Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 581 - Alam mo ba kung gaano ka ka-gwapo?

Chapter 581 - Alam mo ba kung gaano ka ka-gwapo?

"Alam ko po mama. Ayaw ko ng mayayaman na gwapong lalaki na nakaka-akit ng mga atensyon sa kahit saan sila pumunta…"

Taimtim na nangangako at sinisigurado ni Ye Wan Wan ang nanay niya kaya hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya...

Sa oras na ito, narinig niya ang tunog ng nagbubukas ng pinto sa may balkonahe, binuksan ito ng walang pasabi.

Biglang napa-lingon si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon at nakita niya ang matangkad at mapayat na pangangatawan ni Si Ye Han na naka-tayo habang may hawak siyang libro.

Malinaw niyang sinabihan si Si Ye Han na kaswal lang ang pananamit dahil simple lamang rin ang kanyang damit, puting pantaas at blueish-gray na cashmere coat at nakita niya kakaiba ang lambot ng buhok ni Si Ye Han kahit hindi ito naka-ayos.

Matangos ang kanyang ilong, nag-iba ang kanyang manipis na labi at mukhang tinatago nito ang mahalay niyang intensyon, walang bahid ng kamalian ang malinaw at malamig niyang mga mata at nagmukha siyang mas bata kumpara sa normal niyang itsura. At saka, ang awra niya ng pagpipigil sa sarili ay tunay ngang nakakamatay...

Mukhang narinig ni Si Ye Han ang huling sinabi ni Ye Wan Wan kaya tiningnan niya ng masama si Ye Wan Wan...

Nanigas ang buong katawan ni Ye Wan Wan at nanatili lamang siya sa isang pwesto, tuliro niyang tiningnan ang gwapong lalaki na nasa harapan niya habang hawak ang kanyang phone!

DIYOS KO!!!

Bakit andito si Si Ye Han! AHHH!

"Mama, ibababa ko na po ang tawag, mag-uusap na lang po tayo sa susunod! Bye bye!"

Dali-daling binaba ni Ye Wan Wan ang tawag at napa-lunok siya. Humarap siya kay Si Ye Han at nabulol siya nang sinabi niga, "Ikaw… iii-ikaw… bakit andito ka sa bahay ko?"

Naglakad-lakad si Si Ye Han at sumagot ng walang emosyon sa kanyang mukha: "Maayos na lighting."

Oo na, maganda talaga ang lighting sa balkonahe. Pero minsan lang pumunta si Si Ye Han sa balkonahe para magbasa at magpahinga.

Sh*t, hindi ako naging maingat!

Hindi ko nga alam kung gaano karami ang narinig ni Si Ye Han!

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at sinubukan niyang magtanong, "Yung, uh… kausap ko si mama kanina… may narinig ka ba sa usapan namin…"

Si Ye Han: "Hindi masyado."

Hindi panatag ang loob ni Ye Wan Wan kaya muli siyang nagtanong, "Gaano karami ang 'hindi masyado'?"

Tahimik siyang tiningnan ni Si Ye Han at inulit niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, "Ayaw ko ng mayayaman na gwapong lalaki na nakaka-akit ng atensyon kahit saan sila pumunta…"

Wala tuloy masabi si Ye Wan Wan...

Punyeta...

Narinig niya pala yun...

Mabilis na tumalon si Ye Wan Wan papunta kay Si Ye Han at siya'y nagpaliwanag. "Mali lang ang pagkakaintindi mo babe! Mali talaga! Alam mo, ang sinasabi ko sa magulang ko ay… MAHAL ko ang mayaman na gwapong lalaking na nakaka-akit ng mga atensyon, kahit saan siya pumunta! Kasi kung hindi, hindi ako mahuhulog sayo!"

Kuminang ang mga mata ni Si Ye Han. "Nakaka-akit ng atensyon?"

"Tama! May nasabi ba akong mali? Sa tingin mo ba na hindi makaka-akit ng mga tao ang mukha mong iyan? Alam mo ba kung gaano ka ka-gwapo?" Seryoso itong sinabi ni Ye Wan Wan at ginawa niya ang lahat para bolahin si Si Ye Han.

Kumibo ang mga labi ni Si Ye Han at makikita sa kanyang mukha na hindi na siya nadidismaya.

Alam ni Ye Wan Wan kung paano intindihin ang mga sinasabi ni Si Ye Han at naiintindihan niya rin ang ekspresyon niya dahil matagal na rin naman silang magkasama. Paralisado ang mukha ni Si Ye Han pero nababasa niya pa rin ang emosyon ni Si Ye Han at ngayon, alam niya na lumipas na ang bagyo. Kaya nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan at patuloy niyang inamo si Si Ye Han, "Mali mali! Hindi importante kung mayaman, mahirap, gwapo o pangit - wala silang kinalaman sa akin! Kasi ikaw lang ang gusto ko baby!"