Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 553 - Tingin ko mamamatay ka muna bago ako mamatay

Chapter 553 - Tingin ko mamamatay ka muna bago ako mamatay

Naglakad si Qiao Ke Xin sa entablado sa kanyang pulang evening gown, na nagniningning ang liwanag sa kanyang loob.

Mabilis na pinagsalita ng host si Qiao Ke Xin base sa programa, "Kagulat-gulat talaga ang kinalabasan na 'to! Ke Xin, pasensya na pero alam mo din na sa lahat ng mga kandidato, hindi mataas ang tsansa mong manalo! May gusto ka bang sabihin tungkol sa pagtanggap ng award na 'to ngayon?"

Pinasadahan ng tingin ni Qiao Ke Xin ang madla. Huminga siya ng malalim at nagsalita, "Nagulat din ako sa kinalabasan ngayon. Sa totoo lang, ilang segundo kanina lang, nahihirapan ako sa loob-loob ko - iniisip kung susuko na lang ako. Ganun pa man, hindi naman ako nakikilala sa ginagawa ko, na para bang totoo ang mga insultong nakukuha ko."

Sa publiko, para bang binabalewala lang ni Qiao Ke Xin ang mga pag-insulto sa kanya, pero ang totoo, hindi niya gusto ang pagdespatsa sa kanya ng lahat. Tutal, gusto naman ng lahat tumanggap ng mga papuri at pagtanggap.

Nagpakita ng bakas ng pagkapait si Qiao Ke Xin at nagpatuloy, "Alam ng lahat sa industriyang ito na pwedeng magusot ng mga sabi-sabi ang katotohanan at matutukoy dito ang buhay o kamatayan ng isang artista."

"Naisip ko na, tutal ang pag-insulto sa 'kin ay katanyagan din, magpapatuloy na lang ako sa paggawa ng pera - bakit pa ako mag-aabala na pagbutihin ang pag-arte ko at bakit kailangan kong patunayan ang sarili ko?"

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Qiao Ke Xin. Alam nila na tama siya, pero sa entertainment industry, si Qiao Ke Xin lang ang maglalakas-loob na magsabi ng ganitong bagay sa publiko.

Nagpatuloy si Qiao Ke Xin at bahagyang naging emosyonal ang mga mata niya. "Kaya lubos akong nagpapasalamat - nagpapasalamat na may award tulad Golden Orchid na hindi naiimpluwensya ng opinyon publiko at mga panlabas na kadahilanan, at binigyan ako ng tsansang mapatunayan ang sarili ko."

"Sabay nito, taos-puso akong umaasa na tignan ng lahat ang trabahong ito sa ibang pananaw at makita kung sino talaga ako."

Nang matapos nang magsalita si Qiao Ke Xin, nakatanggap siya ng mga palakpak at pagsang-ayon.

Napahinga ng maluwag si Han Xian Yu. Buti na lang, naging maparaan si Qiao Ke Xin sa mga sinabi at maayos itong natapos.

Alam ni Ye Wan Wan na sa nakaraan niyang buhay, dahil sa sinabi ni Qiao Ke Xin nagkaroon ng nakakatakot na mga bilang para sa box office interest para sa "Legend of the Quiet Girl" at nabasag ang box office record nung taon na 'yon.

Sunod no'n, sinundan ni Qiao Ke Xin ang kinaugalian at pinasalamatan ang mga tagahanga niya, ang crew, ang kumpanya at mga isponsor.

Sa wakas, napatigil siya saglit. Sumulyap siya sa baba ng entablado at sabi, "Dagdag nito, gusto ko ng pasalamatan ang isang kaibigan. Bago umakyat sa entablado, halos lahat ng tao sa paligid ko ay inaaliw ko, sinasabi na ayos lang na hindi ako nanalo, pero may isang tao na nagsabi sa 'kin umpisa pa lang na ako ang magiging best actress ng Golden Orchid. Pinaalam niya sa 'kin na sa daan-daan at libu-libong tao na nandito ngayon, may isang tao na naniniwala sa 'kin…"

Nang marinig ang sinabi ni Qiao Ke Xin, halos hindi na mapigilan ni Qi Mei Lin ang sarili sa harap ng kamera.

P*ta! Tama nga ang manlolokong 'yon!

Hindi naman mahalaga kung sino ang makakakuha ng Best Actress award, pero hindi dapat 'yon si Qiao Ke Xin!

Maya maya pa, natapos na ang award ceremony.

Tumayo si Ye Yiyi at natural na sinabi kay Qiao Ke Xin, "Ke Xin, congratulations! Pinaghirapan mo 'to!"

Tsk tsk, tingin ng mga tao sa Emperor Sky na pinaghirapan ko 'to? Mga hipokrito.

Ngumiti si Qiao Ke Xin, "Bakit parang may naalala ako mula sa kumpanya niyo na nagsasabing ako ang nangungunang artista na hindi makakatanggap ng award?"

Sa sobrang galit ni Qi Mei Lin, halos bumalikuko na ang itsura niya. "Qiao Ke Xun, dapat siguro isarili mo na lang ang mayabang mong mukha. Papanoorin ko kung paano ka mamatay sa pagpuna ng mga tao sa 'yo sa pagtanggap ng Golden Orchid Best Actress award sa walang kwenta mong pag-arte!"

Natawa si Qiao Ke Xin at bumulong, "Tingin ko mamamatay ka muna bago ako mamatay! Nahulaan ka na ng napakagaling kong Little Fortune Teller ge ge dito at kapag natapos na ang award ceremony, mapupunta ka sa isang trahedya, hah!"