Chapter 489 - Kondisyon pangkalusugan

Kinaumagahan.

Wala ng katabi si Ye Wan Wan nang magising siya.

Gising na agad si Si Ye Han?

Tinignan niya ang kanyang phone at nakita na magtatanghali na. Dahil sa hindi siya makatulog kagabi, napahaba ang tulog niya ngayon.

Umupo si Ye Wan Wan sa kama habang kinusot ang mata niya at saka tumayo.

Nang malagpasan ang study, nakita ni Ye Wan Wan ang dalawang katulong na nasa may pinto at nagbubulungan.

"Sigurado ka? Ininom agad ni 9th master pagkadala mo?"

"Tama. Nagtatrabaho si 9th master at nakakatakot yung mukha niya, dahil siguro sa trabaho na naman. Aalis na sana ako at babalik mamaya, pero bandang huli, pinatigil ako ng 9th master at pinadala sa 'kin yung gamot niya at tuloy-tuloy niyang ininom…"

"Hindi nga! Ang swerte mo, huh!"

Sa 'di malayo, nakaramdam ng lunas si Ye Wan Wan nang marinig 'yon. Sa wakas may nagising din sa diwa niya.

Hindi niya na kailangan pang alalahanin sa pag-inom nito ng gamot. Pati ang pinaka-importanteng bagay - ang tulog - ay naresolbahan na din. Ngayon, kailangan niyang siguraduhin na mapanatili nito ang pagiging kalmado; hindi pwedeng masyadong mainitin ang ulo, balisa o pagod. Walang bagay ang pwedeng may makaligtaan.

Mukhang madali lang naman makamot ang mga ito, pero mahamon ang lahat ng ito pagdating kay Si Ye Han.

Ang pinakamahirap na parte ay ang pigilan siyang mapagod ng husto.

Walang tiwala si Si Ye Han kahit kanino, kaya personal niyang inayos ang lahat - hindi ito maiiwasan at wala ng magagawa pa dito.

At dahil dito kaya masyadong pinipilit ni Si Ye Han ang sarili hanggang sa mapunta sa ganito ang kalusugan niya at para bang may humigop sa kaluluwa niya sa nakaraang buhay ni Ye Wan Wan

Wala ng magagawa pa dito - malaki ang kapangyarihan, malaki din ang responsibilidad. Kailangan makaya ni Si Ye Han ang responsibilidad dahil siya ang namumuno at imposible na pwersahin siyang ipagpaliban na lang muna ang mga bagay-bagay.

Paano ko ba siya pipigilan na pagurin ang sarili niya?

Nakatayo si Ye Wan Wan sa may pinto, pinapanood ang marahang pag-ubo ni Si Ye Han at biglang naging malumbay ang kanyang mood.

Wala pa siyang solusyon sa problema at kaya niya lang mangyamot na magpahinga ito kahit saglit lang. Mag-iisip na lang ako pag nagpa-check up na si Si Ye Han kay Sun Bai Cao.

...

Ganun na lang, araw na ng check up ni Si Ye Han.

Pumunta sina Ye Wan Wan, ang old madam, at Si Ye Han sa tirahan ni Sun Bai Cao para sa pagsiyasat sa kondisyon ni Si Ye Han.

Sa sandaling ito, kalahating buwan na ang nakalipas simula nang sabihin ni Sun Bai Cao na may anim na buwan na lang si Si Ye Han para mamuhay.

Sinamahan ni Ye Wan Wan ang old madam sa labas na may halo-halong emosyon.

"Lola, 'wag po kayong mag-alala. Nasa oras naman ang pag-inom ni Ah-Jiu ng gamot niya at nakakapagpahinga din siya. Naging maayos din yung kondisyon niya nitong mga nakaraang araw. Baka may bumuti naman sa kondisyon niya?" pag-aliw ni Ye Wan Wan sa kanya.

Alam ng old madam na kasama ng apo niya si Ye Wan Wan sa lahat ng oras na 'to. Tinapik niya ang kamay ni Ye Wan Wan at bumuntong-hininga. "Sana…"

Tinitigan ni Xu Yi ang nakasarang pintuan na may bigat ng loob din.

Sa mga oras na 'to, nakita niya ang mga ginagawa ni Ye Wan Wan para makatulong bumuti ang kalusugan ng 9th master, pero hindi naman nasobrahan sa pagtrabaho ang katawan ng 9th master sa isang araw lang o dalawa, at nag-umpisa ng lumala ang pangangatawan nito, kaya paano siya gagaling sa maikling panahon lang?

Natatakot din ako na hindi magiging maganda ang resulta ngayon.

Ang malala pa nito ay nagkalat na sa buong angkan ang balita tungkol sa sakit ng 9th master; hindi na siguro nila kaya pang itago.

Matapos mag-antay ng isang oras, bumukas na din sa wakas ang pintuan.

Lumabas si Si Ye Han na maputla ang itsura.

"Ah-Jiu!" agad namang lumapit si Ye Wan Wan para tulungan siya.

Bumagsak ang temperatura ng isang gabi noon at nagising na lang si Si Ye Han na may lagnat kinaumagahan. Kahit na saglit lang siyang nasa lamig noon...

Mabilis ng humihina talaga ang pangangatawan nito...