Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 530 - Mataas na IQ upang matapalan ang mababang EQ

Chapter 530 - Mataas na IQ upang matapalan ang mababang EQ

Sobrang lapit niya sa kanya na halos maamoy na niya ang hininga ni Si Ye Han. ang kanyang malamig, manipis na labi ang nakapalibot sa kanya at siya ay pansamantalang natakpan ng kaniyang malamig, hininga.

Nangyari ang lahat ng ito sa isang saglit.

Napagtanto ni Ye Wan Wan na siya ay biglang hinalikan, siya ay napatigil at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.

Hindi makontrol ang bilis ng kanyang puso.

Ang mata ni Si Ye Han ay nakabukas din. Bahagyang nadikit ang noo ni Si Ye Han sa kanya; ang kanyang mainit na hininga at ang kanyang hindi maipaliwanag na pakiramdam ay nag-isa habang ang kanyang mata ay nakatingin lang sa kanya.

Nakaharap si Ye Wan Wan sa kanyang malalim na mata at ang kanyang puso ay hindi maipaliwanag na tumibok ng mabilis na mabilis na para bang gusto na nitong kumawala mula sa pakiramdam na halos nawalan ng kontrol. "Oh… baby… sobrang… talino mo…" bulong ni Ye Wan Wan.

Ano ngayon kung wala siyang masyadong EQ? Pwede niyang gamitin ang kanyang IQ upang tapalan ito, tama? -

Tinitigan siya ni Si Ye Han ng ilang sandali ng hindi nagsasalita at yumuko pa ulit ng isang beses…

Sa oras na ito, ang halik ay hindi lang parang isang tutubi nagpapasagip sa tubig. Sa halip, binuksan niya ang labi ni Ye Wan Wan gamit ang kanyang dila at hinalikan siya na para bang sinusubukan niyang pamunuan ang isang teritoryo…

Sa harapan, tumingin si Qiao Ke Xin sa magkasintahan, hindi naapektuhan sa lahat at matinding halikan; siya ay nagkibit-balikat at hindi masyadong inisip ito.

Bilang kay Han Xian Yu, maliban sa pakiramdam na medyo awkward nang makita niya sila, isang iglap ng kaduda-dudang nagpakita sa kanyang mata…

Sa isang tingin, nakita niya na ang lalaking iyon ay mukhang pamilyar, kapareho sa kaibigan ni Ye Bai na nakilala niya ng isang beses.

Tulad ng isang kakaibang tunay na disposisyon na kaibigan ni Ye Bai, pakiramdam ni Han Xian Yu na hindi siya maaaring magkamali sa ibang tao kahit na sa isang mabilis na tingin lang.

Gayun pa man, hindi na niya nagawang tignan ang babae sa kanyang tabi na nakatakip…

Uh, halos hindi magkaintindihan ang relasyon niya kay Ye Bai noon, ngunit ngayon ito ay tila malinaw na ang taong ito ay sexual orientation.

Gayon pa man, gusto niyang malaman kung anong klaseng babae ang may kayang gawing mapusok ang isang malamig at mahirap abuting lalaki at kumilos ng hindi naaayon sa lugar katulad ng sinehan, umaarteng katulad ng ibang normal na magkasintahan.

Malinaw, na kahit gaano pa nalilito si Han Xian Yu, hindi pa din maganda kung patuloy siyang tititig sa magkasintahan. Matapos ang maikling oras, siya ay bahagyang umubo ay tumalikod.

Nagpatuloy ang halik ni Si Ye Han. Pinuwersa niya si Ye Wan Wan sa gilid at naramdaman niya nanawawala na ang hangin sa kanyang dibdib; ang kanyang ulo ay nanghihina sa kawalan ng hangin.

Napansin ni Ye Wan Wan mula sa gilid ng kanyang mata na si Qiao Ke Xin at Han Xian Yu ay nakatalikod na. Mas lalong bumigat ang kanyang hininga,. Siya ay kumurap, at bahagyang kumilos paatras at sinabi, "tama na iyon…"

Medyo tumigil ang paghingal ni Si Ye Han ngunit ang kanyang tingin ay hindi iniwan ang kanyang munting mukha; ito ay halos parang may apoy sa kanyang madilim na mata, mukhang nagpapasagip.

Kumurap si Ye Wan Wan at kabadong lumunok.

Inangat ni Si Ye Han ang kanyang kamay. Ang kanyang mahaba, payat na daliri ay pinahid sa mapula at namamagang pulang labi ng babae saka dumulas pababa sa kanyang braso at hinawakan ang maliit na kamay bilang ang kanilang daliri ang nag-isa. Matapos iyon, humarap ulit siya sa kanya at naglagay ng halik sa kanyang labi…

Isang banayad na halik matapos ang isa pa ngunit ito ang nagpatibok sa kanyang puso kaysa sa malakas na istilo ni Si Ye Han kanina...

Kailangan aminin ni Ye Wan Wan na siya ay malamya kumilos, mabilis siyang matuto at humango...

Related Books

Popular novel hashtag