Natahimik ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Sun Bai Cao.
"Iwan ko na lang muna kayo para mapag-isipan ito." huminga ng malalim si Sun Bai Cao at umalis na.
Sobrang malungkot ang old madam. Masakit sa puso niyang tinignan ang kanyang apo. "Little 9th, ano sa tingin mo? Paano kung gawin mo yung organ transplant sa lalong madaling panahon? Kung hindi, baka…"
Hindi na nagtangka pang tapusin ng old madam ang sasabihin.
Matapos ang tahimik na sandali, sabi ni Si Ye Han nang may malamig na itsura, "Magkakaroon tayo ng family meeting para magdesisyon."
Napakunot ng kilay si Ye Wan Wan nang marinig iyon. Meeting?
Matapos na pag-isipan ito, naintindihan niya ang intensyon ni Si Ye Han.
Ngayon na nalabas na ang balita tungkol sa sakit ni Si Ye Han, halos lahat ng angkan ay narinig na tungkol sa kanyang kondisyon. Bukod dito, malaking bagay ang pagdaan niya sa operasyon na hindi niya kayang itago pa ito.
Kaysa sa pagtago sa buong pamilya at pwersahin silang manghula sa nangyayari, mas maigi nang magkaroon nalang ng meeting sa mga angkan at pag-usapan ang ganitong isyu sa mga matatanda.
Dalawang oras ang nakalipas, sa dating tirahan ng mga Si:
Nandoon ang lahat ng mga matatanda at kasama na din si Sun Bai Cao. Nakaupo si Ye Wan Wan sa may sofa sa gilid, may gulo sa kanyang isipan.
Walang nakapansin kay Ye Wan Wan; nakatuon ang lahat ng atensyon nila kay Sun Bai Cao.
Nang makita na nandoon ang dakilang si Dr. Sun, banayad ang lahat ng itsura ng mga matatanda, hula nila na tungkol sa mga tsismis sa malalang sakit ni Si Ye Han at ang malapit niyang kamatayan ang family meeting na ito.
Pinigilan nila ang kanilang paghinga at halina na tinignan ang old madam at si Si Ye Han.
Nakaupo ang old madam sa sofa na may tungkod sa kanyang kamay. Kung wala siyang tungkod para masuportahan ang sarili, baka hindi siya makakaupo ng maayos.
Pinasadahan ng tingin ng old madam ang lahat ng nasa kwarto at malamig na sinabi, "Alam kong nag-aalala ang lahat sa kalusugan ni Little 9th ngayon. Seryosong isyu ang kondisyon ni Little 9th na hindi na namin maitatago pa sa inyo, kaya ngayon, dinala ko si Dr. Sun para ipaliwanag ang kondisyon ni LIttle 9th. Sabay nito, may kailangan din tayong pag-usapan."
Nabulungan ang lahat kasunod ng mga sinabi ng old madam.
Kondisyon sa kalusugan?
Mukhang hindi gawa-gawa lang ang mga tsismis...
Posible din na lumala sa yung sakit niya sa puntong hindi niya na maitatago pa...
Sa mga miyembro ng angkan, nanudyo ang itsuro ni Si Ming Li.
Tsk, akala ko itatago 'to ni Si Ye Han hanggang sa mamatay siya. Hindi ko inakalang personal niya pang sasabihin ito.
Pero inasahan ko na 'to - nagiging mas seryoso na ang sakit niya, at 'yon ang tipong hindi mo maitatago ng matagal...
Ang may puting balbas na matanda, si Si Ming Ling, ay nagsalita na may kadiliman ang itsura: "Hipag, ano ba ang nangyayari sa kalusugan ng master?"
"Makinig na lang kayong lahat kay Dr. Sun…" napapikit na lang ang old madam at nanahimik.
Sumulyap si Sun Bai Cao sa old madam at kay Si Ye Han. Nag-umpisa na siyang magpaliwanag sa iba tungkol sa kondisyon ni Si Ye Han.
Matapos magsalita ni Sun Bai Cao, sabi ng old madam, "Nirekomenda ni Dr. Sun na gawin na ang organ transplant sa lalong madaling panahon sa loob ng tatlong buwan. Ano sa tingin niyo?"
Nang marinig ang sinabi ni Sun Bai Cao at old madam, sandaling natahimik ang lahat sa gulat. Kasunod nito, nagkaroon ng malaking hiyawan.
Kaya pala nagbukas na si Si Ye Han tungkol sa sakit niya - umabot na sa seryosong estado. Totoo ang tsismis; wala ng pag-asa kay Si Ye Han.
"Base sa sinabi ni Dr. Sun, syempre kailangan natin dumaan sa organ transplant! Kung hindi, baka mas lalong manganib ang buhay ng master sa anumang sandali?"
"Kapag dumaan tayo sa organ transplant, mayroon pa siyang ilang taon, pero pag nagpatuloy pa siyang ganito, baka hindi na siya umabot sa anim na buwan!"
...