Chapter 348 - Puspos na karangalan

Mabilis na tumayo sila Ye Yiyi At Gu Yue Ze at pinuntahan nila ang matanda.

"Isang karangalan na makilala ka namin great master Mei!" malugod na tinanggap ng nagulat na si Ye Yiyi si great master Mei.

"Magandang gabi, great master Mei. Ako po ang anak na lalaki ni Gu Cang," masayang pinakilala ni Gu Yue Ze ang kanyang sarili.

Tumango si Mei Jing Zhou. "Magandang gabi."

Kilala ni Mei Jing Zhou si Gu Cang na galing sa Gu Group ng Imperial City--nagkaroon silang dalawa ng pakikipag-ugnayan noon. Nagbuhos rin ng maraming oras si Gu Cang noon para makuha ang painting na "Dapithapon na Taglagas sa Bulubundukin."

Tunay na nakakabighani ang nakita ng mga bisita, nakita nila ang liwanag sa dalawang nakatayo sa tabi ni Mei Jing Zhou, sila Ye Yiyi at Gu Yue Ze.

"Hindi lang nila binigyan ng calligraphy painting ni great master Mei ang matanda, kundi, personal rin nilang dinala ang master dito…"

Sa hindi kalayuan, pasulyap-sulyap si Ye Shao Ting kay great master Mei Jing Zhou.

Tulad ng matanda, ginagalang at mataas ang paghanga ni Ye Shao Ting sa calligraphy paintings ni great master Mei Jing Zhou. Matagal niya nang gustong makita si Mei Jing Zhou, ngunit isang pribadong tao si Mei Jing Zhou at madalang rin na nagpapakita siya sa publiko, kaya hindi siya nagkaroon ng tsansa na makita siya sa mga panahong iyon.

Nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan nang mabighani siya sa kanyang nakita, "Si Mei Jing Zhou talaga iyon…"

Hindi masyadong pamilyar si Ye Wan Wan kay Mei Jing Zhou, pero ang tatay at lolo niya mga tiga-hanga ng calligraphy painting ni Mei, kaya kakaunti lang ang kaalaman niya tungkol kay great master Mei. Alam niya rin ang ibig sabihin kung bakit idinala ang lalaking iyon dito.

Nakarating na ang kapangyarihan ng Gu family sa ganitong punto? Nagawa talaga nilang imbitahin ng personal si Mei Jing Zhou para makapunta sa kaarawan at salu-salo ni lolo?

Nagbuntong hininga si Ye Shao Ting. "Hindi ka nagkakamali, si great master Mei Jing Zhou talaga iyon."

Patagilid na tiningnan si Ye Mu Fan ang pinupuri ng lahat na si Ye Wan Wan. "Hmph! Tama! Si Mei Jing Zhou nga iyon! Ang galing ng fianće mo, hindi ba?!"

"Dito po ang daan great master Mei." Magalang na sumenyas si Gu Yue Ze gamit ang kanyang kanan na kamay, ginabayan niya ito papunta sa main table.

Sinamahan ni Ye Yiyi si Mei Jing Zhou. Napaka-elegante ng kilos niya nang mahinhin niyang sinabihan si Mei Jing Zhou tungkol sa sitwasyon ni Ye Hong Wei.

Nang makaabot na ng main table si Mei Jing Zhou, lahat ng mga nakakatanda ay nagsi-tayuan at sinalubong siya ng pagbati na para bang magkakakilala na sila, ang bawat isa sa kanila ay nakipagkamayan sa kanya.

"Magaling ang apo mo Old Ye; kinaya niyang imbitahin si Mr. Mei JIng Zhou dito!" halatang naiinggit ang natawang matanda.

Sa oras na iyon, katabi na ni Ye Hong We si Mei Jing Zhou. Hindi siya makapaniwala nang makita niya ang kanyang idolo.

"Kaarawan mo ngayon Mr. Ye, kaya may inihanda akong munting regalo para sa iyo."

Puspos ng karangalan ang puso ni Ye Hong Wei. Na-blangko siya ng ilang sandali bago siya magkaroon ng reaksyon. "Malaking karangalan sa Ye family ang mapagbigay-loob mong presensya dito, great master Mei."

Taglay ang paghanga ni Ye Hong Wei kay Mei Jing Zhou.

Napangiti si Mei Jing Zhou sa sinabi ng matanda at hinayaan niya ang kanyang assistant na humakbang papalapit para ipresenta ang dalawang calligraphy paintings.

Binuksan ng assistant ang dalawang painting at inilapag niya ito sa harap ni Ye Hong Wei.

Ang unang painting ay isang dakilang tigre na umuungol sa loob ng kagubatan habang may umaagos na malakas na sapa na nakapinta rin dito. Malinaw at mukhang makatotohanan ang tigre; ang tindig nito ay tila naghahandang lumabas galing sa painting.

"Ang ganda… basta gawang kamay ni Old Mei, ito ay tunay na kahanga-hanga!" lumapit sila Li Yue at Zhou Qing Gang sa painting at abot langit nilang pinuri si great master Mei.

Namangha si Ye Hong Wei. Ang drawing na ito ni Mei Jing Zhou ay kakaiba ang lebel, kumpara sa "Dapithapon na Taglagas sa Bulubundukin".

Pagkatapos ng ilang saglit, nasilayan na ng lahat ng tao ang pangalawang painting.

Pinapalibutan ito ng maiitim na ulap at may kasama itong kulog at kidlat. Sa loob ng mga ulap ay may isang berdeng selestyal na dragon ang humahawi ng mga ulap pa-palayo, matutunghayan ang ulo nito sa kahit sa langit at lupa, bulubundukin at sapa. May bakas ng tibay ng loob at lupit ang dragon, kaya naramdaman ng mga nakatingin sa painting na nandoon din sila sa loob, habang nakatingin sa bughaw na dragon sa kalangitan.