Chapter 601 - Umupo ng maayos

Gayun pa man, siguradong hindi ibibigay ni Gong Xu ang kanyang upuan. Tumingin siya kay Luo Chen ng hindi masaya at lalo pang lumapit kay Ye Wan Wan.

Hindi na bale Han Xian Yu, pero bakit may ibang tao ang sumama sa kanila? Nakakainis.

Nakita ni Ye Wan Wan na ayaw ibigay ni Gong Xu ang kanyang upuan iniisip kung saan maaaring umupo si Luo Chen, pianhintulutan siiyang umupo sa tabi ni Ye Wan Wan. "Puwede kang umupo dito."

"Salamat, Yu-ge." pinasalamatan siya ni Luo Chen saka umupo sa tabi ni Ye Wan Wan.

At kaagad na nakaramdam ng sumpong siu Gong Xu.

Sa mga party ng mga nakaraan, siya ang pinaka wildest at masaya ngunit sa ilang kadhilanan, siya ay nagagalit sa buong oras ng gabi.

Ang poot ni Gong Xu ay naging isang munting multo at lumutang ang kanyang ulo: "Ye-ge, hindi mo ako binbigyan pansin o makpaglaro sa akin!"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "paano bang atensyon ang gusto mo na ibigay ko sayo?"

Nakikinig lang siya sa kanyang mga usapan buong gabi.

Magsasalita na sana si Gong Xu nang kahinahinalang tumingin sa kanya si Tang Xing Huo. " Gong Xu, anong problema mo? Malaki kana, ngunit patuloy mo pa din ginugulo si Ye Bai!"

Ito ay parang hindi pinakinggan ni Gong Xu ang pang iinis ni Tang Xing huo; idinikit niya ang kanyang sarili sa balikat ni Ye Wan Wan. "gusto ko lang si ye-ge. Gusto ko siyang kausapin - ano naman ngayon?"

Kakaiba si Ye Bai sa mga sipsip niyang managers noon. Ang walang bahala niyang mannerisms ay maangas at gustong gusto niya ang pamamaraan ni Ye Bai na disiplinahin siya.

Sa totoo lang, kahit hindi ito para kay Little Candied Plum, gustong gusto niya si Ye Bai bilang tao.

Malalim ang iniisip ni Gong Xu nang simingaw ang malutong na amoy ulit sa kanyang ilong…

Bakit si Ye-ge… ay mabango.... at malambot...

Gustong lumapit ni Gong Xu kay Ye Wan Wan ngunit itinutulak siya nito. "Maupo ka ng tuwid."

Ang taong ito ay nadikit na sa akin ng walang dahilan. Talagang sakit siya sa ulo.

"Oh…" tumingin si Gong Xu na para bang siya ay nagdadalamhati.

Nakita ni tang Xi Huo kung paano umarte na parang isang masunuring bata at ito ay masakit sa kanyang mata. Hindi niya matiis na makita ito, kaya siya ay tumingin sa malayo.

Bakit kakaiba ang nakikita kong ugali ni Ging Xu kay Ye Bai?

Matapos ang matagal na pagiikot ikot ni Ye Wan Wan, nagpaalam na siya at umalis.

"Bakit ang aga mo uuwi?" hindi masayang angal ni Gong Xu.

Ginamit ni Ye Wan Wan ang sampung-libong-taon na palusot: "Ayaw ng girlfriend ko na matulog mag isa."

Girlfriend ulit…

Walang nagawa si Gong Xu at kundi tignan si Ye Wan Wan na tumayo at sumama sa kanya si Luo Chen sa kanya.

Habang si Han Xian Yu ay may work assignment at kailangan pang gumising ng maaga, umalis na kasama sila.

Matapos umalis ni Ye Wan Wan, si Gong Xu, ay nagsaya hanggang sa lumabas na ang araw, biglang sumalapak sa sofa na para bang isang lumiliit na ballon at hindi interesado sa kahit na sino na gustong kumausap sa kanya.

Sa una palang marami na siyang pagkakataon na kumuha ng maraming impormasyon tungkol kay Little Candied Plum, ngunit sa huli, siya ay naka pokus lang sa pagtaboy na langaw sa paligid ni Ye Bai. isang mabigat na pagkakamali…

Sisihin ang lahat ng langaw na humaharang sa kanya! Tama. ito nga ang dahilan!

Nagtataka lang si Tang Xing Huo at nang makita niya na umalis na si Ye Bai, kaagad siyang lumapit upang sagap ng tsismis. "Gong Xu, ano ba talaga ang nangyayari sayo, ha?"

Iritable si Gong Xu at tumingin siya sa kanya. "Huwag mo akong kausapin, nakakairita ka! Bakit ba ang dami mong sinasabi?"

Tang Xing Huo: "Ha…?" isa lang ang sinabi ko, diba?

Nang makita na umaarte na para bang ito na ang panahon[1], hindi na nakapagsalita si Tang Xing Huo.

...