Chapter 482 - Paano mo nahulaan?

Dahil sa malapit ang mesa nila sa entablado, pwede silang maglaro na lang sa kanilang upuan.

Nagningning ang mata ng host nang makita silang tatlo. Umabante siya at nagtanong, "Sino po ang maglalaro sa inyo?"

Tinuro ni Ye Wan Wan ang sarili at si Si Xia, "Dalawa kami!"

"Pwede ko po bang malaman kung magka-ano-ano kayo? Kaibigan po ba?"

Gustong tanungin ng host kung magkasintahan sila, pero kahit na mukhang magkarelasyon ang dalawa, mas malapit naman si Ye Wan Wan sa lalaking katabi niya.

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan bago pa magsalita ng kalokohan si Si Xia, "Kamag-anak."

"Sige po. Bago po tayo magsimula, sabihin ko sa inyo na ang pinakamataas na puntos po ngayong ay 8 points. Kailangan niyo pong malagpasan yung iskor para makuha niyo ang premyo. Kung may tabla man, pwede tayo magkaroon ng playoff. Mag-umpisa na po tayo kung wala na pong tanong!"

"Walang problema, tara!" pag-udyok ni Si Xia.

Wala ng magawa si Ye Wan Wan kundi sabayan na lang siya. "Walang problema."

"Miss, hawakan niyo na lang po ang remote. Pag nag-umpisa na may dalawang imahe po ang lalabas sa screen. Sa loob ng tatlong segundo, mamili po kayo ng isa sa mga imahe. Malalaman lang po namin ang napili niyo kapag nakahula na ang gwapo dito."

Pinaliwanag ng host yung laro at pinaalam na sa lahat ang umpisa ng laro.

Maya-maya, mabilis na umikot ang mga imahe at dahan-dahan ang mga ito tumigil.

May isang itim na rosas sa kanan at isang matingkad ginintuang sunflower sa kaliwa.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Ye Wan Wan at pinili ang sunflower.

"Pwede nang manghula si gwapo rito - ano sa tingin mo ang pinili niya?"

Kabadong tinignan ni Ye Wan Wan si Si Xia habang nag-aantay sa kanyang sagot.

Tinitigan ni Si Xia ang dalawang imahe at matatag na sumagot, "Yung itim na rosas."

Nang marinig na host 'yon, nalungkot ang itsura niya. "Sorry, pero mali yung hula mo. Napili ni ganda ang sunflower."

Pinakita sa malaking screen ang napili ni Ye Wan Wan at may malaking tsek sa tabi ng sunflower.

"Una pa lang naman 'to. Madami pa po kayong tsansa, kaya galingan na lang po natin sa susunod na round!" paggalak sa kanila ng host.

'Di nagtagal, lumabas na din ang pangalawang grupo ng imahe - isang maliit na sisiw sa kaliwa at isang malaking puting tigre sa kanan.

Madala lang 'to! Syempre yung malaking puting tigre!

Kung titignan lang yung mga galaw ko, halata naman na mas gusto ko ang malaking puting tigre. Hindi naman magkakamali si Si Xia dito, 'di ba?

Host: "Mister, hula niyo po?"

Si Xia: "Maliit na sisiw."

Ye Wanwan: "..."

Anong mata mo ang nakita na gusto ko ang mga maliit na sisiw...

*cough* "Mukhang mahirap ang dalawang tanong na 'to, magpatuloy na lang po tayo at galingan niyo po!" sinubukang aliwin ng host ang sitwasyon.

Ngayon na dalawa na ang mali nila, kapag nagkamali pa sila sa susunod na tanong, hindi na nila makukuha ang premyo.

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan, at tumingin sa malaking screen at lumabas na din sa wakas ang ikatlong grupo ng mga imahe.

Sa kaliwa, may imahe ng baril at isang bouquet ng sariwang bulaklak sa kanan.

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. Great, madali lang 'to!

Hindi na nag-atubili pa si Ye Wan Wan at pinili ang mga bulaklak, at tumingin kay Si Xia na umaasa na maitama ito.

Sa sumunod na segundo narinig niya ang sinabi ni Si Xia, "M416."

Pagtukoy ni Si Xia sa modelo ng baril.

Pumutok na ang mga ugat sa noo ni Ye Wan Wan. Nawalan na siya ng gana at tininan ng masama si Si Xia. "Ano ba! Paano ka ba nanghuhula?!"

Nagalit din si Si Xia, "Syempre nanghula ako base sa mga kagustuhan mo! Ako nga dapat ang nagtatanong sa 'yo eh! Paano ka ba namili?!"

Nabalisa si Ye Wan Wan sa mga dahilan niya. "Anong problema sa mga napili ko? Sinong babae ba ang pipiliin ang isang baril kaysa sa bulaklak? Para sa pangalawang tanong naman, hindi ba halata kung gaano ko kagusto si Great White? Bakit ko naman pipiliin yung maliit na sisiw! Tsaka sa unang tanong din, Ano ba yung itim na rosas! Itim yung kulay niya - sinong gugustuhin 'yon? Hindi mo ba napansin na gumawa ako ng buong hardin ng mga sunflower?"

"Ikaw talaga…" nagdilim ang mukha ni Si Xia. Binuka niya nag bunganga niya pero wala nang sinabi pa.

Related Books

Popular novel hashtag