Chapter 411 - Inaasahang panganib

Parehong oras sa Imperial City, sa lumang bahay ng mga Si:

Humihigop ng tsaa sa may sala ang old madam

Nagmamadaling pumunta si Qin Ruo Xi at ang ibang board member ng kumpanya.

"Kayong dalawa, bakit nandito kayo ng ganitong oras?" kinununot ng old madam ang kaniyang kilay at mukhang medyo pagod ng siya ay nagtanong.

Hindi siya sigurado kung bakit, ngunit hindi siya mapakali ng buong araw.

Nagpakita ngayon ng ganitong oras si Qin Ruo Xi at isang senior na mula sa kumpanya, agad na nagkaroon ng masamang pakiramdam.

Sumulyap si Qin Ruo Xi sa katabi niyang board member; mukhang na hihirap ang board member at hirap ito sa kanyang sasabihin. Saka lumingon kay Qin Ruo Xi at sinabi, "Miss Ruo, bakit hindi ikaw ang magsabi?!"

Sandaling nagaalinlangan si Qin Ruo Xi at maingat niyang isinaalang-alang ang kanyang mga sasabihin bago mag salita: "Lola, meron akong kailangan sabihin sayo, ngunit kapag narinig mo ito… pakiusap manatili kayong kalmado at wag ka masyadong mabalisa…"

Nang marinig iyon ng old madam, sumimangot siya. "Ano iyon? Napaka seryoso ba nito?"

"Opo…" huminga ng malalim si Qin Ruo Xi. "si Ah-Jiu, may nangyari sa kaniya…"

Agad na nag-iba ang itsura ng old madam nang mainip niyang inusisa, "Little 9th? Anong nangyari kay Little 9th?"

Sumagot si Qin Ruo Xi sa kanyang mabigat na boses, "napapaligiran ng hindi kilalang grupo sa country B si Ah-Jiu at ang iba pa. Nagbigay ng hudyat ng tulong si Xu Yi at agad na kaming nag organisado ng rescue party, ngunit hindi namin inaasahan na makapangyarihan ang hindi kilalang grupo - hawak nila ang buong country B sa ilalim ng kanilang kapangyarihan at ang ating mga tao ay hindi malaman ang kanilang eksaktong kinalalagyan. Ang network ni Xu Yi at naka patay din, kaya hindi niya kayang makipagusap sa atin. Tuluyan ng… nawala ang lahat ng komunikasyon mula doon…"

Sa panig ni Si Ye Han, nawala nila ang lahat ng kontak sa kanila; nandon sila kung saan hindi malaman at ang kanilang kaligtasan ay hindi tiyak. Bagama't nag-aalala sila na baka hindi makayanan ito ng old madam, hindi nila tinangkang magtago ng ganitong kakritikal na balita mula sa kaniya.

Nang marinig ang sinabi ni Qin Ruo Xi, biglang tumayo ang old madam ngunit kalahati lamang ang kanyang kinaya bago nangalupaypay mula sa pagkagulat.

"Lola!"

"Old madam!"

Biglang nanglupaypay ang old madam, na nagdulot ng kaguluhan sa sala.

Inutusan ni Qin Ruo Xi ang housekeeper na tumawag ng doktor habang minamasahe niya ang sentido ng old madam.

Gumising ang old madam matapos ang ilang oras at agad niyang hinablot ang damit ni Qin Ruo Xi, nabalisa. "Ikaw… anong sinabi mo?! Ruo Xi, ano ang sinabi mo? Dinukot si Ah-Jiu at ang iba?"

"Tila iyon ang kaso sa mga sandaling ito…" walang kibo ang itsura ni Qin Ruo Xi. maitim ang ilalim ng kanyang mata; halatang hindi siya nakatulog ng maayos.

Naging malungkot ang mukha ng old madam. "Anong klaseng mga tao sila at ang kapal naman ng mukha nila para galawin ang mga Si!"

"Isa silang organisasyon na ang tawag ay Murderous Blood Gang at ang mga Si ay walang kahit anong pagtatalo sa kanila. Baka may nag-utos sa kanila," sagot ni Qin Ruo.

Nang marinig ang tatlong salita na ito, "Murderous Blood Gang," biglang naging maputla ang mukha ng old madam. Tiyak na mayroon na siyang narinig na kwento-kwento tungkol sa organisasyon na ito.

Anong klaseng mga tao, anong klaseng malalim na galit ang meron sila…? Nag utos pa talaga sila ng masamang tao para atakihin ang mga Si...

Simula pa, inisip na niya kung ang pakay ba nila ay ang makuha ang mga mamahaling kagamitan o ang pagsira ng mga importanteng negosasyon.

Ngayon tila ito ay… hindi pagnanakaw. Halata namang pinuwersa nila ang Little 9th sa kanyang kamatayan!

Sa sandaling ito, biglaang naalala ng old madam ang sinabi ni Xin Yu sa kanya dati - sinabi niya iyon bago sila umalis, patuloy na ginugulo ni Wan Wan ang Little 9th at sinubukan na pigilan sa pag-alis ang Little 9th. Sinabi niya pa na napanaginipan niya na mapapahamak si Si Ye Han.

Sa mga oras na iyon, inakala niya na matigas lang ang ulo at hindi marunong makiramdam ang batang iyon, sinusubukan na maghanap ng dahilan para manatili sa bahay ang kanyang boyfriend...

Sinong mag-aakala na talagang makakaharap ng panganib si Ah-Jiu...