Sa hilaga sa labas ng Imperial City, isa sa mga kumpanya ang nasa ilalim ng Si Corporation:
Tinatalakay ni Si Ye Han ang paksa sa ilang mga tao mula sa top management ng kumpanya ng dumating si Ye Wan Wan. Naroon din pati si Qin Ruo Xi at Liu Ying.
Ang lahat ay walang kibo.
Naging seryoso ang mukha ni Lui Ying ng makita niya si Ye Wan Wan.
Bagama't nagtataka kay Ye Wan Wan ang iba sa mga nakatataas, sa palagay nila na siya ang usap-usapan na alagang babae ng kanilang BOSS. kahit na gaano sila nagtataka, ang lahat ay tahimik lang - hindi nila sinubukang tumitig at sinadya na lang nilang ituon ang sarili sa kanilang pag-uusap.
Para kay Qin Ruo Xi, siya ay magalang na tumango at pinagpatuloy ang kaniyang report sa maayos na paraan, nang pumasok si Ye Wan Wan.
Nakasalansan ang lahat ng klase ng dokumento sa lamesa ni Si Ye Han, ngunit ang lunchbox na nakatabi sa gilid ng kaniyang coffee table ay hindi man lamang niya nagalaw.
Puro sakit ang katawan ng lalaking ito, at ang kaniyang sikmura ay talagang mahina, ngunit pinapahirapan niya pa din ng ganito ang kaniyang katawan.
Nang makita niya ang biglaang pagdating ni Ye Wan Wan, Sumenyas si Si Ye Han sa kaniya na maghanap ng mauupuan at sandaling maghintay.
Hindi gumalaw si Ye Wan Wan. Itinikom niya ang kaniyang labi at tumingin kay Si Ye Han, "Hindi kapa naghahapunan?"
Lumabas si Si Ye Han na hindi niya inaasahan na bumaba lang si Ye Wan Wan para itanong ito. "Kailangan ayusin ang importanteng isyu."
Naging malungkot ang itsura ni Ye Wan Wan. Aling isyu ba sayo ang hindi importante?
Hindi mahalaga kung gaano ka importante ang isyu na iyan, mas mahalaga ba iyan kaysa sa buhay mo?
Napansin ni Si Ye Han na mukhang hindi siya masaya, kaya inilabas niya ang kaniyang laptop mula sa drawer at ibingay sa kaniya. "Maglaro ka muna saglit."
Lalo pang nag nagalit si Ye Wan Wan. "Hindi ako maglalaro! Hindi ako nandito para maglaro!"
Hindi iniwasan ni Si Ye Han ang babaeng ito kahit na gaano pa ka importante ng isyu, at hinayaan pa niya na makiupo si Ye Wan Wan sa ganito ka classified na meeting. Siya rin ay nag wala sa harap ng lahat, kaya ikinainis ito ni Liu Ying na malapit ng sumabog sa galit.
Pinunasan ni Xu Yi ang kaniyang pawis at nakatingin lang kay Lui Ying baka sakaling hindi niya mapigilan ang kaniyang matinding galit.
Nanatiling mahinahon at natural lang si Qin Ruo Xi nang siya'y ngumiti at sinabi, "Miss Ye, wag ka magalit, may importanteng bagay lang na kailangan niyang talakayin sa amin ngayon. Magiging sayo na siya pagkatapos niya."
May bakas ng ngiti kay Ye Wan Wan ng mapatingin si kay Qin Ruo Xi sa pagiging maunawain, at sinubukang tulungan si Si Ye Han. Hindi na ginulo ni Ye Wan Wa si Qin Ruo Xi-- kinuha niya ang laptop at pumunta sa may sofa.
Mahabang oras ang meeting ni Si Ye Han, kaya ginamit na lang ni Ye Wan Wan ang laptop at nagbasa ng balita.
Sa mga oras din na iyon, nanginig ang kaniyang telepono-- ito ay mensahe sa WeChat galing kay Xian Yu.
Nag-send sa kaniya ng ilang litrato si Han Xian Yu, nagtatanong kung alin ang magandang tignan.
Tinignan ni Ye Wan Wan at pumili ng isa sa mga litrato. "Itong isa, maganda kang tignan kapag nakatagilid pakaliwa."
Marami sa mga artista ang may maayos na anggulo at sa t'wing haharap sila sa media, at sadya nilang ipinapakita ang kanilang magandang anggulo. Para kay Han Xian Yu mas maganda siyang tignan kapag nakatagilid pakaliwa.
Sumagot si Han Xian Yu ng "OK."
At nagtingin-tingin si Ye Wan Wan sa webpage at nakita na nag post ng Weibo si Han Xian Yu: May nagsabi na mas maganda tignan kapag naka gilid ako sa kaliwa?
Ang litrato na nakalagay ay ang napili ni Ye Wan Wan.
Nagsilabasan ang mga sipsip sa comments section.
[Ahhhhhh! Oh my god! Sa wakas nagpost na ang aking asawa ng selfie! Halos mamatay na ako kakahihintay dito!]
[Gwapo, gwapo, gwapo! Ang gwapo talaga ni hubby sa lahat ng anggulo!]
[Isang tao? Sino ang taong iyon? Nakakaramdam ako ng panloloko!]
...
Naaabala sa pagtingin si Ye Wan Wan sa Weibo habang oras oras na sumusulyap sa direksyon ni Si Ye Han.
Segundo at minuto ang nakalipas...
Kalahating oras na ang nakalipas sa isang iglap, ngunit si Si Ye Han at ang iba ay hindi pa din lumalabas na para bang matatapos na sila.
Nang maalala niya ang mahinang katawan ni Si Ye Han, kinunot ni Ye Wan Wan ang kaniyang kilay at kinakatok niya ng kaniyang daliri sa armrest ng sofa ng naiinip.
Panibagong 20 minuto ang nagdaan at ang kamay ng oras ay tapat na nakaturo ng 9 p.m.
Ang pagkatok ng kaniyang daliri sa sofa ay huminto nang tumayo si Ye Wan Wan, kinuha ang malamig na lunchbox sa coffee table at naglakad patungo sa lounge sa loob ng kwarto.