Nagbabad sa ice bath si Ye Wan Wan ng halos kalahating araw bago gumapang paalis ng bathtub, giniginaw at nanginginig.
Hindi pa siya nakaranas ng ganitong matinding paghihirap simula ng ipanganak ulit; talagang nagbakasakali siyang tumaya sa pamamagitan ng pagtaya sa kaniyang kalusugan....
Matapos makabalik sa sala, binalot ni Ye Wan Wan ang lahat ng kaniyang inihanda nang nakaraang mga araw at inilagay lahat ito sa malaking bahagi ng luggage. Saka niya dinala ito at bumalik sa Jin garden.
Gabing-gabi na iyon, nang semenyas siya ng taxi para pumunta sa Jin garden.
Inabot ni Ye Wan Wan sa katulong ang maleta na nasa kaniyang kamay upang dalhin sa itaas at kaswal na nagtanong, "nakabalik na ang 9th master?"
"Miss Wan Wan, hindi pa po," sagot ng katulong.
Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, ikinunot niya ng matindi ang kanyang kilay.
Para sa proyektong ito, walang tigil na nagtatrabaho si Si Ye Han nang halos buong tatlong taon at kamakailan lang, dahil sa ito ay isang kritikal na panahon, nagtatrabaho siya lagpas sa oras araw-araw at hindi na din nakakatulog kahit tatlong oras lang.
At kahit na ito ay maiging binabantayan ni Ye Wan Wan, pinipilit niyang paidlipin kapag merong pagkakataon.
Alam niyang maigi ang lagay ng katawan ni Si Ye Han; alam na alam niya na kapag nag patuloy siya sa ganitong paraan, kapansin-pansin na hihina ang kaniyang kalusugan, nguni't wala ideya si Ye Wan Wan kung paano patigilin siya.
Humiga si Ye Wan Wan sa kama at naghintay hanggang madaling araw, ngunit hindi padin bumabalik si Si Ye Han.
Nang siya magising, umaga na ng sumunod na araw. May mga bahaging pamilyar, na malamig na awra sa tabi niya.
Nang makita ang maliwanag na kalangitan sa labas, agad na naging mahinahon si Ye Wan Wan, tumayo at mabilis na bumaba ng hagdan.
Nakita niya ang pares ng sasakyan na naka-park malayo sa entrance. Isa sa mga natayo malapit ay ang main driver ni Si Ye Han habang ang iba ay ang kanyang mga bodyguard.
May tinatalakay na mga bagay-bagay si Si Ye Han sa kanyang mga katulong sa Jin garden at nang siya ay natapos na, naglakad siya patungo sa gate.
Tumakbo sa harapan si Xu Yi at binuksan ang pintuan sa backseat. Naghahanda na din si Liu Ying at ang iba na pumasok sa sasakyan.
Nang makia na paalis na si Si Ye Han, hinipitan niya agad ang kanyang tingin at sumugod nang mabilis hangga't kaya niya...
Hindi nagtagal ng tumapak na si Si Ye Han sa sasakyan, malakas na pwersa ang lumusob sa kanyang likuran.
Sa sumunod na sandali, yakap siya ng mahigpit sa balakang nang isang bigkis ng matamis na amoy ng ginhawa.
Sandaling nagulat si Si Ye Han sa siya humarap.
Matapos iyon, nakita niya na sobrang magulo ang buhok ni Ye Wan Wan at nakasuot ng panjama nang isa lang ang suot na tsinelas. Siya ay hinihingal at ang kanyang buong mukha ay nababalot ng anxiety.
"Hindi ka pwedeng umalis!"
Tumitig si Si Ye Han sa kanyang hubad na paa at sumimangot. "Nasaan ang iyong sapatos?"
Kung isasaalang-alang ang sitwasyon ngayon, sinong may pakialam sa aking sapatos?!
Hinihingal si Ye Wan Wan nang mahigpit na humawak sa braso ni Si Ye Han at balisa niyang inulit, "Wag ka umalis! Wag kana punta sa ibang bansa! Wag ka na pumunta sa country B!"
Sa isang saglit, ang bodyguards, si Xu Yi, Liu Ying at ang mata ng lahat ay nakay Ye Wan Wan.
Nakita ng mga katulong ang nangyayari at agad na tumakbo upang kunin ang tsinelas ni Ye Wan Wan.
Tutulungan na sanang isuot ni Si Ye Han, ngunit sobrang balisa si Ye Wan Wan nang sipain niya rin ang kabila niyang tsinelas. "Wag ka mabahala sa mga tsinelas! Nakikinig ka ba sa akin? WAG KA PUMUNTA SA COUNTRY B!"
Paiba-iba at hindi malaman ang mood ni Ye Wan Wan, mainitin at iritable kamakailan, at sanay na si Si Ye Han dito. Pinawi niya ito nang isa pang pagaalboroto at sinabi, "babalik ako sa isang linggo,"
Galit na galit si Ye Wan Wan--bumalik mo mukha mo! Oo, oo, babalik ka, ngunit baka mamatay ka sa gagawin mo!
Umuungot si Ye Wan Wan at dinikit ang sarili kay Si Ye Han, "walang aalis, walang aalis! Masama ang pakiramdam ko! Ito ay pagpapahirap - hahayaan mo lang ba akong maiwan mag-isa dito?"
Nagdikit ang kilay ni Si Ye Han. "Saan masama ang pakiramdam mo?"
Agad na sumagot si Ye Wan wan, "pakiramdam ko nanghihina ako at lumalabo ang paningin ko, mahina ang mga paa ko, at hindi ako makahinga ng maaayos...lagnat na ito…."