Ano ba talaga ako kay Ye-ge?
Tingin niya pa din ba na artista niya ako?
O nagpapalabas lang si Ye-ge at tinatrato akong isang palikero… dahil ba doon kaya hindi siya gumugugol ng oras at pera sa akin?
P*ta, ano ba ang iniisip niya?!
Para lang sa saya kaya pumasok sa showbiz si Gong Zu at hindi niya talaga intensyon na magtrabaho sa ganitong sektor habang buhay. Napalapit lang siya kay Ye Bai para lang magkaroon siya ng tsansa sa Little Candied Plum...
Tama, ginawa ko iyon para kay Little Candied Plum!
Pinigilan ni Gong Xu ang mag-isip ng kung anu-ano at sinubukang kumbinsihin ang sarili.
Gayunpaman, bakit ba ako ng nag-iisip ng mga balighong bagay araw-araw imbes na sa Little Candied Plum ko? Hindi ko na maalala kung gaano na katagal mula ng huli ko siyang maisip.
Sa pribadong silid, taos-pusong kumakanta ang lahat.
Isang artistang babae ang sabik na lumapit kay Ye Bai at pilit na kantahain ang kantang Little Dimple kasama siya.
Naiinis, pinuno ni Gong Xu ang kanyang wine glass at ininom ang lahat. "Little Dimple? Papa mo Little Dimple!"
Kakaiba siyang tinignan ni Tang Xing Huo. "Gusto niya lang kumanta ng Little Dimple kasama si Ye Bai - bakit galit ka?"
Gong Xu: "Huwag mo akong pakialaman!"
Tang Xing Huo: "…"
Mali-mali ang mood ni Gong Xu at mukhang naiinis siya sa lahat.
Prinsipyo ni Ye Wan Wan ang mapanatili ang tiyak na distansya mula sa mga artista. Dahil sa nagpapanggap siya ng isang lalaki, gusto niyang iwasan ang magpaghinalaan, lalo na sa mga artistang babae, kaya marikit niyang tinanggihan ang artsitang babae.
Gayunpaman, sa sandaling ito, masaya ang atmospera at walang sinuman ang gustong pakawalan si Ye Wan Wan. Nag-umpisa silang sumigaw sa galaw, "Ye-ge, kumanta ka lang kahit isang kanta! Isa lang sapat na! Ano bang kantang gusto mo? Pwede ka pang mamili ng ibang kanta diyan!"
Hindi na mapabago ni Ye Wan Wan ang isip ng lahat, kaya naman pumili siya ng kanta at tinawag si Luo Chen, na buong gabi ng hindi nagsasalita: "Luo Chen, naalala ko na gusto mo din ang kantang 'to. Sabay nating kantahin, huh?"
Sobrang mahiyain ng batang ito - sobrang tahimik niya kahit sa pagtitipon ng kumpanya.
Bahagyang kuminang ang mga mata ni Luo Chen at natuwa - hindi niya inasahan na maalala ito ni Ye Wan Wan, kaya naman tumango siya at lumapit dito.
Kinuha nilang dalawa ang mikropono. Nauna si Ye Wan Wan na kumanta, "Boil a bowl of soup to remove heat from the blood, bitterness enters the hero's bones, the flashes, and shadows of swords, drifting along the world of the living…"
Mabilis namang sumunod si Luo Chen: "Truth, no pressing no stopping no turning around, enemies meet on a narrow path, there's no return trip, no one asking who's waiting…"
Ye Wan Wan: "When I tear apart this universe of morning and twilight, a ray of light rotates around the smoke and dust, I'll drink the most intense wine, fall in love with the most beautiful person and watch the tall waves of the vast ocean…"
Malinaw at mahimig ang mababang boses ng binata. Matamlay siyang umupo sumandal sa sofa, at patuloy na kumikinang ang liwanag sa mata niya na para bang mga bituin sa kalangitan.
Nasa isa silang pribadong silid sa bar, pero para bang nalipat sila sa isang gubat ng mga kawayan.
Sandaling nagulat si Luo Chen at hindi natamaan ang beat bago nagpatuloy: "One said the most fearless people come from the country, bribing me with wine, overturning mountains and rivers. The heavens split and earth sinks, and I'll support this universe with my entire life…"
Nagpalakpakan ang lahat ng nasa silid nang matapos silang kumanta.
"Ang galing, ang galing!"
"Isang pang-gintong medalya na pares talaga! Sobrang sabay sila!"
…
Sumuray si Gong Xu sa platform at sinabing, "Alis dyan! Gusto kong pumili ng kanta!"
Gusto niyang ilaan ang kanta para sa kanyang Little Candied Plum!
Mabilis na pinadaan ng lahat si Gong Xu. "Oh oh, Xu-ge, punta ka at mamili!"
Namili ng kanta si Gong Xu at lasing na umupo sa mataas na upuan.
"I want you by my side, I want to see you dressing up, this blowing night wind tickles my heart, my lady…"
"Time is too long, my lady, where are you? It will be dawn soon…"
"This night is to blame, it stimulates one's craziness. I want to sing and think of you, my lady…"
Habang nakikinig, nagkatinginan ang lahat ng nasa silid, nalilito.
"Anong meron kay Gong Xu? Hindi niya 'to istilo! Heartbroken ba siya?"
"Heartbroken? Nagbibiro ka ba! Paano naman na-heartbroken si Gong Xu?"
"Uh, totoo 'yan…"
…
Matapos na kumanta si Gong Xu, gigiray-giray siyang lumapit kay Ye Wan Wan habang hawak ang mikropono. Seryoso niyang sinabi, "Ye-ge, kanta tayo! Kantahin natin 'yung Little Dimple!"
Ye Wan Wan: "…"
Tinitigan ni Tang Xing Huo ang mukha ni Gong Xu at hinaplos ang kanyang baba habang napapa-isip. May sinasabi ang mga matalas niyang pandama na may mali sa lalaking ito...
May mali… sa pagtingin niya kay Ye Bai...
Napa-irap si Tang Xing Huo at sabi, "Ay ay, anong masaya sa pagkanta? Tara, maglaro tayo! Truth or Dare kaya?"