"Sige po, papa. Gagawin ko agad!" mabilis na tugon ni Ye Yiyi.
Sa una, nagagalit siya kay Ye Shao Ting dahil sa masyado itong malupit at hindi gusto na kilalanin siya bilang anak. Pero ngayon, mapalad siya.
Kung hindi dahil kay Ye Shao Ting na tinalikuran siya at ng kanyang nanay, hindi siya magiging ang natatanging missy at kahalili ng mga Ye!
Si Ye Wan Wan at si Ye Mu Fan - paano naman makikipagpaligsahan sa akin ang dalawang walang kwentang basura na 'yon para sa mana?
Wala siyang pakielam kay Ye Wan Wan. Pero kay Ye Mu Fan, medyo mapanggulo siya. Tutal, si Ye Mu Fan ang nag-iisang apo na lalaki ng mga Ye habang ang nanay ni Ye Yiyi ay mayroon lang siya. Walang garantiya na hindi kukunin ulit ng mga lolo't lola nila si Ye Mu Fan para lang may tagapagmana.
Pero hindi niya inasahan na si Ye Mu Fan mismo ang gagawa ng gulo para sa sarili niya, kaya mas naging madali ang lahat para kay Ye Yiyi.
Pinaka-ayaw ng mga lolo't lola niya ay ang mapapahamak ang interes ng pamilya. Ang pagnakaw ng kumpidensyal na impormasyon mula sa kumpanya at ibubunyag sa mga kalaban ay sapat na para ipagbawal siyang makatapak sa mga Ye at sa kumpanya!
Tsk, ngayon talaga, kailangan kong pasalamatan si Shen Meng Qi sa pagbigay sa 'kin ng magandang oportunidad...
...
Matapos ang anunsyo sa kompetisyon:
Balisang nag-aantay si Ye Mu Fan para sa balita ni Shen Meng Qi.
"Mu Fan-ge! Tagumpay! Nakuha ko yung proyekto na Splendid Light!"
Matapos marinig 'yon mula kay Shen Meng Qi, nakahinga ng maluwag si Ye Mu Fan. "Talaga? Maganda 'yan! Congratulations, Meng Qi!"
Pinigilan ni Shen Meng Qi ang pagkasuklam at pagkutya na naramdaman at nabalisa sa mga braso ni Ye Mu Fan na parang isang maliit na ibon. "Mu Fan-ge, salamat talaga sa 'yo! Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan! Tingin ko hindi sapat ang ilaan ko ang buhay ko para sa 'yo. Gusto kong makasama ka sa susunod kong buhay at sa susunod pa!"
"Ikaw, ah…" habang tinitignan ang maliwanag niyang ngiti, sabik ang mga mata ni Ye Mu Fan na palayawin si Shen Meng Qi. Gusto niya lang ibigay ang lahat niya kay Shen Meng Qi.
"Gusto mong maghapunan tayo mamaya? Magdiwang tayo!" pagmungkahi ni Ye Mu Fan.
Nang marinig 'yon, bahagyang nabalisa si Shen Meng Qi at mapanglaw na sinabi, "Well… tingin ko hindi ako makakapunta mamaya. Sa ibang araw na lang, okay?"
Tinanong na ni Shen Meng Qi si He Jun Cheng na mag-celebrate. Parang magkakaroon naman siya ng oras para kay Ye Mu Fan.
Kahit na dismayado si Ye Mu Fan, ngumiti pa din siya at sabing, "Sige. Antayin natin kung kailan ka pwede. "Ngayong gabi, panigurado magpapa-celebratory dinner ang kumpanya para sa 'yo. Sayang!"
"Mu Fan-ge, ang galing mo! Mauuna na ako sa 'yo! Kita na lang tayo bukas!"
Nangpapaalis na sana si Shen Meng Qi, kinuha ni Ye Mu Fan ang kanyang pulso at pinigilan siya. "Meng Qi, sandali…"
"Ano 'yon?"
Tinitigan ni Ye Mu Fan ang pihikan niyang mukha at bahagyang kabado. Maya-maya, nilabas niya ang ilang pilak na kwintas mula sa kanyang bulsa. "Ito… Dinesenyo ko ito para lang sa 'yo…"
Nakita lang ni Shen Meng Qi ang isang pilak na kwintas at isang kakaibang singsing na nakasabit doon. Napakaganda ito, pero parang ordinaryo lang ang materyal nito.
Sa isang tingin lang, alam ni Shen Meng Qi na mumurahin lang ito at puno ng alipusta ang kanyang puso, pero nagpanggap pa din siyang gulat. "Wow, ang ganda! Para sa akin ba 'to?"
"Hindi naman mamahalin, pero 100 araw kong ginawa 'yan. Ginawa ko ang lahat ng 'yan, mula sa disenyo hanggang sa pagmamanupaktura at sana, balang araw, maisusuot ko ang singsing na ito sa daliri mo!" puno ng malalim na emosyon ang mga mata ni Ye Mu Fan habang tinitignan ang pinakamamahal niyang babae.
"Aasahan ko din ang araw na 'yon!" nangungutya si Shen Meng Qi sa loob niya pero sabik niyang hinikayat ito sa labas. "Mu Fan-ge, dali, isuot mo sa 'kin!"
"Sige." Tumayo si Ye Mu Fan sa likod niya at maingat na nilagay ang kwintas sa kanyang leeg.