Dahan-dahan na sinabi ni Luo Chen ang linyang iyon hanggang sa bigla siyang tumayo.
Kada-hakbang, naglalakad siya papalapit kay Xu Ming. Tumayo siya sa tabi ng kanyang kaibigan, nakipag-akbayan siya at tumingin, ang mga mata niya ay parang nakatingin sa malayong kalawakan——
"Ito ang sasabihin ko sayo - Ito ang sasabihin ko sayo - matagal nang nakasulat sa kasaysayan ang mga tagumpay!"
"Simula sa araw na ito… Sa lugar na ito… ang mabuti kapag sinabi kong mabuti at masama kapag sinabi kong masama!"
Hindi tulad ng baliw at bayonlenteng interpretasyon ni Xu Ming ang paraan ng pagkakasabi ni Luo Chen; tulad ng ulap ang tono ng pananalita ni Luo Chen. Para bang napaka-ordinaryo lang ng sinabi niya. Parang malinaw at nakatigil na lawa ang tono ng boses niya.
Mabagal na lumakad papalayo si Luo Chen at sinangga niya si Xu Ming pagkatapos niyang sabihin ang kanyang linya.
Pinapahiwatig nito ang isang pares ng magkapatid na lalaki, ang pares na nakipag-bahagi ng iisang prinsipyo at parehas rin na humawak ng espada, ay biglang naghiwalay ng landas at humantong sa magkaibang lakad ng buhay...
Matagal na binalot ng katahimikan ang eksena.
Kahit ang ang mga komento sa live broadcast ng bullet screen ay huminto.
"Dito nagtatapos ang audition ko."
Nung umikot si Luo Chen at humarap siya sa production crew sabay nag-bow, bumalik sa tamang pag-iisip ang lahat ng tao.
Si Song Jin Lin na buong gabi nang blangko ang itsura ay biglang nagalak. Hindi siya makapaniwala nang matunghayan niya si Luo Chen.
Kahit si Xu Ming ay nabigla nang mapanood niya si Luo Chen. Ang mukha niya ay biglang namutla.
Kasama siya sa buong pag-arte ni Luo Chen kaya mas malaki ang epekto ng performance ni Luo Chen sa pakiramdam niya.
Muntikan pa siyang pumasok sa karakter ni Yun Hai dahil sobra siyang naniwala sa pag-arte ni Luo Chen...
Ang kanina'y tahimik na bullet screen at umapaw na naman ng mga komento——
[Wo...Wow! Ang galing! Na-posses talaga siya ni Lin Luo Chen!]
[Anong sinasabi mo na pinosses siya ni Lin Luo Chen? Siya talaga ang tunay na Lin Luo Chen! Kala ko kanina na perpekto na ang performance ni Xu Ming pero ngayon, pagkatapos kong mapanood si Luo Chen, ito ang tunay na pamamaraan ng isang master na tinuturuan ang lahat kung paano maging magaling!]
[Halos perpekto na sana ang performance ni Xu Ming at alam ko namang magaling siyang umarte pero si Luo Chen, hindi na importante kung magaling siyang umarte o hindi, o kung hindi niya ginamit ang kanyang skills dahil nagpasakop siya ng buo sa daloy ng istorya at dahil SIYA ang tunay na gumaganap sa istorya - siya si Lin Luo Chen!]
[Ito ang pinagkaiba ng isant master sa ibang mga aktor! Kanina, si Xu Ming ang tunay na Lin Luo Chen pero matapos ang isang segundo, dinala siya ng pag-arte ni Luo Chen bilang ang karakter na si Yun Hai!]
[Sa totoo lang, habang nakatuon ang atensyon niyo kay Xu Ming, pinapanood ko si Luo Chen at napagtanto ko na hindi siya mabagal makakuha ng karakter dahil… siya na mismo ang karakter na iyon; hindi na niya kailangang pumasok sa karakter ni Lin Luo Chen!]
[Nakakapanabik ito! An tunay ay ang tunay. Ang role na ito ay hindi madaling mai-arte ng kahit sino lang!]
...
Malalim ang iniisip ni Song Jin Lin.
May malalim na kahulugan ang pinili niyang eksena at hindi ito basta-basta lang.
Mukha mang madali ang eksena na ito pero hindi nila alam na ito ang pinaka importante paglipat sa emosyonal na bahagi nang papunta sa sequel - pinapakita nito ang importanteng pagkasira ng relasyon sa pagitan ni Lin Luo Chen at ng male lead.
Kailangan niyong malaman na sa pangalawang serye, napakaimportante ng relasyon ng supporting actor at male lead - magkaibigan sila pero magkalaban rin sila; magkaiba ang prinispyo nila pero magkaparehas pa rin sila.
Ang magkaibang ugali na tulad nito ay mahirap i-akto.
Halimbawa, maayos man ang performance ni Xu Min ngunit masyado itong mahina - inarte niya lamang ay nasa iistorya at hindi niya pinansin ang relasyon ng male lead at supporting actor na mag-uugnay sa buong kabuuan ng istorya.
Hindi katulad ng pag-arte ni Luo Chen na napaka-makabagbag-damdamin, kaya niyang ipakira ang buong istorya at pinaramdam niya rin ang hidwaan at gulo na nararamdaman ng karakter.
Nagsipag siguro siyang magtrabaho upang maintindihan ng buo ang karakter. Imposible naman na umabot siya sa ganoong lebel ng pag-arte kung hindi niya trinabaho ito.