"Miss Wan Wan, natural lang ito. Bukod sa lahat ng martial arts, ang isang pinakamahirap ay kilala bilang skill of death!" seryosong sinabi ni Eleven.
"Skill of death?" tinignan ni Ye Wan Wan si Eleven, sabik na makarinig pa ng marami.
"Tama 'yan." sabi ni Eleven, "ang skill of death, tulad ng ipinapahiwatig sa pangalan, gamit ito sa pag patay ng tao. Kapag nahasa ito ng wasto, bawat galaw at anyo ay kayang kumuha ng buhay ng tao. Ang mga galaw ay mapinsala at ang ordinaryo tao ay hindi kakayaning labanan ito."
Nag-isip-isip sandali si Ye Wan Wan. "saka kung… ang skill of death ay nakatagpo ng baril?"
Nasamid si Eleven. "..." kailangan ko malaman kung paano ko sasagutin ang kanyang tanong…
"Kaya bang harangan ng skill of death ang bala?" tinanong ni Ye Wan Wan ng seryoso.
Nagsimula ng magpawis si Eleven. "Sa tingin ko… hindi imposible iyon…"
"Sobrang makapangyarihan ba ang skill of death na kaya nitong harangan ang lahat ng armas…? Tanong ulit ni Ye Wan Wan.
Hindi ulit makapagsalita ng isa pang beses si Eleven. "Hindi… ko sigurado…"
"Kung gayon bakit hindi mo na lang ako bigyan ng baril?" kakatwang tinignan siya ni Ye Wan Wan.
*cough cough…* "Miss Wan Wan, hindi mo pwedeng kunin iyan. Kahit gaano pa kahusay ng baril, itinuturing lang ito na external force, ngunit kapag nakuha mo na ang martial arts, maaari mo ng maasahan ang iyong sarili…. Kita mo, maaaring maka aksidente ang isang baril, maaaring mawala ito at maubusan ng bala, ngunit kapag sa oras na master mo na ang kungfu, matutulungan ka nito habang buhay. Miss Wan Wan, nakikita mo ba ang logic dito?"
"Hindi, maingat ako! Hindi ako mawawalan ng baril at aalagaan ko ito ng maayos kaya hindi ito makaka aksidente. Totoo na mauubos ang bala , kaya dapat bigyan mo ako ng marami para hindi ako maubusan, tama?" seryosong sumagot si Ye Wan Wan.
Sa sandaling ito, tinitigan ni Eleven si Ye Wan Wan, lubos na hindi makapagsalita ang gilid ng kanyang labi ay kumislot na para bang may gusto siyang sabihin ngunit sa huli walang lumalabas sa kanyang bibig…
*cough cough…* iniba ni Eleven ang paksa: "Miss Wan Wan, anong oras na. Pumunta na tayo sa training room upang magensayo ng martial arts…"
Sa wakas, walang ng ibang pagpipilian si Eleven kundi ibahin ang paksa dahil kapag nagpatuloy ang usapan, mawawala siya sa kanyang sarili.
Naglakad ng magkatabi si Ye Wan Wan papunta sa training room.
Habang papunta doon, maraming bodyguard ang gumagawa ng kanilang morning exercises ang bumati kay Eleven.
"Magandang umaga, kapitan Eleven."
"Oy, kapitan."
Isang bilang ng mga bodyguard ang nagtipon-tipon at nangutya ng nakita nila si Eleven, pinagdidiinan ang salitang "kapitan."
Kumunot ang kilay ni Eleven.
"Tsk, bakit ang bastos nila ngayon - sa tingin niya ba talaga na siya ang ating head captain?"
"Pwera biro, malapit na ang pagsusulit ng head captain. Gaano niya kaya katagal panghahawakan ang posisyon na ito."
"Magkakaroon ng magandang palabas sa pagsusulit ng head captain sa panahong ito. Nabalitaan ko na nag sasanay ng ilang recruit si Liu Ying na magagaling, handang lumaban para sa posisyon ng division kapitan. Sa puntong iyon, hindi na magagawa pang panatilihin ni Eleven ang kanyang orihinal na posisyon bilang isang leader at hindi na makaka asa pang maging head captian. Kung gayon sino ang papalit sa pwestong ito?"
"Ngunit ako ay nagtataka - kasama ni Eleven ang babaeng iyon, si Ye Wan Wan, araw-araw kamakailan… maaari bang sinusubukan niyang kunin ang loob nito upang mapanatili sa kanyang posisyon bilang head captain?"
"Tsk tsk, nagbibiro kaba? Ang paghuhusga sa head captain ay isang bukas na paligsahan at ang pinakamalakas ang makakakuha ng role bilang head captain; hindi ito umaasa na opinyon ng isang tao."
"Ang babaeng iyan at siguradong isang munting weirdo; pati si kapitan Liu Ying ay napinsala niya. Maaari ito… pinaplano ni Eleven na turuan siya ng mga isang o dalawang kilos?" sa palagay ng isang bodyguard.
Nang marinig iyon, nagsimulang magtawanan ang mga bodyguard.
"Ang babaeng iyan ay may malupit na pwersa, yun na iyon. Ang gabing iyon sa may bar, kung hindi lang sa kapakanan ni master, napatay na siguro siya ni kapitan Liu Ying sa isang suntok lang!"
"Totoo iyon. Nasa babaeng iyan ang ating master upang ipagtanggol, matapos ang lahat. Hindi tinangkang ilagay ni kapitan Liu Ying kahit isang daliri sa kanya. Maliban kay Ye Wan Wan, kung ang isang ordinaryong tao ay hindi pinapahintulutan na gumanti, maaari pa din silang mapinsala kahit na gaano pa sila kagaling."
...