Pasalamat na lang sa matalas na pag-iisip ni Ye Wan Wan dahil naintindihan niya agad ang pinapatunguhan ng sinasabi ni Si Ye Han.
Tinitigan ni Si Ye Han ang galit na kawawang bata at sinabi niya, "Turuan mo ako."
Walang masabi si Ye Wan Wan bago siya sumagot, "Ah, para sa akin…"
Hindi kita matuturuan Si Ye Han… wala kang potensyal na maging malambing...
Makikita na ayaw sabihin ni Ye Wan Wan ang katotohanan kaya seryoso na lamang siyang sumagot, "Hm, hindi mo na kailangang aralin kung paano maging malambing; umasa ka na lang sa kagwapuhan mo Si Ye Han!"
Tumaas ang kilay ni Si Ye Han nang marinig niya iyon - malamang, hindi ito ang gustong sabihin ng babae at may tinatagong siyang mga salita sa kanyang dila.
Tumalon si Ye Wan Wan papunta sa tabi ni Si Ye Han at tiningnan niya ang lalaki habang ang kamay niya ay naka-suporta sa kanyang ulo. "Bakit hindi na lang ikaw ang magturo sa akin? Turuan mo akong gamapanan ang mga tungkulin at trabaho mo at kapag naging sanay na ako, matutulungan na kita sa mabibigat mong responsibilidad sa trabaho!"
Biglang naging seryoso si Si Ye Han nang marinig niya ito. "Gusto mong matuto?"
Napakunot si Ye Wan Wan. Sa totoo lang, hindi ako sigurado sa desisyon 'kong ito...
Napansin ni Si Ye Han na nagda-dalawang isip si Ye Wan Wan kaya tinitigan niyang maigi ang mga mata ng babae. "Sabihin mo agad sa akin kung nakapag-desisyon ka na."
Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi na, nakapag-desisyon na ako."
Alam niya ang pangangailangan ng desisyon na ito pero noong nangialam siya sa trip nila sa country B, maraming bagay ang hindi na niya kontrolado simula nung araw na iyon.
Natameme si Ye Wan Wan ngunit biglang nag-ring ang kanyang phone. Si Jiang Yan Ran ang tumatawag sa kanya.
At doon niya lang napagtanto nung tumawag si Jiang Yan Ran, na patapos na ang bakasyon niya ng summer at para bang napakabilis lumipas ng mga araw.
Hindi na niya masyadong nakakausap si Jiang Yan Ran at ang iba dahil naging abala siya ng buong bakasyon.
Mabait na tao si Jiang Yan Ran; nangako man siya na si Ye Wan Wan ang gagawin niyang manager kapag pumasok siya sa entertainment industry, ngunit matapos nilang magkasama ni Ye Wan Wan, naramdaman ni Jiang Yan Ran na hindi lang future partner si Ye Wan Wan para sa kanya - siya ay isang kaibigan.
Hindi siya pipilitin ni Ye Wan Wan kung ano man ang desisyon niya sa hinaharap.
"Tumatawag si Jiang Yan Ran."
Pinaalam ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han kung sino ang tumatawag at pagkatapos ay sinagot niya ito, "Hello, Yan Ran?"
"Wan Wan…"
"Tatawagan sana kita para itanong kung gusto mong sumabay sa akin papuntang eskwelahan sa mga susunod na araw eh," sabi ni Ye Wan Wan.
"Sige! Sabay na pala tayo…"
Magsasalita na sana si Ye Wan Wan ngunit napansin niya na parang may mali sa tono ng pananalita ni Jiang Yan Ran. "Anong problema? Bakit parang ang lungkot ng boses mo?"
"Ah, kasi…" nangangamba na magsalita si Jiang Yan Ran.
Napakunot si Ye Wan Wan nang marinig niya ang mga ingay at tugtog sa panig ng linya ni Jian Yan Ran. "Bakit ang ingay naman diyan? Nasaan ka ba?"
Hindi pinansin ni Jiang Yan Ran ang tanong. Nanahimik siya at dahan-dahan niyang sinabi, "Wan Wan, parang… mag-be-break na kami…"
Nagulat si Ye Wan Wan. "Anong sinabi mo?"
Bakit biglaan?
Patagilid na napatingin si Si Ye Han kay Ye Wan Wan nang mapansin niyang nagbago ang ekspresyon ng babae.
"Bakit biglaan kayong mag-be-break? Anong nangyari kay Chu Feng?" balisang tinanong ni Ye Wan Wan.
Panandaliang nanahimik si Jiang Yan Ran bago siya muling nagsalita sa kabilang linya: "Kamakailan lang… nag-de-date pa kami… pero sinasabay niya pala ako sa… isa pang babae…"
"Ha? Anong sinabi mo? Paano nangyari yun?!" Nagulat si Ye Wan Wan na para bang imposible ang narinig niya.
Hindi gagawin ni Chu Feng yun kahit purihin mo siya ng isang daang beses!
"Yan Ran, baka nagkakamali ka lang?" kaagad na tinanong ni Ye Wan Wan.
Malungkot na natawa si Jang Yan Ran. "Ako? Nagkamali? Napansin ko na kamakailan lang na may mali sa galaw niya, pero hindi ko ito masyadong inisip ngunit isang araw, nakita ko na nag-sho-shopping siya na may kasamang babae at malinaw na nakita ng mga mata ko ito. Tumayo ako sa labas ng shop para tawagan siya, pero nagsinungaling siya at sinabi niyang nasa bahay lang raw siya."