Chapter 374 - Magpalipas ng gabi

Tama, sa sobrang talino ni Si Ye Han, bakit hindi niya malalaman ang iniisip ni Ye Wan Wan…?

Sa umpisa, akala ni Ye Wan Wan na tinatrato lang siyang isang alaga ni Si Ye Han. Akala niya na walang pake si Si Ye Han kung tapat ito sa kanya at kailangan niya lang maging mabait at masunurin.

At ang lalaki na 'to ay hindi alam ipahiwatig ang kanyang sarili, kaya hindi na masyadong pinag-isipan pa ni Ye Wan Wan ito.

Ngunit, nang tinignan siya ni Si Ye Han at sinabing, "Tingin mo may pake ako sa pagiging panget?" nakaramdam siya ng lungkot at pagkabigo sa lalaki.

Maya-maya pa, naputol ang pagmumuni-muni ni Ye Wan Wan ng marinig ang mababa at paos na boses ni Si Ye Han: "Punta na ako."

Matapos na sinabi 'yon, tumayo na si Si Ye Han at naglakad patungo sa pintuan...

Pero, bago pa lang niya itulak ang pinto at umalid, may biglang humawak ng mahigpit sa kanyang pulso.

Hindi namalayang sumunod si Ye Wan Wan sa kanya at hinatak ang ibaba ng kanyang damit. "Salamat."

Walang sinabi si Si Ye Han at blangko pa din ang mukha nito.

Nang hahakbang pa lang si Si Ye Han para umalis, biglang sinabi ni Ye Wan Wan, "Bakit hindi ka na lang magpalipas ng gabi dito?"

Kumisap ang mga mata ni Si Ye Han at tinignan si Ye Wan Wan.

Nang makita na hindi ito gumalaw, hinatak ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at pinapasok sa loob.

"Nangingitim na naman ang mga mata mo, kung ayos lang sa 'yo, subukan mo dumito muna ng madalas. Kapag wala akong trabaho, pupunta ako sa Jin garden para bisitahin ka."

Naramdam ni Ye Wan Wan ang pagtitig sa kanya ni Si Ye Han at sinabing, "Anong problema? Hindi ba mas mahimbing ang tulog mo kapag kasama mo 'ko?"

Nag-alala bigla si Ye Wan Wan na maisip ni Si Ye Han na masyadong drastiko ang pagbabago ng kanyang ugali, kaya agad niyang dinagdag, *cough* "Isipin mo na lang na bayad ko sa pabor 'to! Salamat!"

Alam ni Ye Wan Wan na sa taong tulad ni Si Ye Han, hindi madali para sa kanya ang ginawang kasunduan.

Mukang kalmado si Ye Wan Wan, pero alam niya ang nararamdaman niya sa kanyang puso.

Kahit na matindi ang paranoya at pang-aangkin ni Si Ye Han sa kanya sa nakaraan niyang buhay naging dahilan ito ng paghihirap niya sa puntong ayaw niya ng mabuhay pa, hindi kailanman nagsinungaling o nagtaksil sa kanya si Si Ye Han. Dahil din kay Si Ye Han, nakita niya na ang mga totoong kulay ni Shen Meng Qi at Gu Yue Ze...

Alam ni Ye Wan Wan na hindi niya tatanggapin ang ganitong klaseng relasyon - para ba itong delikadong dingding na pwedeng bumagsak anumang oras. Hindi niya matanggap ang pag-aangkin sa kanya ni Si Ye Han at ang mga pabago-bago niyang mood.

Pero hindi niya din maitatanggi na matapos na baguhin niya ang pakikisama kay Si Ye Han sa buhay na ito, nakita niya ito sa ibang ilaw at nasiyahan sa kanya.

Sinabi ni Ye Wan Wan na hindi siya sigurado sa nararamdaman niya kay Si Ye Han, pero sigurado siya na ayaw niya itong mamatay...

Bahala na, kung hindi niya malalaman, sasabay na lang siya sa alon.

Kahit na makuha niya ang kalayaan niya, ayaw niyang makuha ito sa pagkamatay ni Si Ye Han.

Nabalot ng katahimikan ang gabi.

Tahimik na nakahiga lang ang dalawa sa kama.

Hindi kumikibo si Si Ye Han kapag natutulog, wala man lang maski isang galaw mula sa kanya, kaya hindi sigurdao si Ye Wan Wan kung nakatulog na ito o hindi.

Hindi mapakali si Ye Wan Wan at hindi din makatulog, kaya lumingon siya sa tabi niya at marahang nagtanong, "Oo nga pala, nakalimutan kong tanungin… na… kilala mo ba si Mei Jing Zhou?"

Ang malamig na boses ni Si Ye Han ay nanggaling sa kanyang gilid, "Hindi."

Napakurap si Ye Wan Wan, "Eh? Hindi ba ikaw ang nagyaya sa kanya na pumunta sa birthday banquet ni lolo?"

Hindi man lang nagbago ang tono ni Si Ye Han, "Hindi."

Ye Wan Wan: "..."

Kung hindi lang niya palihim na tinanong si Xu Yi tungkol dito, baka maniwala na siya na hindi si Si Ye Han ang responsable dito.

Related Books

Popular novel hashtag