Chapter 379 - Pumikit ka at matulog

Sobrang nagalit si Ye Wan Wan doon...

Pinapapunta niya yung regla ko kahit hindi pa oras!

Hayaan mo na, hayaan mo na, hindi ako bababa sa lebel niya.

Baka hindi kasama ang lalaking ito sa sangkatauhan; pero nakakahanga na din na alam niya kung gaano kabilis mairita ang mga babae pag may regla sila.

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan para kumalma. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at nanigas ang kanyang mukha habang itinulak pababa ang ulo ni Si Ye Han sa kanyang binti. "May mahigit na isang oras pa - matulog ka muna."

Umalis siya ng ala-sais ng umaga at ngayon, alas-diyes na ng gabi at wala pa siyang nakakain sa mga nagdaang oras. Labing-anim na oras na siyang walang tigil sa pagtrabaho; kahit na gaano pa kalakas ang katawan niya, hindi hindi niya 'to makakayanan.

Tingin niya ba hindi siya tao?

Nakahiga sa malambot niyang binti si Si Ye Han at isang gulat at mapaghinalang tingin ang nakapaskil sa malamig na mukha ni Si Ye Han.

Agad siyang tinignan ng masama ni Ye Wan Wan. "Pumikit ka at matulog."

Naalala ni Ye Wan Wan kung gaano kagusto ng mga bata na yakapin ang mga laruan o malalambot na laruan para makatulog, at hindi sila makakatulog kung wala ang mga laruan sa tabi nila.

Siguro para sa kay Si Ye Han, isa si Ye Wan Wan na mga maliit na teddy bear na yakap ng mga bata para makatulog?

Si Xu Yi, na nagmamaneho sa harap, ay napansin ang eksena sa rearview mirror at naguluhan.

Mula sa tawag kaninang umaga sa pagtatanong tungkol sa kalusugan ng master hanggang sa personal na pumunta dito para pakainin siya at ngayon, kinuha niya ang isang oras na oportonidad para matulog si master...

Ano ba talaga ang… ginagawa ni Ye Wan Wan?

Hindi naman siya siguro… nag-aalala sa kalusugan ni master 'di ba?

Mahinahon na naglakbay ang kotse; dinesenyo ito ito para maging komportable, para maayos na makatulog si Si Ye Han.

Naglabas ng kumot si Ye Wan Wan mula sa cabinet para kumutan si Si Ye Han, matapos ay lumingon siya kay Xu Yi para makakuha ng impormasyon sa kanya: "May pupuntahan bang mga business trips si Si Ye Han sa mga susunod na araw?"

Sumagot si Xu Yi, "Opo, sa susunod na linggo."

"Saan siya pupunta?" agad na tanong ni Ye Wan Wan.

"Sa country B para ayusin ang importanteng kontrata; ngayong gabi pag-uusapan yan sa meeting." wala ng tinago si Xu Yi mula kay Ye Wan Wan at diretso ng sumagot.

Sabagay, malinaw naman na sa lahat ang ugali ng master kay Ye Wan Wan; wala naman siyang dapat itago.

Napatigil ang puso ni Ye Wan Wan ng marinig niya ang mga salitang "country B" at "ayusin ang kontrata".

Pareho lang noon - pupunta pa din si Si Ye Han sa country B...

"Kailangan niya bang pumunta? O ipagpaliban muna? Kailangan bang personal na pumunta si Si Ye Han?" tanong ni Ye Wan Wan.

Nahirapang sumagot si Xu Yi: "Yan… hindi po pwede! Lahat ng nasa kumpanya ay naghanda sa kolaborasyong 'to sa mahigit na tatlong taon - kailangan niyang pumunta at hindi pwedeng ipagpaliban dahil matagal 'tong naayos kaya kailangan personal na pumunta ang master… Miss Wan Wan, may gagawin ka po ba sa susunod na linggo?"

Nagdilim ang ang itsura ni Ye Wan Wan at hindi na sumagot.

Mula sa sinabi ni Xu Yi, kailangan pumunta si Si Ye Han kahit anong mangyari, at dahil sobrang importante nito, kailangan personal na nandoon si Si Ye Han.

Mukhang imposible na mapipigilan ko siya ng walang magandang rason.

Ayos naman ang lahat, bakit hindi siya pupunta?

Pwede ko bang sabihin na mapupunta sa isang trahedya si Si Ye Han at muntik na siyang mabawian ng buhay sa country B? Sinong maniniwala sa 'kin?

Kailangan bang… umulit ang nakaraan…?

Related Books

Popular novel hashtag