Chapter 475 - Mayroong pag-asa

Sa loob ng makeup room, matapos umalis ng mga nanunuod:

Pribadong tinanong ni Gong Xu si Ye Wan Wan: "Ye-ge, tingin mo, ngayong may malinaw na ugnayan na tayo, pwede ba…"

Tumayo ng dahan dahan si Ye Wan Wan at nagtingin sa paligid. " Depende na lang ito sa iyong galing."

Kahit na medyo dismayado si Gong Xu, nabuhayan agad siya. Gusto akong obserbahan ni bayaw - ibig sabihin mayroong pag-asa!

At dahil dito, nabuhayan ang kalooban ni Gong Xu. "Ye-ge, huwag kang mag-alala. Pagbubutihin ko ang gagawin ko!"

Pagkita sa banidoso, kilalang young master na umaarte na parang isang ambisyosong kabataan, hindi mapigilan ni Ye Wan Wan ang kanyang tawa. "Aabangan ko yang mga sinasabi mo."

Ang pakurbang bahagi ng labi niya ay tumagos hanggang sa kalooban ng puso ni Gong Xu...

Sa mata ni Gong Xu, ito ay kapareho ng ngiti ng babaeng nagbigay sa kanya ng candied plums...

Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Gong Xu habang nakatingin sa kawalan. Nakatunganga lang siya at ang dulo ng kanyang mga tenga ay nag-iinit.

Dahil ba sila ay magkapatid?

Sa isang sandali na iyon, parang sobrang magkahawig sila...

...

Hindi sigurado si Zhou Wen Bin kung paano siya nakabalik sa opisina.

Ilang sandali lang ang nakakalipas simula ng makarating siya sa magara niyang opisina. Bago pa siya bumalik sa kanyang katinuan, tumunog ang kanyang telepono.

Nang kanyang makita na si Chu Hong Guang ang tumatawag, isang masamang pangitain ang lumabas mula sa kanyang puso.

"Hello, Chairman Chu…"

Sa kabilang dulo ng tawag, bumuntong hininga si Chu Hong Guang. "Wen Bin, nasa kompanya ka ng matagal na panahon. bakit hindi mo mapigilan ang isang tao man lang?"

Nagmamadaling tumugon si Zhou Wen Bin, "Chairman Chu, wala akong hinanakit kay Gong Xu. Yung batang lalaki na iyon, si Ye Bai, maaring gumamit siya ng mga bagay ng patago…"

"Sige, sige. Lumipat na kay Ye Bai si Gong Xu, kaya ito na ang katapusan niyan. May isa pa akong gustong isyu na pagusapan ngayon!" ang tono ni Chu Hong Guang ay naging matikas at malamig.

"Isa pang isyu?" nanghihinayang na tanong ni Zhou Wen Bin.

Sinabi ni Chu Hong Guang sa malalim na boses, "Pinadala ko na sa email mo. Tignan mo na ito!"

Nagmadali si Zhou Wen Bin at binuksan ang kanyang computer at binuksan ang pinakabagong email galing kay Chu Hong Guang.

Matapos niyang makita ang laman ng email, nawala ang huling parte na may kulay sa mukha ni Zhou Wen Bin...

"Chu… Chairman Chu, magpapaliwanag ako! Ako..."

Pinagalitan agad siya ni Chu Hong Guang: "Paliwanag? Ilang mga artistang nasa pangangalaga mo ang nagsumbong tungkol sa pangingikil mo at paglabag sa gusto ng kompanya! Merong mga matitibay na patunay! Bakit ka pa magpapaliwanag?"

"Hindi ganyan ang nangyari, Chairman Chu. Alam mo naman na kakailanganin ng madaming bagay at pera para ayusin ang isang artista. Kinolekta ko lang ang mga suhol para gumanda ang..."

"Huwag mo na itangi. Ang kailangan ko lang ay malaman ay bakit mo ito ginawa. At bilang senior manager ka ng kompanya, basta maibalik mo ang mga suhol na kinolekta mo, walang isasampang kaso sa iyo!"

"Chairman Chu! Chairman Chu..."

Hindi na muling hinintay na magsalita si Zhou Wen Bin, binaba na niya ang telepono.

Nakatingin si Zhou Wen Bin sa kanyang telepono at namumutla. Ang katawan niya ay nakapo sa silya niya.

Tapos na...

Itong Oras na ito, talagang talo na ako...

Sa opisina ni Ye Wan Wan:

Simula noong umalis si Ye Wan Wan sa kanyang opisina, si Luo Chen ay nakaupo lamang sa sofa nakatunganga at hindi kumikilos.

Hindi sigurado kung ilang oras na ang nakalipas, ilang mabilis na yapak ng paa ng tao ang kanyang naririnig bago pa ito buksan ng isang tao.. 

Ang little assistant ay nakatayo sa pintuan, gulat na makita si Luo Chen sa loob. "Luo Chen, bakit andito ka pa?"

Ibinaba ni Luo Chen ang kanyang ulo na parang nawala ang lahat ng liwanag sa kanya at sinabi ng magaspang na boses, "Xiao Qing… Gusto kong bumalik kay Zhou Wen Bin..."

"Huh? Anong sinabi mo?" nanlaki ang mga mata ni Xiao Qing.

Naipit ni Luo Chen ang kanyang kamay ng mahigpit na halos mamuti na ito. Ang pula sa kanyang mga mata ay dahil sa paghihirap niya sa kanyang isipan at matikas na sinabi, "Ayaw ko ng hatakin pababa si Ye-ge!"

Nabigla si Xiao Qing at biglang sinabi, "Luo Chen, hindi mo pa din alam ang kay Zhou Wen Bin ano! Tinanggal na siya sa kompanya!"

Parang hindi nakuha ni Luo Chen ang mga sinabi ni Xiao Qing at pagulat siyang tumugon, "Anong sinabi mo? Si Zhou Wen Bin tinanggal? Ito… Paano ito nangyari?!"

Sinabi agad ni Xiao Qing kay Luo Chen ang lahat ng nangyari sa itaas sa may makeup room.

Naguguluhan si Luo Chen. Ang mga mata niya, na simple at walang buhay sa simula, ay napuno ng hindi pagkapaniwala...