Chapter 420 - Masusing imbestigasyon

Pagtangka na patayin ang master at palitan siya? Hindi ordinayong pagkakasala lang...

Sumalamin sa buong kwarto ang sinabi ng matanda na may puting balbas. Nanahimik ang lahat sa takot.

Nakakabatang kapatid ng lolo ni Si Ye Han ang matandang may puting balbas, si Si Ming Rong. Sa ibang salita, second great uncle siya ni Si Ye Han. Hawak niya ang pinakamataas na posisyon at reputasyon sa angkan; kahit na ang old madam ay makikipag-usap sa kanya ng mga isyu at makikinig sa opinyon niya.

Sa pamilya, katumbas niya ang isang tagapagpatupad ng batas at naging tapat at totoo sa mga Si. Ginawa niya ang makakaya para suportahan ang master ng bahay at hindi takot na makasakit ng tao.

Nang sabihin ni Si Ming Rong ang mga salitang 'yon, halos lahat ay tumingin sa matanda na nakasuot ng western suit, na nakaupo sa gilid at humihigop sa kanyang tsaa.

Nasa animnapung taong gulang ang matanda na nakasuot ng western suit. Nang makita na nakatingin ang lahat sa kanya, bahagyang nagdilim ang kanyang mukha. *cough* "Tito Rong, paano mo naman nasabe iyan?"

Pinsan siya ng tatay ni Si Ye Han, si Si Huai Liang, ang anak pangatlong great uncle niya. Noon, nang mamatay ang tatay ni Si Ye Han, si Si Huia Zhang, malubhang nag-away si Si Ye Han at ang ilan niyang mga tito. Nakatingin ang mga taong iyon sa bakanteng upuan, hanggang sa nakuha na ni Si Ye Han ang posisyon bilang pinuno ng mga Si ilang taon ang nakalipas.

Lalo na si Si Huai Liang. Mahilig siya manghila ng mga lubid at gumawa ng mga grupo. Madaming beses na din siya gumawa ng gulo kapag lasing siya, pinapakita niya ang sama ng loob niya kay Si Ye Han at binabatikos sa pagkamkam niya sa posisyon kahit na baguhan pa lang siya. Pinagbantaan niya din na hahanap siya ng taong papatay kay Si Ye Han. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na ang unang naisip ng lahat ay sisihin siya.

Matigas na tinignan ng matandang may puting balbas si Si Huai Liang. "Hula lang naman; bakit kabado ka? Maliban na lang kung ikaw ang nagpadala sa mga taong 'yon?"

Biglang naging balisa si Si Huai Liang. "Tito Rong! Hindi ka pwedeng magsabi ng ganyan! Ang sakit naman na pinaghihinalaan natin ang sariling pamilya natin, at aasa na lang sa mga sinasabi ng mga 'yan ng walang ebidensya! Hindi ba?"

Nang marinig ng iba ang sinabi, isa-isa na din silang nagsalita: "Hindi naman sa walang rason ang paghihinala ni Tito Rong, pero seryosong pag-aakusa ito! Syempre kailangan natin ng masinsinang imbestigasyon at maghanap ng matibay na ebidensya!"

"Tama, ang master ng pamilya natin ay may malubhang sakit at nasa coma pa. Wala tayong pinuno; Hindi dapat tayo gumawa ng gulo sa isa't isa!"

Mabagsik na sumigaw ang matandang may puting balbas, "Syempre mag-iimbestiga tayo! At uumpisahan natin sa mga tao natin! Hangga't wala naman kayong ginawang mali, anong gulo naman ang mangyayare?"

Huminga ng malalim ang old madam at dumilat. Nang naalala niya kung paano na muntik na mabawian ng buhay ang kanyang apo, pinasadahan niya ng malamig na tingin ang bawat isa sa kanila. Bigla niyang sinabi, "Tama si Tito Zhong. Tutal wala tayong ebidensya, mag-iimbestiga tayo! Uumpisahan natin sa loob. Kailangan makisama ang lahat sa imbestigasyon - kung hindi ay tatratuhin kayo bilang isang traydor!"

"Ilang beses ko na kayong pinagsabihan - ipinagbabawal ang alitan. 'Wag niyong atakihin ang isa't isa. Kapag nalaman kong may lumabag dito, hindi ko kayo basta-basta papalampasin!"

Ngumisi si Si Huai Liang at hindi na nagbalak tumanggi. Sabi niya na lang, "Opo, opo, opo great aunt, makikisama po ako! Pero gusto ko lang po sabihin - great aunt, ikaw po ang mas nakakakilala sa 'kin. Matalas ang dila ko, pero maayos ang intensyon ko. Kahit na may mga panget akong kumento noon, hinding-hindi ko gagawin ito kay Ah-Jiu! Sana po ay may masinsinan po kayong imbestigasyon!"

Sumulyap sa kanya ang old madam. "Kung hindi mo naman ginawa, hindi ka maakusahan ng mali!"

Matapos magsalita, tumingin ang old madam sa matandang housekeeper at nag-utos, "Sabihin mo ang ini-uutos ko. Sa loob ng tatlong araw…"

Ibibigay na sana ng old madam ang kanyang mga utos nang biglang sumigaw ang matanda na nakaupo sa gilid na nakasuot ng navy blue Tang suit, "Teka lang!"