Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 471 - Humanap ka ng ibang gagawa nito

Chapter 471 - Humanap ka ng ibang gagawa nito

Bago pa matapos ni Zhou Wen Bin ang kanyang sasabihin, bumubula na ang bibig ni Gong Xu. "Umalis kayo! Sino ang nakipag-usap sa iyo? Ano ang ibig mong sabihin, huh? Inaakusahan mo ba ako bilang isang bully? Ginagamit ang posisyon para lang sa personal na pakinabang at nagpapangagap bilang isang walang kahihiyang tao na nagnakaw ng ng role ng isang artista sa loob ng parehong kumpanya?"

Ang itsura ni Gong Xu ay nagpapahiwatig na kakalabanin niya kung sino man ang maglalakas-loob na sirain ang kanyang reputasyon sa harap ng kanyang future brother-in-law!

Nang mapansin na si Gong Xu ay nagsasabi ng isang kasinungalingan, nag-itim ang mukha ni Zhou Wen Bin gaya ng ilalim ng isang palayok, ngunit ang tanging lang niyang nasabi ay, "paano… paano iyon nangyari… siyempre hindi…"

Lamang nasiyahan lang si Gong Xu ng siya ay sumigaw, "kung gayon, sa simula pa lang sinununod mo na ang mga utos pero palihim mong inilalagay ang mga bagay sa inyong kamay sa likuran ko! Ikaw ang gumawa ng gulo na ito, kaya ikaw mismo ang umayos nito! Ikaw, tawagan mo ang production team ngayon din para ayusin ito - hindi ko na kukunin ang role na ito!"

Paano niya tinanggihan ang role na nasa kanya ng mga kamay at personal pang ipinakita ito kay Luo Chen?

Nang marinig iyon ni Zhou Wen Bin, nag-iba ang kanyang itsura. Pinigilan niya ang galit na nasa kanyang mata, naglakad papunta sa gilid ni Gong Xu at maayos na sinuyo si Gong Xu, "Gong Xu, ikaw na ang napili ng production team para sa role na ito at malapit na namin ipapaalam ito sa publiko. Tapos bigla mong sasabihin na ayaw mo na umarte kahit kailan - sobrang mahirap para sa akin na ipaliwanag ito sa production team! Ito… hindi na tayo maaring umayaw ngayon!"

Halatang hindi basta-basta bibitawan ni Zhou Wen Bin ang role.

Paaanong hindi alam ni Ye Wan Wan ang iniisip ni Zhou Wen Bin? Siya ay ngumiti at sinabing, "tunay na mapagpakumbaba si direktor Zhou; na pag-usapan na din ang collaboration sa production team at nang bumalik ako sa opisina, sinabihan ako tungkol sa pagbabago ng aktor para sa supporting role - sigurado ako na alam ng lahat kung gaano ka kahusay, direktor Zhou."

Nabigo si Zhou Wen Bin at kaagad na tinuligsa si Ye Bai, "kinakausap ko si Gong Xu - sino ka para manggulo?! Sino kaba sa tingin mo?!"

Sa sandaling nagsalita si Zhou Wen Bin, Ibinagsak ni Gong Xu ang lamesa at umangal, "Zhou Wen Bin! Ganito ka ba makipag-usap kay Ye-ge?!"

Ye-ge...?

Nang marinig ni Zhou Wen Bin kung paano ang itinawag ni Gong Xu si Ye Bai, ang kanyang mata ay nanlaki sa hindi kapani-paniwala. 

Tinawag talaga ni Gong Xu si Ye Bai na "Ye-ge"? [1]

Ano… ano ba talagang nangyayari dito?

Pinalo ni Gong Xu ang kanyang palawit gaya ng marangal at mapagmataas na awra na nakapaligid sa kanya ay biglang nawala. "Tsk, hindi mo na mababago ito? Sigurado! Kung hindi mo kayang gawin ito, bakit hindi ako kumuha ng ibang tao para gawin ito?"

Nang marinig siya ni Zhou Wen Bin, tila para bang sumakit ang kanyang pressure points at naging maputla ang kanyang mukha.

Itong walang utak na great yong master, na si Gong Xu, ay madaling kausapin kapag nasa maayos na kondisyon ngunit kapang siya ay nagalit, wala itong hindi kayang gawin. Kapag siya ay nagalit gusto niya ng isang pagbabago sa manager, tapos na iyon…

Hindi na nagawang alalahanin pa ni Zhou Wen Bin si Ye Bai. Siya ay gumawa ng mabilisang desisyon at sinabi, "Gong Xu, ang insidenteng ito ay kasalanan ko talaga para hindi isipin ng maayos ang mga bagay-bagay - dapat kinausap na muna kita bago ako gumawa ng kahit anong desisyon. Aayusin ko ito kaagad kasama ang production crew at sigurado na maaayos ang gulo na ito!"

Naglakad sa gilid si Zhou Wen Bin matapos magsalita at tinawag ang production crew upang subukang ayusin ang gulo. Siya ay labis na nabagabag.

Halos handa na ang production team na ilabas sa publiko ang listahan ng cast members nang biglang tumawag sa kanila si Zhou Wen Bin upang sabihin na ayaw na maging parte ng production team si Gong Xu kahit kailan. Malinaw na, ang kanilang salooobin ay nangasim at tanging kailangan pigilan ni Zhou Wen Bin ang kanyang sarili at magpaliwanag, pilit niyang itinatanggi ang role na kanilang hawak-hawak…

Magulo sa loob ng makeup room dahil marami ang mga artista at staff na ang tipon sa labas. Nang makita na sobrang napagalitan ni Gong Xu si Zhou Wen Bin, ang lahat ay nagsimula ng magbulungan at mag tsismisan.

Nang matapos ang tawag ni Zhou Wen Bin, pinunasan niya ang malamig na pawis mula sa kanyang noo at naglakad patungo kay Gong Xu nang may pagkatakot. "Gong Xu, naayos ko na ang lahat sa production team ayon sa iyong bilin…"