Chapter 527 - Sobrang tamis

Matapos kumuha ng popcorn at Coke, bumalik na si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. "Baby, sobrang sarap ng cotton candy sa shop na iyon - kuhanan kita para masubukan mo! Hintayin mo ako!"

Saka tumakbo paalis na parang hangin si Ye Wan Wan patungo sa lugar na napakadaming tao.

Ang lugar na nag bebenta ng cotton candy ay talagang napaka sikat; mayroong isang pilahan ng meryenda. Nakipila si Ye Wan Wan at hindi nag tagal, siya ay naiipit sa pagitan ng isang kumpol ng mga lalaki at mga magkasintahan.

Ang maitim na mata ni Si Ye Han ay nakatuon lamang kay Ye Wan Wan at matapos ang ilang oras, siya ay marahan na tumayo…

Nakatingkayad na si Ye Wan Wan upang makita ang dami ng tao na nasa pila nang biglang isang anino ang lumitaw sa tabi niya.

Una niyang nilingon ang kanyang ulo at napagtanto na si Si Ye Han ang dumating.

"Eh? Ano iyon? Bakit ka pumunta dito?" naguguluhang tanong ni Ye Wan Wan. Ang akala niya hinanap siya ni Si Ye Han dahil may kailangan ito.

Walang emosyon ng kinuha ni Si Ye Han ang popcorn at Coke sa kamay ni Ye Wan Wan saka sinabi, "Pumunta kana doon at umupo."

"Ah?" hindi pa din maintindihan ni Ye Wan Wan ang ibig sabihin ni Si Ye Han.

Si Ye Han: "Ako na ang pipila."

Paulit-ulit na kumurap-kurap si Ye Wan Wan. Siya ay lubos na hindi nakapaniwala.

Ang classy, hindi pangkaraniwan, hindi makatao na si Si Ye Han ay talaga bang mayroong… makamundong pagkatao…

Kahit pa alam niya na ito dapat talaga ang ginagawa ng boyfriend...

Matapos ang ilang sandali bumalik na din sa katinuan si Ye Wan Wan at kaagad na sinabi, "Ayos lang, ako na gagawa! Kailangan mo umupo at mag pahinga!"

"Hindi ako ganon kahina. Nanindigan si Si Ye Han.

Wala ng pagpipilian pa si Ye Wan Wan kundi yakapin ang braso ni Si Ye Han. "kung ganon dalawa tayong pipila!"

Sa oras na ito, hindi na nakasagot si Si Ye Han.

Sa wakas sila na ang susunod at masayang bumili si Ye Wan Wan ng sobrang laki at makulay na cotton candy.

Tumingin si Si Ye Han sa napakalaking cotton candy na mas malaki pa sa kanyang mukha. "Mauubos ba natin iyan?"

Bumuntong-hininga, iniisip ko lang na mayroon siyang makamundong pagkatao...

Hindi nagawang ipinaliwanag ni Ye Wan Wan, "wag ka mag-alala, mauubos natin ito. Cotton candy lang naman ito - sobrang malambot at magaan lang ito. Nawawala agad ito sa oras na inilagay mo na sa bibig mo; mukha lang itong malaki!"

Matapos magsalita ni Ye Wan Wan, kinuha niya ang cotton candy mula sa dalaga na nakatitig lang kay Si Ye Han.

"Maiintindihan mo kapag kumagat ka na!" sabik na inilagay ni Ye Wan Wan ang cotton candy sa harap ng bibig ni Si Ye Han.

Sumimangot si Si Ye Han. Halatang ito ay hindi tumatanggap ng ganitong wierd na pagkain.

Napansin ni Ye Wan Wan na hindi gumagalaw si Si Ye Han at hindi na siya nakapaghintay, kaya siya ay kumagat ng isang malaki sa kabilang banda ng cotton candy. "Oh, sobrang tamis!"

Lumapit si Si Ye Han upang subukan ito at totoong, ito ay natutunaw sa oras na pumasok na ito sa iyong bibig. Hindi pa siya nakakasubok ng kahit anong kakaiba noon.

"Kamusta? Matamis?" sabik na sinuri ni Ye Wan Wan.

Ang mga mata ni Si Ye Han ay nagsimula ng magningnig. "En."

Matapos nilang maubos ang cotton candy, ang palabas ay nagsimula na kaya ang dalawa sa kanila tumayo na at pumasok na sa sinehan.

Sabik na ipinakilala ni Ye Wan Wan ang pelikula: "pinagbibidahan ni Qiao Ke Xin ang palabas na ito - siya ang Golden Globe winner para sa best actress award sa taon na ito. Ito ay sulit panuorin…"

Biglang naalala ni Ye Wan Wan na hindi pa nagaganap ang Golden Globe ceremony at ang premyo ay hindi pa na award ngayon - dahil ito sa pagkuha ng pwesto ng tatlong beses - kaya kaagad niyang sinabi, *Cough cough cough* "narinig ko sa loob ang balita na dapat si Qiao Ke Xin, hindi pa sigurado kung iyon ay totoo. Gayon pa man, sa tingin ko hindi masama ang palabas na ito…"

Phew, muntikan ko ng ibuko ang sarili ko…