Chapter 402 - Misteryosong babae

Isang biglaang pagbaligtad ng sitwasyon na nagdulot sa lahat ng nasa pangyayari, pati na din ang mga tao sa Murderous Blood Gang, ay nagulat.

Anong...

Nangyari...

Narinig ang tunog ng makina ng kotse. Ang mga nakatuon kina Song Jing at Eugene ay biglang nakapansin na may dalawang kotseng itim na dumating ng walang tunog.

"Sino sila??!!" sigaw ng maliit na clown.

Sinara ko na ang buong bayan, kung kaya't papaanong nandito ang mga ito?

Ang importante, sinong maglalakas loob na manghimasok sa teritoryo ng Murderous Blood Gang? Naghahanap ng kamatayan, huh?

Dahil sa bilis ng mga pangyayari at wala silang kaalam alam sa kung sino ang dumating, naging maingat ang lahat.

Nakatingin ang lahat sa kakaibang sasakyan.

Iniligtas ni Liu Ying at ng iba si Song Jing habang nakatingin ng may pagdududa sa kotse.

Tila parang isang babae ang nagsalita kanina?

Sina Liu Ying at Song Jing magkasama ay hindi kayang talunin si Eugene, ngunit ang babaeng ito ang nakakita ng kahinaan ni Eugene at nagbigay ng pagkakataon upang makaiwas si Song Jing sa nakamamatay na atake!

Ito ay sobrang… hindi kapanipaniwala...

Sino ba talaga ang taong ito?

Sa ilalim ng tingin ng lahat, isang matangkad na lalaki na may pangharang sa mata at naka pilak na maskara na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang lumabas sa kotse sa gitna, lumabas siya mula sa driver's seat.

Ang iba pang mga tao na kaparehas ang kasuotan ay lumabas sa ibang mga kotse.

Paglabas ng lalaki, lumakad siya patungo sa passenger seat, at binuksan ang pintuan nang may paggalang at tinulungan ang isang babaeng nakaitim na chiffon dress palabas ng kotse.

Ang babaeng naka itim na chiffon dress ay nakasuot din ng makalumang sumbrerong may itim na belo nagtatakip ng kalahati ng kanyang mukha; humawak siya sa braso ng lalaki ng mahinhin at lumabas ng kotse ng dahan dahan. Ang mga kilos niya ay kaaya-aya parang sinaunang maharlikang babae.

Kahit na itim ang belo na nagtatakip ng kanyang mukha at tila hindi nila nakikita ng malinaw mula sa malayo, base sa hugis ng kanyang pulang labi, at pino at perpektong baba, masasabi nilang isa itong kagandahang nakakabaliw.

"Saan kayo nanggaling? Magbigay ka ng pangalan!" Hindi inaakalang mayuyugyog nang kanyang bangka sa kanal, kung kaya tinignan niya ng masama ang papalapit na tao habang nakatakip ang kamay niya sa kanyang mga sugat.

"Tsk..." Tumawa ng mahina ang babae at hindi nagsalita. Hindi man lamang siya sumagot sa katanungan ni Eugene.

Ang mahinang pagtawa na iyon ay nagpapahiwatig na ang turing niya sa kausap niya ay isang nunal, kuliglig o langgam - nangangahulugan na wala siyang karapatang magsalita at hindi karapat dapat tingnan.

Napansin ni Eugene ang pangungutya sa mahinang tawang iyon. Muntik na siyang sumabog sa galit ng biglang tumigin ang babae sa pinuno ng Murderous Blood Gang, K; ang malamig at mapangakit na boses ay umalis ng dahan dahan sa kanyang mga pulang labi --

"Qui Hong Hai, napakalakas mo, huh? Isa ka lamang ligaw na asong pinatalsik mula sa Liu Yan Yong army na nagkaroon ng pangalawang pagkakataon at naging pinuno ka pa ng isang grupo! Nangahas ka pang nakawin mula sa akin ang taong mahal ko!"

Ng sabihin ng babae ang huling mga kataga, tila biglang nanlamig ang mga salita niya, sobrang lamig parang yelo na nagdulot ng panginginig ng kanyang mga buto.

Ang pinuno ng Murderous Blood Gang, K, na matikas na parang isang bundok at tila walang ekspresyon simula kanina, ay tila nagbago ng marinig niya na ilantad ng babae ang tunay niyang pagkatao.

Kasunod nito, Tumigin siya sa kasuotan ng mga kasama ng babae pagkatapos ay sa suot na itim na chiffon dress ng babae. Mapanindig balahibong pagkatakot ang nakita sa kanyang pagmumukha. Ang kanyang boses ay nanginginig ng sinenyasan niya ang maliit na clown na si Jason at Eugene na nakaharang sa dadaanan ng babae: "Jason, Eugene! Umalis kayo dyan! Huwag kayong lapastangan!"