Umungol si Liu Ying at ginawa niya ang lahat upang makatayo siya. At sa oras din na iyon, hindi na nagtamad-tamaran si Song Jing kaya sabay nilang inatake si Ye Wan Wan.
Desidido silang lumaban sa oras na iyon kahit hindi sila sigurado kung ano ang nangyayari. Alam nila na mamamatay sila kapag hindi sila lumaban dahil napaka-bihasa ng mga galaw ni Ye Wan Wan. Pero kapag lumaban sila...
Baka humaba pa ang buhay nila at maantala nila ang kanilang kamatayan...
Ang ilang mga tao sa bar ay umalis at nagtago, ang iba naman ay nakatayo sa iisang pwesto dahil takot at gulat sila nang mapanood nila ang isang hamak na babaeng sinira ang buong gusali ng mag-isa niya lang...
Binalot na ng dugo ang dalawang lalaking kalaban niya at lalo na ang isang lalaki na nakakasindak ang itsura...
Sa oras na iyon, maririni ang hakbang ng mga tao na galing sa labas ng pintuan ng bar.
Sumugod sila Eleven at Xu Yi na may kasamang backup. Nakita nila ang magulong bar at ang lapag ay puno ng nakahigang mga bodyguards.
Nakita nila na nakahiga si Song Jing sa lapag at kapos siya sa hininga habang ang duguang katawan ni Liu Ying ay sinipa ng isang mahina at maselan na nilalang. Si Liu Ying ay nakahiga na lamang sa lapag at hindi na siya gumagalaw...
Sino 'yon?! Paano niya binugbog sila Song Jing at Liu Ying hanggang sa mapahiga na lang ang dalawa sa lapag?
Ang nilalang ay mabilis at may nakamamatay na itsura. Gusto niya pang atakihin si Liu Ying hanggang sa mawalan ito ng enerhiyang lumaban pa...
"Liu Ying!!!"
Nag-iba ang itsura ni Eleven nang mapanood niya ang eksenang ito at wala na siyang oras para isipin pa ang dahilan ng pangyayari. Sumugod siya sa nilalang at pinigilan niya ang huling suntok nito kay Liu Ying.
Nakita nga ibang mga guwardiya sa likod ni Eleven ang itsura ni Liu Ying at Song Jing kaya nabahala sila. Mabilis rin silang umatake sa nilalang.
"Sino ka?"
Namanhid na ang balikat ni Eleven nang masulyapan niya ang nanghihinang nilalang.
Alas, nanginig siya nang makita niya ang mukha ng babaeng nilalang. "Wan… Miss Wan Wan… paano ito…"
Nakaramdam ng malakas na sakit sa ulo si Eleven bago pa siya makapg-react at ang kaya niya lang gawin ay harapin ang ang mga atake ng babaeng iyon.
Sa oras na iyon, nakita na ng mga mata ni Xu Yi kung sino ang babaeng iyon.
"Miss Wan Wan? Paano…"
Anong nangyayari?
Paano naging si Miss Wan Wan ang nilalang na umaatake?
"Miss Wan Wan!" Balisang sumigaw sj Xu Yi pero parang hindi siya narinig ni Ye Wan Wan. Bagkus, lalo lamang bumilis ang nakamamatay na paghinga ni Ye Wan Wan.
Nabigla rin ang mga tauhan na dinala ni Eleven nang makita nila na si Ye Wan Wan pala ang nilalang. Takot silang masaktan nila si Ye Wan Wan kaya ang ilan ay hindi na umatake.
Ngunit mabilis nilang napagtanto na minamaliit nila ang kapangyarihan ng nilalang.
Napahiga sa lapag si Eleven sa paanan ni Xu Yi at may malakas na "bang" ang narinig nang bumagsak siya. Nawalan na ng malay si Eleven nang mangyari iyon.
"Eleven! Okay ka lang?!" Dali-dali siyang tinulungang tumayo ni Xu Yi.
Nagising si eleven at mahigpit niyang hinawakan ang kanyang buto-buto. "Punyeta… anong… anong nangyayari…"
Mahinang sumagot sk Song Jing na ilang hakbang lamang ang layo sa kanila, "Hindi ako sigurado… bigla na lang nagkaganyan si Miss Wan Wan… nung una, ang mga tauhan at si Chen Shi Jie lang ang inaatake niya… at sa ilang saglit lang... bigla niya rin kaming inatake ni Liu Ying…"
Hindi na nakapag timpi ang mga guwardiyang dala ni Eleven habang nag-uusap ang tatlo.
Nakita nila Eleven at Xu Yi na hindi kaya ng mga guwardiya na patumbahin si Ye Wan Wan kaya ang nakakamamatay na nilalang ay lumakad patungo sa direksyon nila...
"Swish——" patuloy na inatake ni Ye Wan Wan si Eleven.
Para bang mas mabagsik ang paglaban niya sa mga taong balisa sa pakikipaglaban.
Wala nang laban si Liu Ying kaya ang pumapatay na pwersa ni Ye Wan Wan ay biglang napunta na kay Eleven.