Chapter 431 - Tulungan mo ‘ko

Kasing itim ng tinta ang buhok ng lalaki, para bang yelo ang kanyang mga mata, tanging ang kanyang mapupulang labi lang ang kulay sa kanyang maputlang mukha, ang kanyang maputi, at maputlang collarbone ay lumabas sa kanyang maluwag at manipis na pajamas. May madilim na aura na nakapalibot sa kanya.

Mukha siyang may malubhang sakit, pero hindi man lang naapektuhan ang aura nito; sa halip, naramdaman ng lahat na para bang nasa panganib sila...

Tuliro si Ye Wan Wan at napako sa kinatatayuan.

Ang Si Ye Han na nasa coma sa loob ng tatlong buwan sa nakaraan kong buhay...

Ay nagising ngayon...

Dati ng naging bangungot niya ang malupit at malumbay na lalaki sa harap niya.

Ilang beses niya na din itong hiniling na mamatay.

Gayunpaman, nang makita na nagising na ito at nakatayo sa harap niya kahit na nanghihina, hindi niya na mapigilan ang pagluha sa kanyang mata...

Sa sandaling ito, blangko ang perpektong itsura ng lalaki. Nang lumapit ang babae sa kanya, banayad na may kumisap na liwanag sa kanyang madilim na mga mata.

Tulunang mo 'ko."

"Oh…" nagising na ang diwa ni Ye Wan Wan at agad na tinulungan siya papunta sa sofa.

Sobrang nasiyahan ang old madam nang makita na nagising na ang kanyang apo. "Little 9th, gising ka na. Pero may sakit ka pa! Bakit ka bumangon agad? Dali at bumalik ka na doon at magpahinga!"

"Lola, ayos lang po ako," sabi ni Si Ye Han. Dahan-dahan napunta ang tingin niya kay Si Ming Li na nakatayo kasama ang mga matatanda.

Nakayuko ang lahat at walang naglakas loob na huminga ng malakas. Bilang mastermind, nahihiya si Si Ming Li sa mga sandaling ito, at natataranta siya.

Nabalisa ang old madam at nag-aalala na maguguluhan ang kanyang apo sa mga nangyayari, kaya dali-dali siyang nagpaliwanag: "Little 9th, hindi naman ganoon kalaki 'yon. Nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan pero nalinaw naman na ang lahat. Nagkaroon lang ng mga magugulong punto sa insidente kaya ang fourth great uncle mo ay gustong makisama si Ye Wan Wan sa imbestigasyon…"

"Makisama sa imbestigasyon?" malinaw na sabi ni Si Ye Han pero sa sobrang lamig ng kanyang boses ay nakakangatog ito ng buto.

"Oo… oo, tama nga…"

Kaya naman, naglakas loob na lang si Si Ming Li at nagbigay ng mga detayle sa mga pangyayari mula umpisa. Bahagya siyang yumuko at taos pusong sinabi, "Master, dumulas lang ang dila ko at nababalisa ako ngayon lang, at hindi ko nakuha ang pahintulot old madam. Gayunpaman, nagiging maingat lang ako para sa mga Si!

Sa una, perpekto ang mga plano ni Si Ming Li, pero sinong mag-aakala na ang bobong batang 'to ay sisirain ang lahat para sa kanya?

Hindi niya mahahawakan si Xu Yi ngayon, pero hindi niya hahayaan ang batang 'to basta-basta. Kung hindi, paano niya mareresolba ang poot sa kanyang puso?

Tutal gusto niyang magpakabayani at iligtas si Xu Yi, gagamitin ko na lang siya bilang sangkalan!

Pinag-isipan mabuti ni Si Ming Li ang plano niya, pero hindi niya inaasahan na… magigising si Si Ye Han sa mga sandaling ito! At sa tamang oras lang!

Kung nahuli lang siya nagising ng isang sengundo, patay na ang babaeng ito!

Ngayon na gising na si Si Ye Han, naging mahirap ang lahat...

Nang marinig iyon ni Si Ye Han, bahagya siyang tumango. "Fourth great uncle, salamat. Base sa patakaran ng pamilya, kung sinuman ang gumawa ng desisyon ng walang pahintulot ay papaluin ng isang daang beses gamit ang baras. Dahil sa edad ni fourth great uncle, ang isang daang palo ay sasaluhin ng kanyang anak."

"A… ano?" biglang nagbago ang itsura ni Si Ming Li nang marinig iyon.

Hindi isinasagawa ng mga ordinaryong katulong ang parusa, pero ginagawa sila ng mga propesyonal mula sa prosecution hall. Ang isang daang palo ng baras ay paniguradong lulumpuhin ang isang tao!

Anong patakaran ng pamilya? Sinasabi niya lang 'yon at gusto niya lang akong parusahan!

Hinilig ni Si Ye Han ang kanyang ulo sa isa niyang kamay habang inangat niya ang malalim niyang mga mata. "Fourth great uncle, may pagtututol ka ba?"