Nilapag ng deboto ng Taoist ang mahabang bandereta sa lapag at tiningnan ang mangkukulam na lalaki. "Bobong bakla, binasa ko, ang munting Toaist ang kapalaran mo--magiging mapahamak at madugo ang susunod na mga araw mo."
Ngumisi ang nakakasuklam na lalaki. "Akala mo talaa deboto ka ha? Walang kwentang hamak na tao!"
Biglang dumilim ang nakaka-akit na mukha ng deboto at bigla siyang ngumiti na naka-papahamak. "Gusto mo ba talagang mamatay?"
"Sige… subukan mo ako!" malanding tumingin ang lalaki ngunit matalim ang kanyang mga mata tulad ng kutsilyo; nagbago ang kanyang ugali ng hindi tulad ng dati.
"Huahua, may sinira nang siyudad yan. 'Wag mo na siyang subukang galitin," maayos na pinaalam ng dayuhan para sa kapakanan ng deboto.
"Ha? Bakit siya lang…" ang nakakasuklam na lalaki, si Huahua, ay napahawak sa tiyan niya sa sobrang tawa. May sasabihin pa sana siya kaso, pinukpok ni Nameless Nie ang lamesa gamit ang kanyang kamay.
"Manahimik kayong lahat," naiinis na sinabi ni Nameless Nie.
Nang sinabi iyon ni Nameless Nie, ang dayuhan, nakakasuklam na lalaki at ang binatang deboto ng Taoist ay biglang nanahimik; kahit ang gwapong yelo na lalaki ay seryosong tiningnan si Nameless Nie.
Tiningnan ni Nameless Nie ang apat na lalaki bago siya umubo at malamig na sinabi, "Anong tawag sa team natin?"
"Takipsilim ang Diyos ng Kamatayan!" sabay sabay na sumigaw ang apat.
"Ano ang bansag natin?" patuloy na sinabi ni Nameless Nie.
"Wala nang mas sasarap pa sa dumplings at mas sasaya pa kay hipag; pag kumakain si kapitan ng dumplings, lalaruin namin si hipag!"
"Ayokong laruin si hipag Kapitan… gusto ko ikaw~" ang nakakasuklam na lalaki ay biglang lumapit kay Nameless Nie.
Gayunpaman, bago pa siya lapitan ng nama-maklang lalaki, natakot na siya sa masamang tingin sa kanya ni Nameleds Nie.
"Ipagpatuloy ang motto!" Utos ni Nameless Nie.
Mabilis na tiningnan ng apat ang isat-isa at pinalakpak nila ang mga kamay nila ng may tsempo, "Kapitan ng Diyos ng Kamatayan, talentado na at swabe pa, cool cool cool, malakas malakas malakas malakas!"
"Napaka totoo niyong lahat sa akin, nagagalak ako bilang kapitan ninyo." Masayang tumango si Nameless Nie.
Sa labas ng stall, tila walang masabi at nagulat ang boss nang suriin niya ang limang taong nasa loob ng stall niya.
Sa gilid naman, ang pinulot na roast meat na nalaglag ni Ye Wan Wan gamit ang kanyang chopsticks ay nahulog na naman ito sa lamesa, maririnig ang tunog na plop nung nalaglag ito...
Lalong nag-iiba ang multi-level marketing (MLM) organizations sa panahon ngayon...
Buti kinakaya nilang sumigaw ng nakakahiyang motto?
Mga g*go ang mga ito!
Ilang saglit lang, binigay na ng boss ng kainan ang order nila at umalis.
Pagkatapos nito, may dala-dalang isang karton ng beer ang deboto. Nanlaki ang mga mata ng mga taong nasa harapan niya at sabik nilang itinaas ang kanilang mga chopsticks.
"Mga mayayabang! Ibaba niyo ang mga chopsticks niyo--ang rule ng team natin ay kung sino man ang pinakagwapo, iyon unang kakain sa lahat!" umangal ang nakakasuklam na lalaki.
Ang deboto at ang dayuhan ang nagbuntong hininga at nilayo nila ang kanilang chopsticks nang marinig nila iyon.
Nag dekwatro si Nameless Nie nang dahan-dahan niyang kinuha ang piraso ng braised pork at kinain niya ang isang buong piraso nito, at magulo niyang sinabi na, "Ang dumplings… pa rin… ang pinaka… masarap sa lahat…"
Nang makita nilang kumakain ang kapitan nila, mabilis nilang kinuha ang chopsticks at kumain na rin.
Matapos ang kalahating oras, ang natira na lamang ay kalahating karton ng alak.
Matamlay na tiningnan ni Nameless Nie ang mga lalaking kasama niya. "May mga updates ba?"
"Hindi pa rin sigurado ang balita," sabi ng nakakasuklam na lalaki.
"Kapitan, kailangan pa namin ng maraming oras dahil iniimbestigahan pa namin," sabi ng deboto.
Umiling ang ulo ng gwapong yelo na lalaki, pinapakita niya rin na wala siyang updates.
"Eh ikaw?" Tiningnan ni Nameless Nie ang dayuhan na tagalipat ng mga bricks.
Sunagot ng totok ang dayuhan pagkalunok niya ng inihaw na karne: "Buong araw akong naglipat ng bricks para makakuha ng pera kaya… nawalan ako ng oras para makapag imbestiga pa."
Makikita na medyo nawawalan na ng pasensya si Nameless Nie nang kumunot siya. "Bibigyan ko kayo ng tatlong buwan; kailangan niyong mahanap ang taong pinapahanap ko sa inyo!"
"Wag kang mag-alala kapitan, tatapusin namin ang aming misyon!" Sabay sabay na sinabi ng apat na lalaki.
Pumitik ang dila ni Ye Wan Wan na nakaupo pa rin sa isang gilid at inisip niya: Sino naman ang hinahanap ng grupong ito?
Isang tao kaya ito na may utang sa kanila?