Ang ikaapat na set ng mga imahe.
Sa kaliwa ay ang kintsay at sa kanan naman ay kulantro.
Naalala ni Ye Wan Wan na hindi mahilig kumain si Si Ye Han ng kintsay, kaya naman agad niyang pinili ang kulantro.
Tulad ng inaasahan, tama ulit ang hula ni Si Ye Han.
Kapag nagpatuloy pa kami ng ganito, baka makuha namin yung premyo!
Sa una, nagkatuwaan lang ang lahat na panoorin sila, pero habang nagtatagal mas nahahalina ang lahat sa panonood.
Nakawalong tama na sa mga tanong si Ye Wan Wan at Si Ye Han.
Pati si Ye Wan Wan ay tuliro din habang nakatitig kay Si Ye Han.
"Sh*t, Si Ye Han, marunong ka ba magbasa ng isip?"
Matapos ang walong tanong nagbago ang mapanglaw na itsura ni Si Ye Han.
"Ang galing ng pares na 'to! Nakawalong tama na sila na sunod-sunod! Dalawang tanong na lang ang natitira. Kapag natama nila ang isa pang tanong makukuha nila ang premyo ang kapag nakuha nila ng tama ang dalawang tanong, aalis sila kasama ang grand prize!"
Nausosyo ang ibang mga customer habang pinapanood ang dalawa - isang magandang ugnayan sa pagitan ng isang gwapong lalaki at magandang babae. Nanalo na sila sa buhay!
"Para sa ika-siyam na set ng mga imahe, tingin na lang po tayo sa screen!"
Kasunod ng mga sinabi ng host, isang set ulit ng mga imahe ang lumitaw sa malaking screen.
Isang imahe ng tsimenea na may usok sa kaliwa at isang kalawakan ng mga bituin naman sa kanan.
Nang makita ang dalwang imahe, pinag-isipan ito ni Ye Wan Wan at naisip na sakto ang unang imahe sa personalidad niya - isang komportable at mapayapang buhay, kaya 'yon ang pinili niya.
Bumulong si Si Xia sa sarili niya, "Pangalawa…"
Ilang beses na narinig ni Ye Wan Wan ang mga pagbulong ni Si Xia pero mali ang lahat ng sagot niya at hindi na lang siya makaimik.
Sa kabilang banda, magaling din ang lalaking ito sa pag-iwas sa mga tamang sagot.
Sabay nito, sabi ni Si Ye Han, "Yung una."
"Tama yung sagot! Diyos ko! Siyam na sagot na ang naitama nila! Sila na ngayon ang may pinakamataas na rekord dito! Makukuha nga ba ng pares na ito ang huling tanong! Tignan nating lahat! Medyo kinakabahan din ako!" napahinga ng malalim ang host at pinakita ang huling set ng mga imahe.
P*ta! Naka-siyam na tama na kami!
Natutuliro si Ye Wan Wan. Lumaki ang kanyang mga mata at mas lumakas ang tibok ng puso niya.
Sa wakas, lumabas na ang ika-sampung set ng mga imahe.
Kakaiba ang mga imahe - parehas silang imahe ng mga baril na halos magkapareho na.
Hindi makaimik si Ye Wan Wan - "Telepathy" ba 'tong larong 'to o "Spot the difference"?
Halos parehas lang ang dalawang imaheng 'to?
Totoo nga, hindi madaling mapanalo ang grand prize...
Nagulat din ang host sa mga imahe. *cough* "Nakakalito ang mga imaheng 'to ah! Magkamukha talaga ang mga baril, huh? Parang yung hawakan at nguso lang ang magkaiba. Ano kaya ang pipiliin ni ganda…"
Ilang beses tinignan maigi ni Ye Wan Wan ang mga imahe.
Hindi siya sigurado kung bakit, pero nakatingin lang siya sa unang imahe; para bang pamilyar ito sa kanya.
Weird...
Matagal ding nag-isip si Ye Wan Wan at sa wakas nakapag-desisyon na siya. Bakit hindi na lang ako… sumunod sa intuwisyon ko?
Mukhang mas maganda sa mata naman yung unang imahe!
Hindi ako sigurado kung makukuha ng tama ito ni Si Ye Han...
Nakakuha sila ng mga clue sa mga pag-uunagyan at pagkakaintindihan nila sa mga naunang tanong, pero sa mga imahe ngayon, aasa na lang sila sa swerte.
Sa wakas, matapos huminga ng malalim, Pinili ni Ye Wan Wan ang unang imahe...