Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 435 - Ang kalahating taon na natitira

Chapter 435 - Ang kalahating taon na natitira

Umiling si Sun Bai Cao sabay siya'y nagbuntong hininga. "Malubha na ang pinsala sa lima niyang organs. Paminsan-minsan ay baka bigla na lang siyang mahimatay pero kapag tumagal pa ito, lalala na ang kalagayan ng kanyang immune system kaya hihina na rin ang kanyang pangangatawan. Magsisimula na ring mamatay ang kanyang organs kapag nangyari ang mga ito…"

"Pa… paano nangyari ito…" biglang namutla ang mukha ni old madam habang nakikinig siya. Balisa siyang nagsalita ng ,"Dr. Sun, hindi ba sinabi nyo na gagaling si Si Ye Han kapag inalagaan niya ang kanyang kalusugan?"

Walang magawa si Sun Bai Cao kundi sumagot, "Tama, sinabi ko na iyon noon. Limitado ang kakayanang makagamot ng mga medikasyon ni 9th master kaya aasa na lamang tayo sa mga gamot na ito para mapagaling siya. Madali lang sa iba na gumaling gamit ang mga medikasyon, kaso… mukhang mahihirapan si 9th master dahil sa malalang kalagayan niya ngayon.

"Ang malalang sakit niya ay nasa buong katawan na niya, at ang insomnia niya ay nagdudulot sa kanya na hindi pa lalong makapag-pahinga, para bang nagdadagdag ka lang ng yelo habang nag-i-isnow. Hindi siya nakinig sa payo ko at pinagod niya na naman ang sarili niya kaka-trabaho, kaya lalong lumala at bumilis na bumalot sa buong katawan niya ang kanyang malubha sakit!"

"Ang katotohanan na kinaya niyang mabuhay, kahit na hindi bumibigay ang katawan niya, ay lagpas na sa inaasahan kong mangyari. Ayon sa aking pag-aanalisa, ilang buwan nang nasa kanya ang sakit na ito at matagal na itong nagsimulang mamuhay sa kanyang katawan…"

Pinilit ni old madam na kumalma habang ang mga daliri niya ay makikitang nanginginig na, bigla siyang napatanong, "Dr. Sun, bigyan mo ako ng siguradong sagot - maililigtas pa ba natin ang buhay ni Little 9th? Sa ngayon, gaano na ba ka-seryoso ang sakit niya?"

"Ito ay…" kahit papano ay nag-aalalang tiningnan ni Sun Bai Cao si Si Ye Han.

Bilang doktor, may mga maselan na bagay ang hindi niya pwedeng sabihin sa harap ng kanyang pasyente.

Walang pinakita na emosyon si Si Ye Han sa buong oras na nag-uusap sila sila. Pinapakita ng emosyon niya na wala siyang pakialam kahit na pinag-uusapan man nila ang kalusugan niya at kung mabubuhay pa siya o hindi.

Nang marinig ito ni Si Ye Han, sumagot siya ng normal lang, "Okay lang, Dr. Sun. Diretsohin mo na."

Sun Bai Cao knew this master's attitude, so he answered directly. "According to my conservative calculations, if this continues, 9th young master would have at most... half a year left."

Kilala ni Sun Bai Cao ang ugali ni Si Ye Han, kaya diretso siyang sumagot. "Ayon sa aking konserbatibong kalkulasyon, kung magpapatuloy ang sakit mong ito, si 9th master ay tatagal na lamang ng halos… kalahating taon na lamang."

What... half a year?!

Ano… kalahating taon?!

Hearing what Sun Bai Cao said, the old madam suddenly blacked out and nearly fainted.

Nang marinig ni old madam ang sinabi ni Sun Bai Cao, nandilim ang kanyang paningin at muntikan na siyang himatayan.

Even Ye Wanwan by the side had a change of expression.

Nag-iba rin ang ekspresyon ni Ye Wan Wan habang nasa gilid siya ni Si Ye Han.

He won't live past half a year? How could that be?!

Hindi na lalagpas ang buhay niya ng kalahatin taon? Paano nangyari iyon?!

In her previous life, Si Ye Han was still alive when they got a divorce. Also, he wasn't severely injured this time, so his situation should've been much better than before. Why was his condition so serious?

Sa buhay niya noon, buhay pa rin si Si Ye Han noong nag-divorce sila. At hindi rin malala ang mga sugat ni Si Ye Han noon kaya mas maayos ang kalagayan niya noon. Bakit biglang naging seryoso ang kondisyon ni Si Ye Han ngayon?

Just what exactly went wrong?

Saan banda nagkamali?

Ye Wanwan tried her hardest to remember all the details in her past life and after a long time, she finally understood the reason why…

Sinubukan talaga ni Ye Wan Wan na tandaang maigi ang mga detalye ng pangyayari sa una niyang buhay, at matapos ang matagal na oras, naintindihan niya na kung saan banda ang pagkakamali...

In her past life, Si Ye Han did live a long time and didn't die but in those few years, because his organs were failing, he went through several major operations.

Sa buhay niya noon, matagal na nabuhay si Si Ye Han at hindi siya agad namatay dahil, kahit pa nasisira na ang kanyang mga organs, nagkaroon siya ng mga importanteng operasyon para maisaayos ang sakit niya.

Si Si Ye Han ang master ng buong Si family, ang pundasyon ng buong pamilya niya. Kaya ginawa ng pamilya niya ang lahat para lamang mapagaling siya; kahit pa ilang beses nang pinalitan ang kanyang organs, hindi sila nagdalawang-isip na patagalin pa ang buhay ni Si Ye Han.

Sa buhay niya noon, walang pakialam si Ye Wan Wan sa kondisyon ni Si Ye Han, ang alam niya lamang ay may mga tinatapos na operasyon sa katawan si Si Ye Han. Gayunpaman, ang salitang "operasyon" ay naging normal na salitang sinasambit kaya wala nang ibig sabihin ito. At saka, hindi masyadong pinakita ni Si Ye Han na nanghihina at nahihirapan na pala siya, umakto siya na parang normal na tao sa harap ni Ye Wan Wan.

Sa totoo lang, pinuputakte na ng malalang sakit ang buong katawan niya at umabot at sa puntong iyon, sumailalim siya sa maraming matitinding operasyon.

Mabilis na lumala ang kalagayan ng kanyang organs dahil na rin sa panghihina ng kanyang kalusugan. Kahit pa nagpapalit siya ng organs at nabuhay kahit tinatanggap ng katawan niya ang bagong organs, makalipas ang isa hanggang dalawang taon ay nagsimula ulit na masira ang mga ito at kinailangan niya ulit na sumailalim sa marami pang operasyon...

Nahirapan na si Ye Wan Wan na tiisin ang nararamdamang sakit ni Si Ye Han sa kada-oras na iniisip niya ang mga nangyayari sa kanya noon.

Nabuhay si Si Ye Han sa napakaraming paulit-ulit na operasyon na para bang torture sa kanya at sa katawan niya, mas mabuti na sanang mamatay na lang siya kaysa danasin ang paghihirap.

Pero sa unang buhay ni Ye Wan Wan, pinilit pa rin ni Si Ye Han na mabuhay nang matagal kahit pa sinabi ng doktor na kalahating buwan na lamang siya mabubuhay...