Chapter 448 - Mahal ko na siya

"Miss, naibalot na po ang candied plums na inorder ninyo. May iba pa po ba kayong gusto?" Tanong ng shop assistant.

Bumalik na sa katinuan si Ye Wan Wan at nagpadagdag siya ng orders na strawberry cake at mango mousse.

"Salamat po, sa susunod po ulit!" Nag-bow sa kanya ang mabait na shop assistant.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang lahat ng gamit niya at umalis siya sa store. Pero nakaramdam siya na parang may sumusunod sa likuran niya, sa bawat hakbang niya ay hakbang rin ng taong iyon.

Kaya tumalikod si Ye Wan Wan at napansin niya na ang naka-maskarang lalaki sa shop pala ang sumusunod sa kanya.

Nagkunwari pa na walang alam at nakatayo lamang ang lalaki sa gilid ng kalsada habang ang mga kamay niya ang nasa bulsa na para bang naghihintay siya ng may masasakyan, noong tumalikod si Ye Wan Wan.

Kaya nagmadaling naglakad si Ye Wan Wan at hindi na siya muling sinundan ng lalaking iyon.

Ngunit, ramdam ni Ye Wan Wan ang matalas na mata na tumitingin sa kanya galing sa taong sumusunod sa kanyang likuran...

Kaya hindi niya napigilang tumalikod muli.

At sa huli, napagtanto niya na… hindi man siya sinusundan ng lalaking naka-maskara, nakita niyang tinititigan siya ng lalaking iyon na kahit pa natatakpan ng sunglasses ang mga mata nito, makikita at mararamdaman mo ang lungkot at poot sa mata ng lalaki na para bang tumutusok kay Ye Wan Wan… sa madaling salita, nakatingin ang lalaki sa candied plums niya...

Umikot ang ulo ng lalaki at nagkunwari siyang hindi niya na tinititigan si Ye Wan Wan nang mapansin niyang nakita na siya ni Ye Wan Wan.

Dahil dito, hindi mapigilan ni Ye Wan Wan na biglang humagakhak o tumawa ng malakas.

Kailangan niya bang gawin iyon para lang sa ilang kahon ng candied plums?

Gayunpaman, naiintindihan ni Ye Wan Wan ang reaksyon ng lalaki kung superstar nga ito. Kailangang pili lamang ang kinakain ng mga artista at kailan rin nilang magpapayat - madalang mong makikita na makain nila ang pagkaing gusto talaga nila.

Napagtanto ito ni Ye Wan Wan kaya naisip niyang maglabas ng isang kahon ng candied plums galing sa kanyang bag at naglakad siya papunta sa naka-maskarang lalaki.

Biglang humakbang paatras ang lalaki at mukha siyang tatakbo palayo kay Ye Wan Wan nang mapansin niyang papunta si Ye Wan Wan sa kanya.

Siguro naisip niya na fan niya ako at nakilala ko siya kahit nagtatago siya sa kanyang maskara?

Napahinto si Ye Wan Wan sa paglalakad. Tumayo siya ng isang hakbang lamang ang layo sa lalaki at inabot niya ang isang kahon ng candied plums sa lalaki. "Gusto mo ito 'di ba? Pasensya na at binili ko yung tatlong natitirang kahon nito. Kaya naisip ko na, sayo na lang itong isa!"

Tamemeng nakatayo ang lalaki sa harapan ni Ye Wan Wan at wala siyang reaksyon sa mga kaganapan.

"Kunin mo na!"

At dahil patuloy na nagpupumilit si Ye Wan Wan, dahan dahan na inunat ng lalaki ang kanyang mga braso at mabilis niyang kinuha sa kamay ni Ye Wan Wan ang isang kahon ng candied plums, para bang takot ang lalaki na mahawakan ni Ye Wan Wan ang balat niya.

Walang kontrol na biglang tumawa-tawa si Ye Wan Wan. "Matamis ito at kung nagda-diet ka, dahan-dahan ka lang sa pagkain nito!"

Tumalikod si Ye Wan Wan at umalis.

Idinuyan ng lalaki ang isang kahon ng candied plums sa kanyang mga beaso at nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi matanggal sa kanyang isipan ang imahe ni Ye Wan Wan na walang sawa na tinatawanan siya.

Ang ngiti niya...

Ay… mas maganda pa kaysa sa candied plums...

Mabilis na bumalik sa katinuan ang lakaki at dali-dali siyang tumakbo papunta sa babae para habulin niya ito pero napagtanto niya na lumisan na ang babae sa kadiliman.

"P***!" Napamura ang lalaki sa sobrang inis. Tinanggal niya ang malaking sunglasses at makikita ang sobrang nakaka-akit na mukhang tinatago niya.

Sa oras na iyon, maririnig siyang mga hakbang na papunta sa kanya.

May matabang lalaki na naglakad papunta sa kanya at bigla siyang hinawakan sa likod at tahimik siyang kinausap, "Gong Xu! Bratinelo ka talaga! Bakit andirito ka? Pinahanap mo pa ako sa iyo! Bumili ka na naman ba ng desserts? Paulit-ulit na sinabi sayo ni Bin-ge na wag kang kakain ng mga ganito…"

Kahit patuloy siyang pinagagalitan, patuloy na tumitig sa kalayuan si Gong XU kaya nagtaka ang assistant sa kanya, "Uh, anong tinitignan mo?"

Humigpit ang hawak ni Gong Xu sa kahon ng candied plums at walang sawa siyang nakakatitig pa rin sa kalayuan kung saan nawala ang babae sa kanyang mga mata. Bigla siyang bumulong habang tuliro, "Ramdam ko na…"

"Na ano?" Hindi siya naintindihan ng assistant.

Gong Xu: "Na… mahal ko na siya…"

Nainis ang assistant na halos makita ang mga itim na linya na biglang sumulpot sa kanyang ulo. "Umiibig ka na naman! Paano ka umibig kung bumili ka lang ng isang kahon ng candied plums! Tapos hindi ka na nga makalakad ng maayos!"

Bigla siyang sinipa ni Gong Xu. "Loko! Totoo na ang nararamdaman ngayon!"