"Narinig ko ang balita na pinigilan raw ng babaeng 'yon na magpa-opera si master?" Galit na tinanong ni Liu Ying.
Bumuntong hininga si Qin Ruo Xi. "Ginawa lang 'yon ni Miss Ye para sa kapakanan ng kalusugan ni Ah-Jiu…"
Bumigat ang paghinga ni Liu Ying nang makita niyang pagod at wala nang magawa si Qin Ruo Xi sa mga nangyayari, "Para sa kapakanan ng kalusugan ni master?! Nabalitaan ko na rin ang lahat ng pinag-usapan nila, kailangan nang magpa-opera ni master sa loob ng tatlong buwan! Mamamatay siya kung hindi siya magpapa-opera, pinigilan niyang magpa-opera si master dahil nais niyang saktan si master!"
Sinubukang kumalma ni Qin Ruo Xi sa pagitan ng mainit nilang usapan: "Maibabalik naman siguro ni Miss Ye ang maayos na kalusugan ni Ah-Jiu at isang magandang balita ito para sa lahat kung mangyayari nga iyon…"
Biglang kasindak-sindak na tumawa si Liu Ying dahil sa namumuong galit niya at sinabi niya ng may kasakiman, "Tsk, maibabalik niya ba talaga ang maayos na kalusugan ni master? Miss Ruo Xi, alam mo ba ang dahilan kung bakit siya nagkasakit? Lagi siyang pinapagalitan ng babaeng 'yan. Plano niyang mamatay sa sakit si master, kaya paano mo masasabi na matutulungan niya pa si master?"
"Kung meron man siyang tinatagong motibo, ano ang kaya niyang gawin na hindi kayang gawin ng isang magaling na doktor para kay Si Ye Han? Tapos nakikialam pa siya sa mga pribadong gawain ng kumpanya! Anong karapatan niyang gawin ang mga bagay na 'yon?!"
...
Inakyat ni Ye Wan Wan sa taas ang mga dokumento matapos umalis nila Qin Ruo Xi at Xue Li.
Tinulak niya pabukas ang pintuan at nakita niyang nakahiga ng maayos ang masunuring si Si Ye Han.
Tila lumambot ang puso ni Ye Wan Wan nang makita niya si Si Ye Han, hinila niya ang upuan papunta sa gilid ng kama.
Dikit ang mga mata ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan na papa-upo pa lang sana, dahan-dahan na sinabi ng lalaki, "Umupo ka sa tabi ko."
Kumabog ang puso ni Ye Wan Wan nang mapalingon siya sa lalaki. "Hindi mo ba nakikita na tatabi na nga ako sayo? Dinala ko na nga dito yung upuan sa tabi mo eh!"
Pero maririnig sa tono ng boses ni Si Ye Han na ang kama ang tinutukoy niya...
"Hindi ako makatulog," sabi ni Si Ye Han.
At dahil doon, hindi na siya nilabanan ni Ye Wan Wan at tumabi na lamang siya kay Si Ye Han sa kama.
"Masaya ka na?" Tanong ni Ye Wan Wan.
Si Ye Han: "Mas maganda kung hihiga ka."
"..." Wala nang masabi si Ye Wan Wan.
"Hindi, kailangan kong basahin ang mga dokumentong at isaayos ang mga ito. Matulog ka kasi ng mahimbing diyan. Matatapos ko rin ang mga ito pagka-gising mo, ibubuod at babasahin ko ang nilalaman nito sayo mamaya," pilit na sinabi ni Ye Wan Wan para walang espasyo si Si Ye Han para ng tumutol sa desisyon niya.
Walang magawa si Si Ye Han nang makita niya ang munting seryosong mukha ni Ye Wan Wan.
"Teka, inumin mo muna ang gamot mo. Hindi ka pa rin gumagaling sa sipon mo kahit wala na ang lagnat mo - 'wag mong hayaan na lumala na naman ang kalagayan mo!" para bang normal nang gawain ni Ye Wan Wan nang nilabas niya ang ilang mga gamot.
Kinuha ni Ye Wan Wan ang gamot, bumuhos siya ng isang basong tubig at bumalik siya patungo sa kwarto.
Gayunpaman, patuloy pa rin siyang tinititigan ni Si Ye Han ng walang kibo.
"Ano namang problema mo ngayon?" Napakunot si Ye Wan Wan.
Nag-iba ang emosyon sa mga mata ni Si Ye Han at bigla siyang nagtanong, "Paano mo ko pinakain nung wala akong malay?"
Nabigla si Ye Wan Wan at namula ang mga pisngi niya sabay dinala niya ang isang basong tubig. "Pinasak ko ang pagkain sa bunganga mo!"
Bakit ang hirap nang pakisamahan ng lalaking ito? Saan na ang mapag-isang lalaki na nakilala ko?
Ginamit ko ang bunganga ko para pakainin siya, okay?
Pumatong si Ye Wan Wan sa headboard, pinainom na niya ng gamot si Si Ye Han at inamo niya rin ito hanggang sa makatulog. Bigla siyang napatitig sa mga pribadong dokumentong hawak niya.
Walang tinatago na kahit ano si Si Ye Han kay Ye Wan Wan pero pangit ang ibig sabihin kapag sasadyain niyang buksan ang mga dokumentong ito ng walang pahintulot ni Si Ye Han.
Matagal na umupo lamang si Ye Wan Wan ngunit sa huli, dahan-dahan niyang tiningnan ang mga dokumento...