Chapter 574 - Kinakaya kaya ni 9th master?

Sa oras na ito, tuliro na nakatayo ang lahat ng bodyguards at ayaw nilang gumawa ng kahit anong ingay, kahit ang simpleng hinga ay ayaw nilang gawin.

May isang tao na nasa ilalim na ring ay napalunok ng malakas "gu lu."

Ah… anong… anong nangyayari…?

Para siyang pinakawalan na mabagsik na aso; walang nakakaalam kung anong nangyari...

*Smash——*

Nasira na rin ang pang-anim na poste pagkatapos ng 20 minutos.

Umiikot ang utak ni Yuan Sheng. Nawala na ang kanyang malay tao dahil bugbog sarado siya kay Ye Wan Wan at binalot siya ng takot nang mapanood niya ang isang malupit na nilalang ang naglalakad patungo sa kanya. Mabilis siyang gumapang palayo sa nilalang na iyon.

Paano ito nangyari...

Paano ito nangyari?!

Demonyo ang babaeng ito - kahit anong atake ang gawin niya, alam niya ang bawat galaw na gagawin ni Yuan Sheng bago niya pa gawin ito. Nakakatakot pa ay ang bilis niyang gumalaw - hindi niya binigyan ng panahon si Yuan Sheng na isipin ang susunod niyang atake dahil sa sobrang bilis ni Ye Wan Wan.

Akala ko ba marunong lang siyang dumepensa at hindi niya kayang umatake, kung ibabase lang sa laban namin ni Eleven kanina? Paano...

"Ah——" *Pow!*

Kalahati pa lamang sa pagkakatayo si Yuan Sheng nang bigla siyang tumalsik pa-horizontally hanggang sa tumama ulit siya sa isang poster. Sumuka siya ng sariwang dugo na may kasama na isang ngipin sa harap. Nakahiga siyang naghihingalo sa lapag; mas marami siyang binubugang hangin kaysa nakakakuha...

At sa mga oras na iyon, ang pang-pitong poste ay nawarak at nagpira-piraso noong nalaglag ito sa lapag.

"Hala diyos ko… anong nangyari… tama ba ang nakita ko… pinahirapan niya… si… Yuan Sheng…"

"Sobra… sobra na ito…" napalunok ang isang manonood.

"Si master mismo ang nagsabi na sundin ang rules - kapalaran ang magsasabi kung sino ang mabubuhay o mamamatay at kung may namatay man sa loob ng ring, walang dapat sisisihin…"

"Uh..."

Hindi makapaniwala ang lahat ng tao.

Bukang-buka ang bibig ni Xu Yi hanggang sa mahulog ang kanyang panga. Sa isang saglit, bigla niyang napagtanto… kung bakit niya diniin ang ibig sabihin ng 'kapalaran ang magsasabi kung sino ang mabubuhay at mamamatay...

Gayunpaman, maamo pa rin ang labanan kahit kasama na ang patayan sa rules ng kompetisyon. Malaking pinsala ang maidudulot nito sa reputasyon ni Ye Wan Wan kapag may namatay sa laban nila!

Malala ang epekto kapag pumatay siya ng isang bodyguard...

Nababalisa si Xu Yi. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang orasan at nang makita niya na matatapos na ang oras, mabilis siyang sumigaw, "Tapos na ang oras, Miss Wan Wan! Tumigil ka na!"

Humarap si Ye Wan Wan sa malaking orasan at tiningnan niya ng masama si Xu Yi na nababahala na. "Bakit ka nagmamadali? May tatlong segundo pa, 'di ba?"

Sa huling segundo ng pagtutuos, may malakas na "pow" ang narinig sa buong paligid at si Yuan Sheng ay tumalsik sa pang-walong poste dahil sinipa siya ni Ye Wan Wan.

At dahil doon, nawarak ang poste at nagpira-piraso ang mga nahuhulog na bato.

Sa oras na iyon, winarak ng katawan ni Yuan Sheng ang poste sabay nahulog siya sa labas ng ring.

Tapos na ang oras at dito na rin nagtatapos ang labanan.

Tila nanahimik ang buong lugar.

Tinakpan ni Xu Yi ang kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ang laban nila

Ye Wan Wan. "..."

Sa lugar ng mga manonood, tulirong nakatayo si Liu Ying habang pinapanood niya ang laban.

Pa… paano nangyari ito...

Mas magaling nang makipaglaban si Yuan Sheng kaysa sa akin, pero bakit hindi matalo ni Yuan Sheng ang babaeng ito?

Dahan-dahan na naglakad si Ye Wan Wan sa dulo ng ring...

Hindi napansin ng mga manonood na napa-urong sila dahil unti-unting lumalapit si Ye Wan Wan sa kanila. Tiningnan nila si Ye Wan Wan tulad ng isang halimaw na matagal nang namumuhay sa mundo.

Ma… masyado na itong… brutal...

Ang hirap panoorin, napaka-bayolente...

Simula nung una hanggang huli… ginawa niya ang sinabi niya… isang kamay lang ang ginamit niyang pang-atake...

Paano kaya kinakaya ni 9th master ang bayolente at nakakasuklam na girlfriend niya?

Naglakad si Ye Wan Wan, balot na balot siya ng dugo at tumalon siya sa labas ng ring habang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao. Pagkatapos ay tiningnan niya si Xu Yi at sinabi, "Pwede na kayong magpatuloy sa ginagawa niyo."

Tumalikod siya at umalis nang hindi lumilingon sa kanilang lahat.