Chapter 445 - Inspeksyon ng homework niya

"Naka-uwi ka na bro!" kahit sinubukang magpaka-pormal ni Luo Chen, hindi na niya naitago ang galak sa mga mata niya.

Dahil sa hindi mapanatag na ugali ni Luo Chen, halos mabaliw-baliw siguro siya dahil matagal na nawala si Ye Wan Wan at wala siyang balita tungkol sa kanya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ye Wan Wan at diretsahan niya nang sinabi, "Mag impake ka na at pumunta ka sa bahay ko. Kakausapin kita tungkol sa plano."

"En." hindi na nagdalawang isip si Luo Chen. Bigla siyang tumango at mabilis niyang sinundan si Ye Wan Wan.

Sa Grand View Park:

"Umupo ka sa kahit saan mo gusto." hinubad ni Ye Wan Wan ang kanyang coat at bumuhos siya ng isang basong tubig para kay Luo Chen.

Mas kalmado na ngayon ni Luo Chen kumpara sa unang beses na pumunta siya sa bahay ni Ye Wan Wan.

Umupo si Ye Wan Wan sa sofa na hanag inpeksyonin ang mga homework ni Luo Chen.

Tinitigan ni Luo Chen ang script sa kamay ni Ye Wan Wan at mukhang kinakabahan siya.

Hawak man ni Ye Wan Wan ang script pero hindi niya ito sinuri ng maigi. Binuklat buklat niya ang script at pumili na lamang sya ng isang eksena. "Act 13, scene 7."

May pinatay na tao si Lin Luo Chen sa eksenang ito.

Simple lang daloy ng istorya sa eksena na ito - may pinatay si Lin Luo Chen na isang tapat na martial artist gamit ang isang hampas ng espada, tumalikod siya at umalis.

Wala itong nilalaman na linya o dayalogo; purong emosyon at galaw lamang aksenang ito.

Gusto makita ni Ye Wan Wan kung paano naintindihan ni Luo Chen ang role niya bilang Lin Luo Chen sa pangalawang serye gamit ang eksenang ito.

"Tingnan natin kung paano mo i-aakto ang eksena na ito. May problema ka ba doon?" nagtanong si Ye Wan Wan sabay tinaas niya ang kanyang ulo.

Umiling si Luo Chen. "Walang problema."

Naglakad papunta sa gitna ng kwarto si Luo Chen, huminga siya ng malalim at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Lumipas ang tatlong minuto, binuksan niya muli ang kanyang mga mata, binalot ng malamig at nakamamatay na tingin ang kanyang mga mata.

Inilagay ni Luo Chen ang isang kamay sa kanyang likod. Ginamit niya ang isang kamay para isaksak ang espada sa puso ng taong iyon. Mabilis na natunaw ang kamusmusan at kalinisan ng binata; binalot siya ng malamig na lagim at pagka-uhaw sa dugo. Kasing sahol ng demonyo kung paano niya tiningnan ang kanyang kalaban.

Pagkatapos ng ilang oras, nanumbalik na sa katinuan si Luo Chen. Bumaling ang tingin niya kay Ye Wan Wan at mukhang kabado habang hinihintay niya ang panghuhusga ni Ye Wan Wan.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at nagmuni-muni siya. "En… magaling kang umarte bilang magaling na demonyo…"

Pagkatapos niyang magsalita, napahinto muna siya bago siya magpatuloy sa pananalita: "Pero parang hindi siya makatotohanan!"

Tumayo si Ye Wan Wan at humarap siya sa pagmumukha ni Luo Chen.

*Swish* ginamit ni Ye Wan Wan ang script bilang espada at sinaksak niya ito sa puso ni Luo Chen. Hindi siya nagsayang ng oras at mabilis niyang tinanggal ang espada na iyon mula sa puso ni Luo Chen.

Ang emosyon sa mata ni Ye Wan Wan ay ka-parehas sa pagkakaintindi ni Luo Chen sa eksenang iyon - masama at binabalot ng lamig na para bang uhaw ito sa dugo, pero ang pagkakaiba ng emosyon ni Ye Wan Wan ay wala siyang intensyon na pumatay ng tao, kumpara kay Luo Chen.

Pumalit dito ay ang kapabayaan o walang pakialam - ito ang uri ng pagsuway at pagiging mapag-isa na nagpapakita ng walang kabahalaan sa nangyayari.

Nagmumukhang hindi makatao tuloy ang lalaking nakatayo sa harap ni Ye Wan Wan at nagmumukha lamang itong patay o walang pakiramdam.

"Nakita mo ba ang pagkakaiba?" tanong ni Ye Wan Wan.

Namuo ang malamig na pawis sa noo ni Luo Chen hanggang sa tinanong ni Ye Wan Wan iyon kaya nakaramdam siya ng malakas na pwersa na napunta sa kanyang puso at isip. Medyo nagimbal si Luo Chen sa sinabi ni Ye Wan Wan.

Nasa kaalaman ni Luo Chen na mas angat ang deductive skills ni Ye Wan Wan kumpara sa kanya, ngunit hindi niya nga lang alam kung bakit.

Anong dahilan na kahit walang nakamamatay na intensyon si Ye Wan Wan, kinaya niya pa ring takutin si Luo Chen?

Dahan-dahan na pinaliwanang ni Ye Wan Wan, "Si Lin Luo Chen sa panahong iyon ay nakadanas na ng iba't ibang kawalan ng hustisya at pagpapahirap; kaya nagbago rin ang paguugali niya - pinakita mo ang puntong ito ng maayos. Pero anong pagkakaiba niya sa lumang Lin Luo Chen? Alam mo ba?"

Medyo napayuko si Luo Chen at napaisip siya ng saglit bago sumagot ng hindi pa siya sigurado, "Oo… ang pananaw niya sa buhay?"

Napangiti si Ye Wan Wan. Hindi naman mali ang pagtanaw ni Luo Chen; kailangan niya lang ng kaunting pagpapahiwatig.

"Tama, ang pananaw niya sa buhay. Kung iisipin niya na mahalaga ang buhay ng tao, magkakaroon siya ng kagustuhan na pumatay, pero kung ang pananaw niya sa buhay ay parang dumi o dahon lang kapag pumatay siya, malamang, makikita sa kanyang mata na wala siyang pakialam sa buhay!"

Lumaki ang mga mata ni Luo Chen at mukhang naliwanagan na siya sa mga bagay bagay. "Ah, naintindihan ko na!"

"En…" tumango si Ye Wan Wan na handa nang magsalita. Sa oras na iyon, biglang nag-ring ang kanyang phone at makikita sa caller ID na si Xu YI ang tumatawag sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag