsasabi mo? Anong nangyari?"

Nabigla si Xu Yi sa mga tanong ni Ye Wan Wan. "Anong nangyari? Andiyan na ba si master? Nagmaneho siya ng may bilis na 40p yards per hour para makapunta kaagad siya diyan…"

"Uh…" nagmadali ng 400 yards per hour...

"Nakita ni master ang video ma na nahiwa ang braso mo dahil pino-protektahan mo si Gong Xu at ang malala pa ay ang walang kwentang mga komento ng mga tao. Sinasabi nila na ikaw at si Gong Xu ay hindi karapatdapat na manatili sa entertainment industry. Paano kayo naging hindi karapat-dapat? Anong pinagiisip ng mga netizens…" mabilis na nagsalita si Xu Yi at pinaliwanag niya ang nangyari. Umaalog ang boses niya habang sinasabi niya iyon.

"Ah, housekeeper Xu…"

"Miss Wan Wan, manatili kang kalmado kapag nahanap ka ni master, okah? Parating na rin kami!" Paulit-ulit siyang pinilit ni Xu Yi.

Umubo si Ye Wan Wan at umentra ulit siya, "Kumalma na muna, housekeeper Xu at may sasabihin ako, okay?"

Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, pinindot niya ang video icon at naging video call ang tawagan nila ni Xu Yu at hinarap niya ang camera sa may kusina.

Nakita ni Xu Yi na nakasuot ng pink cartoon apron ang master niya at ito ay nakabalot sa kanyang baywang. Magulo na nakarolyo ang manggas ni master at may hawak siya spatula. At pagkatapos ay...

"Uh…"

Nanigas si Xu Yi sa video call.

Tumayo si Ye Wan Wan at dinala niya ang kanyang phone kay Si Ye Han. "Baby, tingnan mo ako!"

Humarap si Si Ye Han kay Ye Wan Wan at nakita niya lamang ang tinutok na phone ni Ye Wan Wan sa mukha niya. Si Xu Yi ay nasa loob ng screen.

Tumalon si Ye Wan Wan papunta sa tabi ni Si Ye Han at inanggulo niya ang camera sa kanila ni Si Ye Han para magkasama silang nakikita ni Xu Yi. "Dali, halikan mo ako! Nababaliw na si housekeeper Xu!"