Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 656 - Halika dito, at sasabihin ko sayo

Chapter 656 - Halika dito, at sasabihin ko sayo

Dahan-dahang ng bumababa ang araw at dumidilim na ang kalangitan.

Sa isang iglap, dalawang oras na ang nakalipas at ang lahat ay madilim na.

Ang liblib na lugar ay walang katao tao; walang mga bahay o tindahan na naroroon at mayroong isang sementeryo sa taas ng bundok. Ito ay nakakatakot at maginaw.

Nangangatog si He Jun Cheng. Kinuskos niya ang kanyang braso at bumulong siya ng isang sumpa habang tumatawag. "Young master Ye, maayos ba ang sasakyan mo? Nasira ba ito ulit sa daan? Bakit hindi na lang ako pumunta at sunduin ka?"

"Malapit na, malapit na, nandiyan na ako ng mga lima pang minuto!"

Limang minuto na ang sinabi niya dati! Sinasadya ito ng lalaking ito!

Galit na galit na si He Jun Cheng na halos mapamura na ito. "Naka-park ang aking sasakyan malapit sa may signboard, direkta mo na lang akong puntahan doon!"

"Sige, kuha ko!"

Binaba ni Ye Mu Fan, halos makahalatian na ang kalahating bote ng red wine at natapos ng magbasa ng kanyang magazine at ilang dokumento. Saka siya tumayo ay mabilis na umalis ng bahay.

Makalipas ang isang oras, dumating si Ye Mu Fan sa wakas sa pamamagitan ng taxi.

Naghintay si He Jun Cheng ng apat na oras para kay Ye Mu Fan at malapit ng sumabog.

Sa huli, nakangiti pa din siya nang makita si Ye Mu Fan. "Aiya, young master Ye, nandito kana din sa wakas! Mukhang minamalas ka ngayon, hu? Tuloy tuloy kang nakakabangga ng balakid sa iyong pagpunta dito! Pero ayos lang 'yon, ang daan sa kasiyahan ay piangdadaanan ang hirap, tama?!"

Hindi na siya nagsalita ng kahit ano kahit na alam niya na sinadya ito ni Ye Mu Fan.

Maghintay hanggang sa maayos ko ang isang ito. Sisiguraduhin ko na papahirapan ko si Ye Mu Fan!

"Pero young master Ye, bakit dito mo ako kinita? Maaari ba tayong pumunta sa iba upang umino at mag-usap?" pakiramdam ni He Jun Cheng na ang lugar na ito may masyadong nakakatakot.

Nagsindi ng isang sigarilyo si Ye Mu Fan, humithit ng mahaba at bumuga ng isang bilog na usok. "Maganda ang lugar na ito - tahimik at liblib."

"Sige sige sige, hangga't gusto mo. kung gayon pag-usapan natin ang business ngayon - hanggang patuloy kang nagtatrabaho sa akin, babayaran kita ng $10,000 sa isang buwan. Ano sa tingin mo? Masyadong malaki, diba?" nagmamadaling diretso punto si He Jun Cheng.

Humithit ulit si Ye Mu Fan at bumulong, $10,000…"

Nang makita na nag-aalangan si Ye Mu Fan, sinabi ni He Jun Cheng sa isang galanteng tono, "bibiyan kita ng $20,000! Ang official staff sa kumpanya ay kumikita ng parehong halaga!"

Nang marinig iyon ni Ye Mu Fan, natawa siya ng malakas.

"Kung gayon… $30,000? Halos parehas ng aking nakukuha!" mabait na sinabi ni He Jun Cheng.

Tsk, kumikita siya ng $30,000 mula sa kumpanya, ngunit ang kanyang reputasyon ay kumikita sa kanya ng isang daan at higit pa. Tinatrato niya ba akong pulubi…

Seryosong sinabi ni He Jun Cheng, "young master Ye, alam ko na hindi madali ang buhay mo ngayon. Sigurado naman ako na alam mo ang kasalukuyan mong sitwasyon - ang pangalawa mong tito ay hindi madaling pakitunguhan at hindi hahayaan na magtagumpay ka."

"Sa katunayan, hindi kana makakakuha ng magandang alok higit pa dito sa labas, at ang ilang kumpanya ay hindi ka hahayaan makapasok sa pintuan. Kasama na ang ama mong nasa mabigat na utang, kahit papaano hindi mo na kailangan mag-alala sa iyong damit at pagkain kapag nagtrabaho ka sa akin, tama?"

Tinaas ni Ye Mu Fan ang kanyang kilay. "May katuwiran ka...."

Nang makita ni He Jun Cheng na malapit na makumbinsi si Ye Mu Fan, nasabik ito. "Ano pang gusto mo? Ipaalam mo lang sa akin!"

Natawa si Ye Mu Fan at misteryosong sinabi, "ano ang gusto ko… halika dito, sasabihin ko sayo!"

Balisang limapiy si He Jun Cheng.

Tinapon ni Ye Mu Feng ang kanyang sigarilyo at pinatay ito gamit ang kanyang sapatos saka ngumiti at tumingin kay He Jun Cheng.

Sa sumunod na sandali, habang naglalakad si He Jun Cheng papunta sa kanya, mayroong umalingawngaw "bang."

"AH--" sumigaw sa sakit si He Jun Cheng at bumagsak sa lapag mula sa pagkakasuntok.