Chapter 67 - Heto na ang lobo

Chapter 67: Here comes the wolf

Nang marinig na gustong umiba ng daan si Ye Wan Wan, mabilis na minaubra ng drayber ang manubela sa direksyon na patungong Ren Ai hospital.

"Miss, bakit bigla po ata ang gusto niya na pumunta ng ospital? Masama po ba pakiramdam niyo?" pagaaalala ng drayber.

"Hindi, kasi 'yung boyfriend ko, lagi kasi siyang may insomnia. Narinig ko lang na may kilalang magaling na doktor sa Ren Ai hospital na kayang magpagaling ng mga pasyenteng may insomnia. Kaya pupuntahan ko para malaman ko kung totoo nga ang sabi-sabi."

"Naku ma'am, ang swerte naman pala ng boyfriend niyo!" pagpuri ng drayber.

Ngumiti lang si Ye Wan Wan, hindi na nagsalita pa at saka tulalang dumangaw na lang sa bintana.

Matapos ang ilang sandali, nakarating na rin ang kotse sa unahan ng Ren Ai hospital.

Parang bumalik sa dati niyang sarili si Ye Wan Wan--suot ang kulay rosas na bestida at umaapaw ang ganda habang naroon at nakatayo.

Si Shen Meng Qi naman na kanina pa nagtatago ay mabili siyang naaninagan.

Nang makita kung gaano lumitaw ang ganda ni Ye Wan Wan, syang naging halata sa mga mata ni Shen Meng Qi ang inggit at selos. Sa kabila ng kanyang nakita, pinilit niyang sumunod at pumunta tulad ng inaasahan, halata sa kanyang mukha ang inis at pagkamuhi.

Ano naman kung maganda ka, tanga-tanga ka naman dahil naisahan kita.

Kinalma muna ni Shen Meng Qi ang sarili at saka pinuntahan si Ye Wan Wan sa Ren Ai hospital. Inilabas ang kanyang cellphone sabay padala ng text message kay Si Ye Han: [Ginoong Si, tanong ko lang sana kung kasama mo ngayon si Wan Wan? Ang sama kasi ng pakiramdam ko kanina pa kaya pumunta ako ng ospital at may nakita akong isang tao rito na kamukha ni Wan Wan. Hindi nga lang ako sigurado kung siya ba 'yun at saka hindi ko siya matawagin sa cellphone niya. Medyo nagaalala na kasi ako, may sakit din ba siya?]

Halata naman na sinadya niyang gawin ito--ang madiskubre ito mismo ni Si Ye Han.

Kahit hindi man niya aminin, matindi ang pagaalala ni Si Ye Han para kay Ye Wan Wan kaya kapag nalaman niyang may sakit si Ye Wan Wan, siguradong pupunta agad iyon sa ospital.

Nang dumating ang oras na iyon, napuno ang puso niya ng pagaalala at pagiisip na baka mahuli niyang magkasamang nagtatalik sina Ye Wan Wan at Gu Yue Ze. Siguradong magiging interesante ang mga mangayayari...

Matapos ipadala ang text message, masayang umalis ng ospital si Shen Meng Qi.

He he, si Ye Wan Wan, ang tangang 'yun, matalik na kaibigan pa rin ang turing sa akin. Hindi malalaman ng tangang 'yun na ako ang may kagagawan ng lahat hanggang sa ikamatay pa niya.

Samantala, hindi naisip ni Shen Meng Qi na sa kabilang binatana sa may ikalawang palapag ng ospital, makikitang nasaksihan iyon lahat ni Ye Wan Wan. Mula sa pagtatago niya sa isang sulok at patagong nagpapadala ng text message, hanggang sa umalis ng may masayang ekspresyon sa mukha.

Nakatayo si Ye Wan Wan sa may binatana at unti-unting napabaluktot ng nguso. Syempre, kinailangan niyang bumiyahe papunta ng ospital at saka magpakita kay Shen Meng Qi at ipahalata sa kaibigan na naloloko siya at para ipagpatuloy ang gulo sa pagitan niya at ni Si Ye Han.

Alam ng lahat ang tungkol sa istorya ng The Boy Who Cried Wolf. Wala namang dapat na ikatakot sa umpisa at sa ikalawang beses, pero paano naman kung sa ikatlo at ikaapat na bases na?

Kung patuloy na bigo si Shen Meng Qi na sirain at paghiwalayin silang dalawa, kahit na sabihin man niya ang totoo sa susunod, sigurado namang hindi na siya paniniwalaan kahit na kailan pa ni Si Ye Han.

At iyon naman talag ang gustong mangyari ni Ye Wan Wan.

Sa mga sandali naman na ito, sa isang maliit n hardin sa may lumang bahay:

Nang mga oras na umalis si Ye Wan Wan, nanatili lang sa kinatatayuan niya si Si Ye Han sa parehong posisyon na umalis si Wan Wan nang hindi man lang gumagalaw.

Maliban na lang nang marinig na tumunog ang kanyang cellphone, indikasyon na may mensahe mula kay Shen Meng Qi.

Ang ringtone na narinig mula sa text message ay tila tunog ng kamatayan sa mga tenga ni Xu Yi.

Sinuring maigi ni Si Ye Han ang nilalaman ng mensahe, malamig at walang anumang senyales ng sigla ang ekspresyon. Parang isang malaki at maiitim na butas ang kanyang mga mata na lumululon sa mismong kanyang mga emosyon.

Sumilip si Xu Yi at binasa ang mensage mula kay Shen Meng Qi. Agad na muling tiningnan ang reaksyon ni Si Ye Han at mula roon ay nahulaan na niya ang tungkol sa mensahe.

Isang malagim na katahimikan ang matagal na bumabad bago pa kinuha ni Si Ye Han ang kanyang cellphone at saka tumawawg, nagtatanong, "Nasaan ka."

Nakita ni Xu Yi na gumait ng speed dial si Si Ye Hanat mula roon nalaman niya na tinawagan ng binata si Ye Wan Wan. Nanlamig siya bigla na tila natanggap ang pagkatalo.

Sa mga oras na ito, magsinungaling man o magsabi ng totoo si Ye Wan Wan, wala nang paraan pa para makabalik sa dating ayos...

Narinig niya ang boses ni Ye Wan Wan na sumasagot, "May kinailangan lang akong asikasuhin sa Ren Ai ospital kasi…"

Bago pa niya matapos ang sasabihin, sumabat agad ang isang malamig na boses, "Bumalik ka ng Jin garden, ngayon na."

Matapos ibaba ang tawag, malamig na nilingon ni Si Ye Han si Xu Yi, "Bantayan mo."

Natigilan si Xu Yi at saka mabilis na tumango.

Kapag nagpatatuloy pa ito, siguradong alam na ni Ye Wan Wan na wala na siyang maitatago pa at kahit na umamin pa siya, hindi siya paniniwalaan ni master at gusto pang patuloy na imbestigahan pa...