Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 636 - Doon tayo sa panig ko, ako na ang bahala sayo

Chapter 636 - Doon tayo sa panig ko, ako na ang bahala sayo

"Wala naman po, nagda-daldalan lang. Tara na mama at papa!" Nag-alala si Ye Wan Wan na baka hindi maging panatag ang isipan ng kanyang nanay kayla Liang Mei Xuan at Ye Yiyi, kaya ayaw niya nang magtagal pa sa lugar na iyon.

Paalis pa lang sana sila nang biglang sinigawan ni Liang Mei Xuan si Ye Shao Ting: "YE SHAO TING!"

Napahinto si Ye Shao Ting.

Galit na nagsalita si Liang Mei Xuan, "Pagsisisihan mo ang naging desisyon mo noon!"

Tumalikod si Ye Shao Ting. Biglang naging malamig ang kanyang mga mata at wala itong bahid ng kahit anong konsensya, "Wala akong pinagsisisihan na desisyon ko. Ung may bagay man akong pinagsisisihan, ito ay noong sumang-ayon ako kay Wan Jun na maging parte ka ng pamilya namin, pinapasok namin ang isang sakim sa aming pamamahay!"

"Ye Sho Ting…"

Hindi na pinansin ni Ye Shao Ting si Liang Mei Xuan. Kinuha niya ang asawa at ang babae niyang anak sabay umalis sila ng hindi lumulingon sa pinanggalingan.

...

Sa loob ng kotse, pagkatapos niyang iuwi ang magulang niya:

Nahirapang magsalita si Ye Mu Fan dahil nasa loob ng kotse ang magulang niya kanina, ngunit ngayon na wala na sila, hindi niya naiwasang magmura: "Hindi sana ako makikipag-hapunan kundi lang dahil kayla mama at papa - Nandiri ako! Oo nga pala, Wan Wan, sasabihin ba natin kay mama at papa ang totoong nangyari?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "'Wag na lang nating sabihin. Dadalhin nila mama at papa ito sa puso nila ang problemang ito. Para hindi na rin sila mag-aalala kung malalaman man ng mga tao o hindi."

Ye Mu Fan. "Sige."

Pagkatapos niyang magsalita, tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. "Saan mo planong pumunta pagkatapos mong umalis sa Assemble of Stars?"

Mukhang pagod si Ye Mu Fan at parang naubos ang kanyang enerhiya nang pumatong siya sa may upuan na parang isang talunan. "Hin… hindi ko alam…"

Wala pa ring pag-asa ang buhay ko kahit hindi man ako mapunta sa presinto.

"Hindi na 'ko pwedeng bumalik sa kumpanya. Kung gugustuhin man akong manatili ni lolo at lola, para na rin akong silang tupa sa kulungan ng mga tigre sa lugar ni Ye Shao An…" malinaw kay Ye Mu Fan na ganito nga ang mangyayari.

Si Ye Mu Fan sana ang makakakuha ng posisyon na Ye Group director noong may nangyari sa ama niya, ngunit sa huli, pinahirapan siya ni Ye Shao Ahn at inabuso niya ang kapangyarihan ni Ye Mu Fan.

Si Ye Mu Fan ay spoiled na noong bata pa lang siya, kaya paano siya makakapagtimpi sa pang-aabuso sa kanya? At saka, hindi niya binigay ang buong puso niya noong nagtrabaho siya sa kumpanya noon kaya madali siyang sisihin sa epekto nitong gulo.

Sa huli, sinapak niya si Ye Shao An sa sobrang galit at tinalikuran na niya ang kumpanya. Pinaalam niya rin sa kanyang lolo at lola na kailanman ay hindi na siya babalik doon.

Alam niya na ang mangyayari kapag bumalik ulit siya sa kamay ni Ye Shao An...

Pinatalsik ang kanyang ama, wala siyang katuwang at kapangyarihan, at ang mga maliliit na natapos niyang gawain sa mundo ng fashion ay ninakaw na ni He Jun Cheng - walang wala si Ye Mu Fan kaya paano niya malalabanan si Ye Shao An?

Sa oras na iyo, biglang nag-ring ang phone ni Ye Mu Fan at ang nasa caller ID ay si He Jun Cheng.

Nangutya si Ye Mu Fan at sinagot niya ang tawag sa kanya. Tingnan natin kung ano ang sasabihin ng lalaking ito.

"Hello."

Narinig ang tarantadong boses ni He Jun Cheng nang sinagot niya ang tawag: "Buong araw kang wala, saan ka pumunta? Alam mo ba na may sangkaterbang gawain ang naghihintay sayo sa kumpanya?!"

"Sigurado ka ba na tamang tao ang kinakausap mo?"

Kumalma ang boses ni He Jun Cheng. Naging malumanay siya nang maisip niya ang lahat ng kalat na iniwan ni Ye Mu Fan na mga disenyo ng costumes para sa papalapit na drama serye, "Alam mo dapat ang nakabubuti sayo, Mu Fan. Dadagdagan ko ng $3,000 ang salary mo… hindi pala, $5,000! Kapag patuloy kang magta-trabaho para sa akin!"

Tinitigan lang ni Ye Mu Fan ang kanyang phone ay sumigaw siya: "Mahulog ka sana sa impyerno!"

"Ikaw… dakilang… magaling na si Ye Mu Fan! Tingnan natin kung may mapupuntahan ka pa pagkatapos nito at 'wag kang magmamakaawang bumalik ulit sa akin!"

"P-u-ch-a!" Mabilis na binaba ni Ye Mu Fan ang tawag dahil sa sobrang galit niya.

Humarap si Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan at sinabi, "Doon tayo sa panig ko."