Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 629 - Tingnan natin kung sino ang mas makapal ang mukha

Chapter 629 - Tingnan natin kung sino ang mas makapal ang mukha

Marami sanang maayos na nangyari sa buhay ni Ye Shao Ting kung noon ay nakinig lang siya na nanay at pinakasalan niya sana si Mei Xuan. Sana hindi lang si Ye Yiyi ang magiging apo niya, kundi magkakaroon pa siya ng mas maraming lalaking apo.

Nangyari ngayon ang inasahan ni Tan Yi Lan noon. Nagkaroon man ng anak si Liang Wan Jun, sila naman ay mga hindi karapat dapat na bratinelo at bratinela na nagbibigay lang ng kaguluhan sa Ye family.

Lalong nagalit si Tan Yi Lan dahil sa naisip niya. Bigla niyang tinulak ng palayo ang kamay ni Lian Wan Jun. "Sinabi ko sayo noon pa man na importanteng karakter ng isang asawa ay ang kabutihang loob. Ang pinaka-malaking pagkakamali ko ay hindi ko pinigilan si Shao Ting na pakasalan ka. Ang panganay kong anak at ang panganay kong apo ay nasira dahil sayo!"

Naramdaman ni Lian Wan Jun ang mahigpit na hawak sa kanyang puso nang marinig niya ito. "Mama…"

Bumigat ang paghinga ni Tan Yi Lan sa sobrang galit niya. "Umalis ka! 'Wag mo kong tawagin na 'mama'!"

Eksakto na dumating sila Liang Mei Xuan at Ye Yiyi kay Tan Yi Lan.

Hinaplos ng nag-aalalang si Ye Yiyi ang likod ni Tan Yi Lan. "Lola, 'wag ka na pong magalit!"

Tinago ni Liang Mei Xuan ang kagalakan sa kanyang mga mata at pinanood niya lamang ang pinagmumurang si Liang Wan Jun. "Kalama ka lang Mama. Baka ma-pano pa ang kalusugan mo!"

Napawi ang galit sa mukha ni Tan Yi Lan nang makita niya sila Liang Mei Xuan at Ye Yiyi. "Simula ngayon araw, isa lang ang manugang ko, si Mei Xuan lang, at iisa lang rin ang apo kong babae, si Ye Yiyi lamang!"

Bumulagta sa lapag si Liang Wan Jun habang siya ay luhaan. Sa sobrang galit, nagdugo na ang mahigpit na nakasarang kamao ni Ye Shao Ting.

Mapagmataas na tinitigan ni Liang Mei Xuan si Liang Wan Jun. "'Wag ka nang magsalita pa, Jie-jie! Makukuntento ka ba kapag dinala mo sa hukay si mama? Sumobra na si Mu Fan ngayon. Lalo siyang gagawa ng kaguluhan kung hindi natin siya tuturuan ng leksyon ngayon!"

Malumanay na nagsalita si Ye Yiyi, "Tito at tita, 'wag niyong sisihin si lolo at lola na naging malupit sila. Maayos ang intensyon nia para kay Mu Fan."

Naglakad si Ye Shao An patungo kay Ye Shao Ting at tinapik niya, gami ang kanyag palad, ang braso ni Ye Shao Ting. "Kuya, gumawa ng malaking pagkakamali si Ye Mu Fan kaya kailangan niyang parusahan sa ginawa niya - ito ang dapat na gawin sa kanya. Hindi mo pwedeng linlangin ang malambot na puso nila mama at papa, wala kang takot dahil sinusuportahan ka nila!"

"Noon pa man, hindi mo sinunod ang mga prinsipyo ni papa at nagnakaw ka pa ng pera ng kumpanya, lumaki rin ang mga utang mo sa Las Vegas kaya ginamit mo ang public funds para mabayaran ito. Ngayon, nagnakaw naman ang anak mo ng pribadong impormasyon ng kumpanya!"

"Ano ba sa tingin mo ang kumpanyang ito ha? Bangko mo? Buong buhay ni papa ay dito niya inilagay sa kumpanya!"

Nakita ni Ye Shao Ting na wala na siya g magagawa para maisaayos ang sitwasyon. Diniretso niya ang kanyang likod at sinabi, "Kasalanan ng ama ang hindi pag-tuturo ng tamang asal sa anak - handa akong tanggapin ang responsibilidad sa kasalan ni Mu Fan! Makukulong man o magbabayad ng multa, ako na ang iharap niyo sa lahat ng iyon!"

Nagtinginan sila Ye Shao An at Liang Mei Xuan nang marinig nila ang sinabi ni Ye Shao Ting.

Maganda rin ang kakalabasan kapag kinulong si Ye Shao Ting.

Hindi aasenso si Ye Mu Fan at Ye Wan Wan kung ang padre de pamilya nila ay kriminal at maruming tao.

Sa oras na ito, maririnig ang mga hakbang sa pintuan.

Pabukas na tinulak nila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan ang pintuan.

Binalot ng inis ang mga mata ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang pagmamayabang ng pamilya ni Ye Shao Ting sa kanyang tatay.

Tsk, sila mismo ang mga traidor na ginamit si papa noon. Ano ang sinasabi nila na nagnakaw ng pera at inalipusta ang pera para bayaran ang mga utang niya sa pagsusugal? Si Ye Shao An ang mag kagagawan ng lahat ng iyon, ngunit si papa ang sinisi niya sa ginawa niya. Ang lakas ng loob niyang banggitin ang mga ito, tunay nga na siya ang isang tao na napakababaw ng paraan ng pamumuhay.

Ngumisi si Ye Shao An nang makita niya na late ang pagdating ni Ye Mu Fan. "Ang dakilang young master, andito ka na pala, ha?"

Nakasuot ng matingkad na kulay asul na suit si Ye Mu Fan habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa. Ang tamad niyang mga mata ay sinuri ang buong kwarto. "En, bakit ang aga niyong dumating? Bakit niyo tinawag dito si young master?"