Imperial Media University:
May isang klase ng guro ang sulit pakinggan noong araw na 'yon, kaya naman pumunta si Ye Wan Wan sa eskwelahan at para ayusin ang ibang mga patakaran para sa paglaktaw ng isang taon.
Matapos ang klase, niyaya ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan para kumain kasama siya.
"Wan Wan, sa wakas nakabalik ka na. Nababagot na ako! Parang mag-isa lang ako nakatira sa dorm na dapat ay pang-apat na tao - isa sa kanila nagpapakita lang isang beses sa isa o dalawang linggo at hindi ko na alam yung itsura ng dalawa do'n. Rinig ko nakapirma na sila ng kontrata sa isang entertainment firm!" angal at reklamo ni Ye Wan Wan.
Kadalasan sa mga art major students sa Imperial Film University ay nag-umpisa nang magtrabaho sa unang taon pa lang nila. Madami sa kanila ang nakapag-debu na bago pa magsimula sa university, kaya normal lang na mababa ang attendance nila. Parehas din ng Imperial City University - madaming mga estudyante ang naghahabol para makaipon ng kredito kapag malapit na ang pagsusulit.
Tumawa si Ye Wan Wan, "Bakit, hindi ka ba lagi sinasamahan ni Chu Feng?"
"Nakasunod siya sa isang tutor para gumawa ng research!" tugon ni Jiang Yan Ran at biglang may naalala at sabing, "Oo nga pala, Wan Wan, hulaan mo kung sino yung nakasalubong ko no'ng isang araw?"
"Sino?"
"Si Shen Meng Qi!" sabi ni Jiang Yan Ran, "Sobrang plastik niya at niyaya pa akong sumama sa Assembly of Stars Entertainment at sabi niya na gusto niya pa akong ilista do'n!"
Nang marinig 'yon ni Ye Wan Wan, isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa mukha niya. Hindi nagiging plastik si Shen Meng Qi, talagang nagyayabang lang 'yon.
Isang estudyante lang si Jiang Yan Ran na walang nagkakainteres sa kanya, habang si Shen Meng Qi ay isang sumisikat na artista sa entertainment industry, ang malaking dalaga ng Assembly of Stars Entertainment - walang hanggan ang kinabukasan niya.
"Gayunpaman, maayos na lumalago ang Assembly of Stars Entertainment - Madami din silang mga baguhan na sikat. Kakadebu lang ni Shen Meng Qi at nakoronahan na agad bilang "fashion leader"; may mga senior sa fashion industry na pinuri 'yung mga damit niya noon…"
Hindi na kailangan pang hulaan ni Ye Wan Wan ang nasa likod ng pag-aalaga kay Shen Meng Qi.
Sa sandaling ito, nag-umpisa nang tumunog ang telepono ni Ye Wan Wan.
Nagulat si Ye Wan Wan nang makita kung sino ang tumatawag.
Tumatawag ang kuya niya...
Napakunot ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Napatahimik siya ng sandali bago sumagot. "Hello?"
"Nasa eskwelahan ka ba? Nasa may gate ako ng eskwelahan niya. Labas ka, kailangan kitang kausapin," sabi ni Ye Mu Fan sa telepono.
Talagang nagkusa si Ye Mu Fan para kausapin ako?
Napa-isip saglit si Ye Wan Wan at sumagot, "Limang minuto."
Nang makita na parang nangasim ang itsura ni Ye Wan Wan, nagtanong si Jiang Yan Ran, "Wan Wan, sinong tumawag?"
"Kuya ko."
"Ah…" kaunti lang ang nalalaman ni Jiang Yan Ran tungkol kay Ye Mu Fan at nang marinig iyon, maingat siyang nagtanong, "Nagtatrabaho pa din ba ang kuya mo sa Assembly of Stars Entertainment ngayon?"
Tumango si Ye Wan Wan, "Nagyaya siyang kitain ko siya, kaya kailangan kong pumunta do'n saglit."
"Oh, oh. Punta ka na pala. Medyo late na rin naman na at kailangan ko ding bumalik sa eskwelahan. Sa susunod na lang ulit."
"Sige, bye-bye."
...
Matapos umalis sa restaurant, naglakad na si Ye Wan Wan patungo sa gate ng eskwelahan.
Tulad ng inaasahan, nakita niya ang isang pamilyar na pigura habang papalapit sa gate.
Kahit na maliwanag at maganda ang mga artistang inistiluhan ni Ye Mu Fan, Nakasuot lang siya ng mga damit na pwedeng mabibili sa divisoria. Pero dahil sa may fashion sense siya at magandang lasa, mukha pa din siyang magara.
Ang maliit na pera na naipon niya, bukod sa pagbibigay sa magulang niya, ay nagagastos lahat kay Shen Meng Qi.
Sa nakaraan, madetalye si Ye Mu Fan sa istilo niya sa pananamit at nagsuot lang ng mga custom-made na mga damit sa mga piling brand; kahit na ang maliit na gamit ay kailangang dumaan sa sampung yugto dahil sa gusto niya na kakaiba ang lahat.