Nagmayabang muna si Gu Yue Ze bago napunta ang usapan kay Ye Wan Wan, "Simula palang, wala kaming naramdaman ni Ye Wan Wan sa isat-isa at napipilitan lang ako dahil kay tito. Masyado na akong naging mabait para labanan ka pa!"
Humigpit ang kamao ni Ye Mu Fan nang marinig niya ang sinabi ni Gu Yue Ze. Muntikan niya nang suntukin siya sa mukha.
Malinaw na ang mokong na si Gu Yue Ze ay isinantabi ang kanyang prinsipyo ng para lang sa pera. Nang malaman niya na wala nang pera ang kanyang tatay, sinimulan niyang gamitin si Ye Yiyi pero natatakot siya na baka may taong magsasabi nito, kaya hindi niya pinatigil ang engagement kay Ye Wan Wan. Tapos ngayon, ipinagmamayabang niya na marami siyang pinagdaanan na kahihiyan at mabigat na tungkulin ang dinala niya ng para lang kay Ye Wan Wan--walang hiya talaga si Gu Yue Ze!
Kahit nainis si Ye Mu Fan, mas pinili niya na lang na manahimik ipeke ang kanyang ngiti kay Ye Wan Wan.
Tulad ng inaasahan, sa buong oras na nangyari iyon, hindi kumibo si Ye Wan Wan at hindi rin siya nakapagsalita mula una hanggang sa matapos ang usapan.
"Pasensya na Mr. Ye Shao Ting, matagal nang naghihirap si Ye Yiyi dahil sa samahan natin noon; kaya simula ngayong araw na ito, tinatapos ko na ang engagement ko kay Ye Wan Wan!" Nawala na ang respeto ni Gu Yue Ze at hindi na niya tinawag na "tito" si Ye Shao Ting. Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at mabilis na umalis kasama si Ye Yiyi.
"Wan wan…" humarap muna si Ye Yiyi kay Ye Wan Wan bago siya umalis kasama ni Gu Yue Ze, halata sa mata niya na gusto niyang manghingi ng tawad.
"P********* Gu Yue Ze!" Namula ang mukha ni Ye Shao Ting sa sobrang galit habang mabigat ang kanyang paghinga.
Hindi siya nakaramdam ng galit sa lahat ng nangasar sa kanya noong araw na iyon pero nang marinig niya ang pinagsasabi ni Gu Yue Ze, lumabas ang lahat ng sama ng loob niya.
Nag-aalalang hinila ni Liang Wan Jung ang kamay ng babae niyang anak, "Wan Wan…"
Mapangasar na tinignan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan na hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi, mahina ang boses niya nang mangasar siya kay Ye Wan Wan, "Kakaiba ka talaga Ye Wan Wan--hindi ka man lang nagsalita o di kaya umutot nung nakita mo si Gu Yue Ze! Ang galing mo kayang magsalita sa harap ni mama at papa? Anong nangyari? Nawalan ka ng gana nung nakita mong gwardyado at minamahal ni Gu Yue Ze si Ye Yiyi? Kala ko ba po-protektahan mo sila mama at papa! Siguro kapag tinaas lang ng Gu na iyon ang daliri niya sayo o di kaya ang simpleng tango niya papunta sayo ay tatalikuran mo na ang apeyido mo, pangalan at ang mga taong nagpalaki sayo noh?!"
"Tumigil ka, Mu Fan!" Mainit na tiningnan ni Liang Wan Jun si Ye Mu Fan.
Nag 'hmph' si Ye Mu Fan, "May sinabi ba akong mali? Maaari mong patagin ang bundok at kahit ang sapa pero hindi mo kayang baguhin ang katauhan ng isang tao--nangyari naman na ito noon! Abiso ko lang sa inyo, subaybayan niyong maigi si Ye Wan Wan ngayong gabi. Kung hindi? Hindi natin alam kung kailan ulit tayo magiging katatawanan!"
Hindi naabala si Ye Wan Wan sa pinakitang ugali ni Ye Mu Fan, kumurba pataas ang kanyang mga labi hanggang sa tamad siyang napangiti at natawa siya nang sinabi, "Ge ge, 'wag ka masyadong mag-alala. Hindi ako nagsalita kasi ayokong kausapin ang lalaking iyon.
"Gayunpaman… ge ge, tumatanda ang nga tao at nag-iiba rin ang taste. Ngayong araw, ang nakababata mong kapatid ay mas mataas na ang tingin sa sarili para yumuko pa sa lebel ni Gu Yue Ze."
Nagulat si Ye Mu Fan nang marinig niya iyon; halata na hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni Ye Wan Wan. Noon, kapag may isang sinabing mali si Ye Mu Fan tungkol kay Gu Yue Ze, mababaliw si Ye Wan Wan at walang sawa na aawayin siya nito.
Kompormeng nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Hindi ako tulad mo ge ge. Sa tagal ng panahon, hindi pa rin nagbago ang taste mo!"
Hindi narinig ni Ye Mu Fan ang bakas ng biro sa sinabi ni Ye Wan Wan kaya nagbago ang itsura niya. Hinampas niya sa lamesa ang wine glass at sinabi, "Ye Wan Wan! Anong ibig sabihin mo ha?!'
Pekeng napangiti si Ye Wan Wan sa kanya, "Ge ge, sinabi mo naman na, kakalimutan ko ang pangalan ko at apelyido ko at kakalimutan ko rin ang magulang ko, 'di ba? Pero bakit ikaw?! Mas magaling ka ba sa akin? Hindi ba nagpalandi ka rin sa isang hamak na babae? Hindi ka nagdalawang isip na magpaka-baba at magpaka alalay para sa babae iyon!"