Chapter 480 - Hindi kakayanin

Nang makita na nakatayo pa din si Si Xia, pinilit siya ni Ye Wan Wan na para bang nangangatwiran? "Hindi ba pera ang $30, huh? Nakakagawa ng milyon-milyon yung 9th uncle kada minuto, kada oras, pero hindi siya nagrereklamo! Magtupi ka na!"

Pinasahan niya ng mga asul na papel si Si Xia.

Tinignan ni Si Xia ang mga papel na nasa kamay ni Ye Wan Wan, huminga siya ng malalim at atubiling tinanggap ang mga ito.

Bakit ba talaga ako nandito...

Pinakamaayos na mga natuping mga bituin si Si Ye Han - bawat bituin ay may perpektong tulis na para bang isang art piece. Kasunod nito ay yung kay Ye Wan Wan na sakto lang ang pagkakatupi at ang pinakapangit ay kay Si Xia na malubay, marupok at panget na mga bituin...

Ginamit ni Si Ye Han ang mga pink na papel, asul naman kay Si Xia at dilaw kay Ye Wan Wan. Naghiwalay sila sa pagtupi at nang matapos na makatupi sila ng 150 na mga bituin, masayang tinawag agad ni Ye Wan Wan ang waitress.

"Tapos na kami!"

"Miss, ang ganda po ng pagkakatupi niyo!" tinignan ng waitress ang mga pink at dilaw na mga bag ng bituin at hindi mapigilan purihin ang mga ito. Gayunpaman, nang makita ang bag ni Si Xia, kumibot ang mukha niya.

Hindi din ito nakayanan ni Ye Wan Wan. "Ang pangit ng pagkakatupi ng mga kulay asul, magagamit ba ang mga 'yan?"

Minamasahe ni Si Xia ang mga masasakit niya mga daliri nang marinig niya si Ye Wan Wan. Talagang ininsulto niya 'yung mga star na tinupi ko!

Marahang umubo ang waitress at sabing, "Wala pong problema, magagamit naman po silang lahat basta tama lang po yung mga bilang nila."

Nang marinig 'yon, hindi na nagmukhang malungkot si Si Xia.

Maingat niyang tinupi ang mga bituin kahit na hindi ito magagamit, baka mapapatumba niya talaga ang restaurant na 'to.

Kinuha ng waitress ang tatlong bag ng mga maliliit na bituin pero nag-alinlangan si Ye Wan Wan at pinigilan siya, "Sandali sandali!"

"Miss, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng waitress.

Nag-isip si Ye Wan Wan at sabing, "150 na stars para sa $30 - ibig sabihin sa bawat 50 na stars may $10?"

"Tama po."

"Oh, edi…" Kinuha ni Ye Wan Wan ang bag na mga maliliit na bituin ni Si Ye Han, tumingin siya sa waitress at sabing, "Hindi pala namin ipagpapalit yung bag na 'to. Gagamitin na lang namin 'tong dalawang bag para sa $20!"

"Sige po!" Kinuha muli ng waitress ang dalawang bag ng mga bituin

Matapos umalis ng waitress, lumingon si Si Ye Han kay Ye Wan Wan. "Bakit hindi mo binigay 'tong bag?"

Inangat ni Ye Wan Wan ang bag at malapad na ngumiti. "Personal na tinupi ng CEO ng Si Corporation, at master din ng mga Si ang mga stars na 'to. Syempre hindi ko kayang ibenta ang mga 'to! Itatago ko na lang sila bilang subenir!"

Ganoon kakaiba ang pagtupi ng dakilang demonyo ng mga maliliit na stars, huh?

Si Xia: "..."

Paano mo napagpalit yung akin ng ganoon lang?

Nang nakaupo na din sila, sa wakas, para bang namamatay si Si Xia mula sa abuso.

Puno ang restaurant. May mababangong amoy ng mga masasarap na pagkain sa hangin, may mga preskong bulaklak din sa mesa at may tumutugtog ng violin sa gitna ng restaurant. Maganda ang atmospera.

Sa ngayon, may babaeng host at isang pares ng magkasintahan sa entablado na mukhang naglalaro sila.

Mabilis na nakapag-order ng mga pagkain si Ye Wan Wan at habang nag-aantay sa mga pagkain, hinaplos niya ang kanyang baba at tumingin sa entablado. "Anong laro 'yan?"

Nagpaliwanag ang waitress na naglalagay sa mga baso nila, "Telepathy po yung laro. Ganito po siya: may gamit po na komputer yung host para mamili ng sampung grupo ng mga gamit. Bawat grupo po ay may dalawang bagay at makikita sa malaking screen. Pipili ang babae ng isa sa dalawang bagay at kailangan hulaan ng lalaki ang pinili ng babae.May sampung tsansa po ang lahat at may total ng sampung puntos. Ang pares na may pinakamataas na puntos ay may matatanggap na premyo!"