Chapter 511 - Nakakapanabik na ba ito?

Takbo… dali, takbo...

Takbo! Yan ang unang reaksyon ng lahat...

Wala silang magawa dahil napakabilis umatake ng babaeng ito kaya sa huli, lahat sila ay napahiga na lang sa lapag at hindi makagalaw habang ngumangawa sila sa sobrang sakit.

"Ah——"

"Maawa… maawa ka sa akin…'wag mo akong patayin…'wag mo akong patayin…"

Tumaas ang kilay ng babae at tiningnan niya ng parang langgam ang mga lalaking nakahiga sa lapag. Parang nawalan siya ng gana - ang boses niya ay lumabas sa kulay cherry blossom niyang mga labi, "Tsk, ang boring…"

Hindi sila marunong na makipaglaban...

Matapos ang ilang minuto, parang hinampas niya lang ang mga hamak na langaw na mahigit sampung lalaki ang nagmamakaawa sa kanya, gumugulong sila sa lapag sa sobrang sakit. Ang buong bar ay nagkagulo na at ang ilang mga customers ay nagsisigawan sa sobrang takot.

Sa gitna ng kaguluhan, dahan-dahan na tumungo si Ye Wan Wan kay Chen Shi Jie.

"Pigilin niyo siya! Pigilan niyo——" takot na takot na sinigaw ni Chen Shi Jie.

Gayunpaman, gumapag pa-urong ang mga bodyguards nang makita nilang papalapit na si Ye Wan Wan; wala ni-isa sa kanila ay sumubok sa manlaban.

Ilang hakbang lang ang kalayuan ng blondie kay Ye Wan Wan, nanginginig siya sa sobrang takot habang tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang likuran.

Pagkatapos, kuminang ang kanyang mga mata. Ang mga daliri niya ang may inabot sa kanyang likod at hinugot niya ang isang baril. "B****! Tingnan natin kung magiging arogante ka pa! Sumuko ka, ngayon din! Ha! Hahahaha…"

Medyo tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan nang makita niya ito.

Mayabang na tumawa ang blondie nang biglang nawala sa paningin niya si Ye Wab Wan.

Ha...anong nangyayari?

Nasaan na siya?!

Natameme ang blondie.

At sa oras na iyon, nakaramdam siya ng lamig sa kanyang likuran kaya nanginig siya sa sobrang takot.

"Hindi ganyan paglaruan ang… baril…" ang boses ng multong babae ay bumalot sa kanyang tenga.

"Ikaw… ano… ikaw-ikaw-i…" parang lumisan ang kaluluwa ng blondie sa sobrang takot niya. Lalo siyang nahikayat na paputukin ang baril na hawak niya.

Nang hinanda niyang paputukin ang baril, napansin niya na wala na sa kanyang kamay ang baril at biglang may malakas na "bang" - ang likod ng palag ni blondie at naputukan at tumalsik ang maraming dugo.

"Ah——" Halos napasabog ng sigaw ni blondie ang bubong ng bar.

Ngunit, hindi pa rin kuntento ang babae habang pinapaikot niya ang barol sa kanyang daliri. "Bakit ang lakas ng loob mo para ilabas ang laruang ito?"

"Diyos ko! Mamamatay tao… mamamatay tao…"

Huminto ang tugtog ng musika, nagsihiyawan at umalis ang mga customers nang marinig nila ang putok ng bala. Isang malaking kaguluhan ang bar sa oras na iyon.

Hindi sila tiningnan no Ye Wan Wan. Kaswal siyang naglakad patungo sa luxurious booth.

Umupo siya sa komportable at malambot na booth habang ang isang kamay niya ay nasa armrest at ang isang ay may hawak na bagong bukas na red wine at bumuhos siya ng isang basong wine para sa sarili niya. Bumaluktot ang perpekto niyang leeg nang ininom niya ng isang lagukan ang isang basong wine.

Sa oras na iyon, si Chen Shi Jie na nakahiga sa paanan ni Ye Wan Wan ay natunghayan sa kanyang mga mata kung paano inubos ng isang payat na babae ang lahat ng tauhan niya, nakita niya rin ang kamay ni blondie na mabilis na pinaputukan ng baril ng babae. Basang-basa ng pawis ang kanyang likuran sa sobrang takot niya sa babae.

*Gu du* napalunok si Chen Shi Jie sa sobrang takot at sinubukan niya na dahan-dahang gumapang sa gilid.

Ngunit, isang hakbang lamang ang layo ng kanyang ginapang nang bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang likuran.

"Ow——" gumulong-gulong sa lapag si Chen Shi Jie sa sobrang sakit na naramdaman niya.

Isang malabong ngiti sa labi ng babae ang makikita nang bigla niyang tinapakan ang sugatang kamay ng lalaki at dahan-dahan siyang kumiling malapit sa lalaki. Ang malambot at maganda niyang labi ay namantsahan ng red wine na parang rosas na kinulayan ng sariwang dugo. Bumulong ang gasgas niyang boses sa tenga ng lalaki, " Ano sa tingin mo? Nakapanabik na ba ito? Naakit ka na ba sa ginawa ko?"