Chapter 564 - Sapakin mo ako

Wala gaanong sinabi ang lider ng Dark Team 3 kahit pa naiinis na siya.

"Karapat-dapat kang purihin dahil sa lakas ng loob mo." Tumango ang lider ng Dark Team 3 at niyaya niyang lumaban si Bulol gamit ang kanyang daliri. "Kung gayun, sapakin mo ko."

"Ma… mama-mauna… mauna… ka…" sabi ni Bulol.

Hindi alam ng mga guwardiya na si Ye Wan Wan ang naging guro niya. Hindi rin nila alam na tinuruan siya ni Ye Wan Wan na mag-counterattack at hindi siya marunong na maunang umatake.

"Tsk tsk." Ngumisi ang lider ng Dark Team 3. "Bilang lider ng Dark Team 3, kailangang ikaw ang maunang umatake. Baka akalain nilang bully ako kapag inatake kaagad kita."

"Ttt… tigilan… tigilan…mo… na..." dinuro ni Bulol ang lider ng Dark Team 3, "ang… kalokohan… mmm-mo… sapakin… mo… ako… kung… hindi ka… duwag!"

Pabalang na sumagot si Bulol - maihahalintulad ang pananalita niya kay Ye Wan Wan.

Nabigla ang ibang mga bodyguards sa sinabi ni Bulol.

Saan nanggaling ang lalaking ito? Ang lakas ng loob niyang bastusin ang lider ng Dark Team 3! Paano siya magpapatuloy bilang bodyguard ng Dark Team, kung natalo siya sa pagtutuos nila?

"Papatayin kita!"

Binalot ng galit ang lider ng Dark Team 3.

Sa libo-libong guwardiya ng Si family, si Bulol lang ang katangi-tanging guwardiya na binastos siya ng ganito.

Ang lakas ng loob ng isang hamak na miyembro ng Dark Team 1 na asarin siya!

*Swish!*

Mabilis na umatake ang lider ng Dark Team 3 kay Bulol na tulad ng gumagalaw na bundok. Ilang hakbang lang at nakarating na agad siya sa gilid ni Bulol.

"Umalis ka dito!" Hinablot ng Dark Team 3 lider ang kuwelyo ni Bulol gamit ang malaki niyang kamay at mukhang ihahagis niya palabas ng ring si Bulol.

Ngunit sa isang segundo, biglang nagbago ang itsura ng lider.

Inunat ni Bulol ang kanan niyang braso. Ginamit niya ang palad niya at hindi ang kanyang kamao upang gumawa ng pormang ahas habang ang palad niya ang dila ng ahas na ito. Ginamit niya ang kakaibang anggulo ng kanyang braso upang atakihin ang lider ng Dark Team 3 gamit lamang ang kaunting pwersa, mabilis niyang sinampal ang lider gamit ang kanyang palad.

Hindi planado ang sampal ni Bulol dahil ito ang kusang depensa ng kanyang katawan kapag may umaatake, kaya mabilis niyang nagawa ang galaw na ito. Nawalan ng pagkakataon na mag-counterattack ang lider ng Dark Team 3 dahil sa bilis ng atake ni Bulol.

Ang mga atake niya kasing lakas ng mga alon na hindi tumitigil sa pag-agos. Wala sawa niyang inaatake ang lider.

Hindi naiintindihan ng lider kung ano ang nangyari at hindi lang iyon, sinapak pa siya ni Bulol sa kanyang panga.

Habang nakatingin ang lahat, parang cannon na tumalsik ang lider ng Dark Team 3 sa labas ng ring at humampas siya sa lapag sa kinatatayuan ng maraming tao.

Matapos ang taimtim na katahimikan, biglang naghiyawan ang mga tao.

"Wow… saan nanggaling ang lalaking iyon?!"

"Tinalo niya ang lider ng Dark Team 3 na isang atake lamang ang ginamit niya??"

"Saan nanggaling ang batikan na ito? Hindi ko pa narinig na binanggit ang pangalan niya noon!"

"Anong pangalan niya…"

Nasindak ang lider ng Dark Team 3 nung tumingin siya kay Bulol.

Hindi niya inasahan na matatalo siya sa nakakahiyang paraan. Hindi niya maunawaan kung paano nangyari ito...

Hindi alam ng lider ng Dark Team 3 kung anong nangyari; kakaiba ang bilis ng kanyang galaw at kahit ang atake niya ay nakakatakot sa bilis...

"Kam… kamusta… ka… na… diyan… sabi ko sayo… tumigil… ka… na eh… ngayon… alam… mo… na… ako… ang...magaling…" tiningnan ni Bulol ang lider ng Dark Team 3 na nakasalampak sa ilalim ng ring.

"Ang galing mo tropang Bulol!"

Gulat na nagsihiyawan ang ilang mga bodyguards.

"Www…'wag… niyo… akong tawagin na… bulol… ta… ttt-tandaan niyo… ang pangalan… ko ay… Feng Xuan Yi!" itinama sila ni Bulol.